Tumulong muna ako na linisan si L.A bago ko napagdesisyunan na umuwi. Nagprisinta pa nga si Isaac na ihahatid ako pero ako na 'yung kusang tumanggi, mabuti na rin na alagaan nalang nila 'yung kaibigan nila. Saka baka kung ano na naman 'yung matanong ni Isaac sa'kin, lalo pa akong maguluhan.Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko si Kuya na nasa living room at nagbabasa. Oo nga pala, nagrereview pa rin siya.
"May sakit ka ba?", aniya nang walang gana akong naupo sa harap niya. Umiling ako. Kahit na wala akong tulog buong magdamag ay ayaw na naman akong dalawin nang antok. Nananatili pa rin sa isip ko 'yung tanong ni Isaac na naitanong na din ni Kuya sa'kin.
Gusto ko ba si L.A?
"Have you eaten?", ani ni Kuya at nagulat ako nang nasa harap ko na siya. Nilagay niya iyong palad niya sa kaliwang kamay sa may noo ko tapos ay iyong isa ay sa noo niya. Tinitignan niya kung may sinat ba ako.
Umiling ako. Narinig ko ang tikhim niya tapos ay tinawag si Manang para magpahanda ng pagkain.
"What's wrong?", ani niya at naupo na nang tuluyan sa tabi ko. Saglit akong hindi umimik. Gulong-gulo na kasi ako at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Kuya..", tawag ko.
"Hmm."
Wala naman siguro na masama kung magkwento ako ng kaunti sa kanya? Dati naman ay palagi akong nagkukwento sa kanya. Kaya ayun, nagsimula ako na ikwento sa kanya ang lahat. Mula sa kung paano kami nagkakilala ni L.A at hanggang sa nangyayari ngayon. Pwera nalang doon sa part kay Russel. Iniwasan ko iyon na ikwento.
"You mean the guy told you he's inlove with you?", ani ni Kuya. Agad akong nailang sa tanong niya pero ganun pa man ay tumango.
"H-Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. K-Kasi lasing siya nung sinabi niya yun, e.", saad ko. Napalabi ako at inintay ang sagot ni Kuya. Nang ilang saglit na at hindi pa rin siya nagsasalita ay napatingin na ako sa kanya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa'kin.
"There are only 3 types of people who tells the truth. Kids, the angry, and the...", he trailed off "Drunk.", saad niya at seryoso pa rin ako na pinagmasdan.
Does it mean totoo iyong sinasabi ni L.A? Pero bakit? Bakit sinabi niya noong una na ilakad ko siya kay Samantha? Does it mean ginamit lang niya ang bestfriend ko?
"I'm not telling you na i-acknowledge mo agad yung feelings niya. Ang sakin lang. Why don't you try na maniwala sa kanya? Let him prove himself.", ani ni Kuya at nagulat ako nang makita ko na nangiti siya.
"Hay! Ang baby sister ko, dalaga na.", ani niya at ginulo ang buhok ko. "I need to meet the guy.", saad niya at tumaas ang kilay.
Nangiti nalang din ako at nagpapasalamat dahil medyo gumaan iyong pakiramdam ko dahil sa pagse-share ko kay Kuya nang iniisip ko.
Kinabukasan medyo maayos na ang pakiramdam ko. Nakatulog na din ako ng maayos. Mabuti nalang kasi may quiz pala kami ngayon. Nagtake lang kami ng quiz tapos ay lumabas na din. Sabi kasi noong prof namin ay lahat ng tapos na ay sa labas mag-iintay.
Naiwan pa si Samantha dahil nagsasagot pa siya kaya nauna na ako sa labas. Dahil halos thirty minutes pa bago matapos ang time ay napagdesisyunan ko na sa library na lang mag-intay.
Papunta na ako doon nang matanaw ko hindi kalayuan si L.A. Nakasandal siya sa nay pader habang nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang iPhone niya at nagtatype doon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ay kinuha ko iyong phone ko sa bulsa ko at binuksan iyon. Nagwala na naman ang puso ko nang makita ang ilang mensahe na galing sa kanya.
L.A:
Can we talk? Please.I'm here sa lobby niyo.
Please. I'm dying to talk to you.
Elieanna...
Napapikit ako ng mariin. Ilang sandali ko pa tinitigan ang message niya bago ko ibinalik ang phone sa bulsa ko nang hindi nagrereply sa kanya.
"Elieanna.", nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang boses niya. Dapat pala ay mas tinagalan ko ang pagsasagot sa quiz ko.
Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko at huwag ipakita kay L.A na sobra akong kinakabahan sa pag-uusap namin na 'to.
"Hmm?", saad ko at nilingon siya. Nakita ko na iilang hakbang nalang ang layo niya sa'kin.
Nakita ko ang pagtitig niya sa'kin ng ilang saglit bago ulit nagsalita. "Can we talk?", aniya.
Muli ay nakagat ko ang labi ko. Para saan pa at mag-uusap kami? Hindi ko nga alam kung makakaya ko pang tumagal ng kahit na dalawang minuto na magkasama kami. Naiilang ako, oo. Dahil doon sa pag-amin niya na 'in-love' daw siya sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung seryoso o naaalala ba niya na sinabi niya 'yun.
"A-about yesterday..", napalunok ako ng marinig ko iyon. Please.. Please.. Ayoko nang marinig ulit-
"Hey, did I made you uncomfortable?", napatalon ako ng maramdaman ko ang hawak niya sa may braso ako. Agad akong napaatras at mabilis na umiling.
"Hindi..", sagot ko. "Uhm.. Una na ako.", mabilis na saad ko at mabilis nang naglakad paalis doon.
Napahawak ako sa dibdib ko nang makarating ako sa library. Sobrang nagwawala ang puso ko ng dahil sa simpleng haplos lang siya. Normal pa ba ito?
Umupo na ako sa pinakamalapit na table at inilabas ang mga notes ko para sa susunod na subject. Nagbabasa ako at nagmememorize ng terms nang marinig ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at binuksan ang kakapasok pa lang na mensahe na galing na naman kay L.A.
L.A:
I'm sorry, Elieanna. It's not my intention to make you feel uncomfortable.Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung magrereply ba ako o hindi ay mayroon na namang pumasok na text mula sa kanya.
L.A:
And since I know you won't talk to me. I just want to tell you na seryoso ako. I'm serious, baby girl.Nanlaki ang mata ko at kamuntik na akong masamid nang dahil sa tinawag niya sa'kin. Hindi pa man ulit ako tuluyang nakakarecover ay mayroon na naman siyang text.
L.A:
I'm in love with you. And I can't do anything about that. I am madly, deeply, and completely in love with you.Oh my God!
Hindi ko alam pero mabilis kong ibinalik ang phone sa loob ng bag ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at nag-iinit ang sulok ng mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero naiiyak ako. Is this even possible? Why do I feel like crying?
"Eli!", napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad na nakita si Samantha.
And that very moment, I realized something. I realized na kahit na kaunti ay mayroon na ding akong nararamdaman para kay L.A. And I'm afraid, I'm afraid to admit that kasi alam ko na mayroong masasaktan, na masasaktan namin Samantha.
I can compromise, kaya ko na pigilan ang nararamdaman ko para kay L.A. Kasi alam ko na kaya ko. Hindi pa naman ganoon kalalim kaya alam kong mapipigilan pa, pero ang feelings ni Samantha? Alam kong hindi. Because right at this moment, i know na she's already in love with the bad boy, she's already in love with Lucas Andrei Del Castillo.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Novela JuvenilElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...