Chapter 1: Start of the 'Deal'

10.7K 222 9
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng school. Hindi ako naka-uniform dahil Sunday naman ngayon. Nagpunta lang ako dito dahil sa seminar na kailangan na attendan. At dahil na rin sinabi ni L.A na magkita kami ngayon dito, may sasabihin daw kasi siya. Hindi ko alam sa kanya kung bakit pa namin na kailangan magkita e pwede naman niyang sabihin 'yung sasabihin 'daw' niya sa akin sa text. 

And speaking of the devil..

"Elieanna!", tinignan ko siya na mabagal na naglalakad papunta sa pwesto ko. Nakita ko na napatingin sa'min iyong mga schoolmates namin na nasa hallway din at may kanya-kanyang pinag-uusapan. 

"Ano ba iyong sasabihin mo?", mahina kong tanong at pagtatanggal ko ng atensyon nasa paligid namin. Nagtaas siya ng kilay at nakita ko na mayroon siyang dinukot sa bulsa noong pants na suot niya. Nagtaka ako ng may ilabas siya doon na dalawang maliit na papel.

"Ito'ng ticket.", aniya at nilahad iyong hawak niya sa'kin. Tinitigan ko iyon at nakita na ticket iyon para sa Charity game nila this coming week. Matagal akong napatitig doon, nawala lang ang atensyon ko sa ticket na hawak niya ng maramdaman ko ang paglapit niya sa'kin. Kinuha niya iyong kamay ko at nilagay doon iyong mga ticket. Nanlaki ang mata ko ng lumapit ang ulo niya at may ibinulong sa tainga ko.

"Dalawa 'yan. Nandoon si Russel. Kaya isama mo si Samantha.", mahinang bulong niya. Kaagad akong napatingin sa mga tao sa paligid namin at nakitang lahat sila ay laglag ang pangang nanonood sa'min.

Kaagad kong tinulak palayo sa'kin si L.A at inayos ang suot kong salamin at nag-fake cough. Agad naman siyang natawa dahil sa ginawa ko. Lumayo na siya sa'kin.

"Asahan kita sa game, ah?", malakas na saad niya na panigurado ako na narinig ng mga schoolmates namin.

Tumango ako sa kanya at ibinulsa na iyong bigay niya na mga tickets. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ibabaw ng ulo ko at ang marahang paggulo ng buhok ko.

"Text kita mamaya!", sigaw niya at nagsimula ng maglakad paalis. Samantalang ako ay naiwan sa gitna ng hallway na ramdam na ramdam ang mga nakakatusok ng tingin ng mga babaeng nandito.

***

Nagstart na about thirty minutes iyong seminar. Sobrang tahimik sa buong lugar at tanging boses lang noong nagsasalita ang naririnig ko. Hindi siya boring pero hindi ko alam kung bakit the whole time simula ng magsimula iyong event ay wala sa speaker ang atensyon ko. Kung hindi nasa likod ng nagsasalita sa harap. Kay Russel.

Sobrang gwapo niya sa suot niyang polo shirt, pants, at sapatos. Nakadagdagan din sa kagwapuhan niya iyong seryoso niyang pakikinig doon sa nagsasalita sa harap

Kasalukuyan akong tulala sa mukha ni Russel ng marinig ko ang pag-alingawngaw ng kantang Raise Your Glass ni Pink. Na nagkataon naman na ringtone ko. 

What. The. H--

Nagsimula akong hanapin ang phone ko sa bulsa at bag ko. Panay naman ang paghingi ko ng sorry sa mga katabi ko sa upuan ng marinig ko ang pagrereklamo nila ng dahil sa maingay na pagtunog ng phone ko.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon