Hindi naman talaga ako pala-text. Pero nang dahil yata sa may number na ako ni Russel ay nakakasanayan ko na palagi ko nang hawak ang phone ko. Maging sa school ay palagi itong nakapatong sa desk ko. Palagi pa nga akong excited tuwing may bagong message na darating sa'kin. Ano ba 'yan!
"That's all for today. Class dismissed.", saad noong prof namin at lumabas na. Nag-inat naman ako ng dahil sa pangangawit ng dahil sa diretsong 3 hours na klase namin sa kanya.
Habang nagliligpit na ng gamit ay tumunog naman ang phone ko. Mabilis kong kinuha iyon at agad na binuksan sa pag-aakalang si Russel ang nagtext pero mensahe mula kay L.A ang natanggap ko.
L.A:
Sabay tayo umuwi? Dinner muna tayo. May bibigay ako sa'yo.
Magrereply na sana ako sa mensahe niya para sabihing payag ako tutal naman ay wala na akong masyadong gagawin, pero tumunog ulit ang phone ko at agad kong nakita sa may notification ang text ni Russel. Inexit ko ang message ni L.A at agad na binuksan ang kay Russel.
Russel:
Hi. Mind if I ask you to have dinner with me? I don't have class anyways.
Oh my God!
Agad na nagwala ang puso ko at agad akong nagtype ng reply sa text niya. Medyo nanginginig pa ang kamay ko habang nagpipindot at nagtatype doon.
Ako:
Okay lang. :) Sige, saan tayo magkikita? :)
Para akong lumulutang nang masend ko ang sagot ko sa pagyaya niya sa'kin. Grabe, sobrang swerte ko!
Binuksan ko ulit ang text ni L.A kanina at bago ako magtype ng text doon ay nahagip ng tingin ko si Samantha na nag-aayos ng buhok niya.
"Sam, may gagawin ka ngayon?", tanong ko. Umiling siya at, "Bakit?", saad niya.
"Gusto mo makipag-dinner kay L.A?", tanong ko. Nakita ko kaagad ang panlalaki ng mata niya at ang pagpula ng pisngi niya. Ngumiti siya at mabilis na umiling.
"Wag na, naku. Nakakahiya!", saad niya at lalo pang namula ang pisngi.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at ipinagpatuloy na lang ang pagreply ko sa text ni L.A sa'kin.
Ako:
Di ako pwede, e. Pero pwede si Samantha. Sinabi ko na sa kanya na magdi-dinner kayo. Magkita nalang kayo sa Parking, ha? Ingatan mo bestfriend ko!
Pagkasend ko noong text ko ay sinukbit ko na ang bag ko at hinarap si Samantha na ngayon ay mukhang hinihintay na din ako.
"Sinabi ko na kay L.A na magdinner kayo. Sa parking lot nalang kayo magkita.", ngumiti ako sa kanya at napanguso naman siya sa sinabi ko pero ganun pa man ay kitang-kita ko ang excitement niya at pagba-blush ng dahil din sa dinner nila ni L.A ngayong gabi. Ngayon ay sigurado na ako, may gusto din si Samantha kay L.A!
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
JugendliteraturElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...