Mage-eight na noong dumating kami sa Zambales. Halos nasamid pa ako ng nakita na nandoon na rin sila Rebecca. Kasama sila Russel.Agad kong napansin na napatingin siya sa'min kaya agad ako na umiwas ng tingin sa takot na magkatinginan kami.
Sabay-sabay na kaming dumiretso papasok sa loob at agad kong natanaw iyong dagat. Medyo malalakas ang alon at may ilan pa akong natanaw na nagsu-surfing. Nagtagal ang tingin ko doon at tuluyan na nila akong maiiwan kung hindi lang ako binalikan ni L.A.
"You want to ride that thing?", aniya. "Let's see later.", saad niya at kinuha iyong bag na dala ko mula sa kamay ko. Mula sa malayo ay agad ko na naman na nakita iyong tingin ni Samantha. I should probably keep a distance kay L.A. Samantha likes her, at alam ko na sa mga tingin niya na hindi niya nagugustuhan ang paglapit sa'kin ni L.A.
"Uh.. Ayain mo nalang si Samantha.", saad ko at nilagpasan na siya ng lakad.
Hindi ko na siya nilingon at tumuloy na ako sa tutuluyan namin na cottage at mga rooms. Isa iyong malaking kubo na kasya kaming lahat. Gawa sa kawayan iyong mga pader noon. Mayroong sariling living room,kithen at dining room Mayroong ilang pinto na sa tingin ko ay mga kwarto at banyo.
"The girls will occupy the room on the left side. Tapos dito sa right kami.", ani ni L.A nang makapasok na siya sa loob. Agad tumama ang tingin niya sa'kin pero dahil alam ko na palaging nakamasid si Samantha ay ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
Isa-isa na kaming pumasok sa kwarto at nakita ang ilang single beds doon at isang pang dalawang tao na kama. Dahil nauna nang nagpunta sa kamang pandalawa sila Merrylle at Valerie ay doon na kami nila Rebecca nagpunta sa mga single beds. Magkatabi ang kama namin ni Samantha. Tapos ay iyong kay Rebecca at Jane.
Inayos na namin ang gamit namin doon sa loob ng bumukas iyong pinto at agad bumungad si Russel sa'min. Agad akong kinabahan.
"Kakain na daw. Fix your things later.", aniya at umalis na. Mabilis na iniwan noong ibang kasama ko ang gamit nila tapos ay dumiretso na palabas. Ako nalang ang naiwan doon na inaayos pa rin ang gamit ko. Nagulat ako ng bumukas na naman ang pinto at kinabahan agad ako ng makita ang pagpasok ni Russel. Marahan niyang isinara iyong pinto at hinarap ako.
"C-Can we talk?", nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko iyong paghawak niya sa braso ko.
"R-Russel..", saad ko at tinanggal iyong hawak niya sa braso ko. Sige, sige pagbibigyan ko na siya na makapag-usap kami. Pero pagkatapos nito ay wala na. Ngayong magkaharap kaming dalawa at sobrang lapit niya sa'kin ay saka ko lang narealize na hindi na siya iyong lalaking matagal kong ginusto at pinangarap na mapansin ko. Kung dati kasi ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya ngayon ay wala na.
"I-I'm sorry doon sa narinig mo.", saad niya. "Hindi ko sinasadya..", halos gusto ko na matawa sa sinasabi niya at saktan siya. Pero 'di ako ganun na klase nang tao. Hanggat maaari ayokong manakit ng pisikal.
"Hindi mo sinasadya ang alin?", sagot ko. "Ang pagtripan ako o ang iparinig sa'kin 'yun dahil ngayon nasira lahat ng plano mo.", hindi ko maiwasan na masaktan pa rin kapag naaalala ko iyong nangyari nung debut ni Samantha. Pinagtripan niya ako at ako naman ito, asang-asa.
"Believe me, Elieanna. Pinlano ko na pagtripan ka, yes. Pero nung una lang iyon. When I got to know you, narealize ko iyong sinabi ni Lucas.", aniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya nasa sahig ang tingin ko. "You're fun to be with. You're a good girl. And I'm so stupid dahil palagi kitang nasasaktan-", dahil hindi na ako nakatiis ay pinutol ko na siya.
"I don't care anymore, Russel.", buong tapang ko na sagot sa lahat ng sinabi niya. What? He's going to lie again para ano? Para mapapaniwala na naman ako at mapagtripan na naman ako? No way!
Magsasalita pa sana si Russel nang bigla na namang bumukas iyong pinto. Iniluwa noon si Isaac na medyo nagulat pa nang makita si Russel. Agad niya akong tinignan.
"Kumain ka na, Elieanna. The boss is mad.", yun lang ang sinabi niya. Tumango ako at sumunod na sa labas pero agad akong napatigil when I heard Russel spoke again.
"I'm so stupid for not noticing you for the past years.", aniya. "I'm so, so, stupid."
Napalunok ako ng ilang beses bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong naabutan na nagkakagulo na doon sa may labas kaya doon ako dumiretso. Nakita ko sila agad na kumakain na noong mga pagkain na nakahain sa lamesa.
"Ang tagal mo naman sa loob, bes?", ngiti ni Samantha. "Nag-usap kayo ni Russel?", tanong niya. Umiling ako at hindi na muling umimik.
Pagkatapos na kumain ay nagkayayaan sila na magsurfing. Marunong kasi ata iyong sila Matthew. Kahit na ayaw ko man na sumama ay sumama nalang ako dahil ang alam ko ay papaiwan si Russel at iyong ibang girls dahil medyo mainit pa at ayaw na mangitim.
Ako, si Samantha, L.A, Isaac, Matthew, Cyrus, at Rebecca ang nakasama sa may dalampasigan para magsurfing. Naka-bikini si Samantha at Rebecca habang ako naman ay racerback lang ay shorts. Sobrang sexy noong dalawa habang ako ay nahiya bigla sa katawan ko. Medyo chubby pa din kasi ako.
Hawak ko ang phone ko at naiwan sa may kubo malapit sa dagat. Hindi kasi ako marunong na magsurf. Sumama lang ako dito sa kanila para makaiwas kay Russel. Habang natatanaw ko sila sa may tubig na nagsisimula nang magsurf ay itinext ko nalang sila Mommy na nasa Zambales na ako at ayos lang naman ako dito. Sinabi lang nila na wag ako masyadong pupunta sa malalim at mag-ingat dahil hindi naman daw ako ganoon kasanay na maglangoy. Um-oo nalang ako at sinabing huwag nang mag-alala tapos noon ay natapos na din ang usapan namin dahil busy din sila Mommy sa business nila ng nga kaibigan niya.
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Nilingon ko iyon at nakita ang medyo chinito at nakangiting si Matthew. Paano nakapunta iyan dito? Nagsusurf ito kanina ah?
"Turuan kita?", aniya at nginuso iyong surf board na nakasandal malapit sa'min. Tumanggi ako kaagad dahil sa takot na baka malunod ako pero kaagad niya akong hinila papunta doon sa may dagat.
Itinuro niya sa'kin ang basics kung paano dapat ang posisyon ng paa at kung paano dapat ang tamang tayo sa board para maayos ang balanse at hindi kaagad malaglag. Medyo nagets ko naman pero noong actual na ay sobrang kabado ako. Lalo na noong nakita ko na nasa akin ang tingin nila Matthew, Isaac, Cyrus, at ni L.A.
"Just relax.", natatawang saad ni Matthew. Nasa may medyo mababaw lang kami na part pero kinakabahan pa rin ako.
Sinunod ko lahat ng itinuro niya sa'kin kanina. Sumabay ako sa medyo hindi mataas na alon at nang matantya ko na kung kaya ko nang tumayo ay saka ako tumayo. Noong una ay medyo nangiti pa ako dahil pakiramdam ko ay makakaya kong gawin pero nang mapatingin ako sa side nila L.A at nang magtama ang mata namin ay agad akong nagpanic at nawalan nang balanse. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa tubig at ang agad na pagkasamid nang dahil sa pagkakainom ko ng kaunting tubig.
Hindi pa man ako tuluyang nakakaahon sa tubig ay naramdaman ko na ang pagpalupot ng mainit na braso sa bewang ko. Agad ako noong itinaas para makahinga ako. Nang makita ko kung sino iyon ay ganoon nalang ang kabog ng dibdib ko nang makitang si L.A iyon. Seryoso ang mukha niya at magkasalubong ang kilay niya.
Hawak-hawak niya ako hanggang sa makarating kami sa pangpang. Agad siyang lumuhod sa harap ko at may agad na tinanggal doon sa paa ko. Tumayo na din sya pagkatapos at doon ko lang nakita na palapit na sila sa pwesto namin.
"Wow! Too good for a beginner.", tawa ni Matthew na agad na natigil nang lingunin siya ni L.A.
"Pwede paturo pa?", tanong ko pero agad iyon nasagot hindi ni Matthew kung hindi ni L.A.
"You're not going to ride that thing again.", malamig na saad niya. "Never, again." Aniya bago ako tinignan ulit ng isang beses at umalis. Kasunod nang pag-alis niya ay sumunod si Samantha.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...