Hindi ko na alam kung papaano na ako nakarating sa naka-assigned na kwarto sa'kin. Basta ang alam ko lang ay sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Nang gabing iyon ay hindi rin ako masyadong nakatulog kaya ang resulta ay nahuli ako ng gising kinabukasan. Nagmamadali na akong kumilos pagkagising ko dahil nasa baba na raw sila at kumakain ng breakfast. Isang simpleng white t-shirt at maong shorts lang ang sinoot ko bago ako nagtungo sa baba.
"Good morning.", ani ni Matthew sa'kin at agad akong nginitian. Tumango ako at ngumiti rin pabalik bago ko naramdaman ang mga titig ni LA sa'kin. Hindi ko siya nilingon at nagtungo nalang doon sa may buffet para kumuha ng pagkain ko.
Nang bumalik ako sa table ay nag-offer si Matthew na doon na ako maupo sa upuan niya dahil tapos na rin naman daw siya. Nagpasalamat nalang ako at naupo na rin doon.
Habang kumakain ako ay naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila na activities namin ngayong araw. After daw na kumain ay mag-a-island hopping kami tapos mamayang tanghali naman ay mamimili na ng souvenir dahil pagsapit ng hapon ay aalis na kami pauwi. Nagtatawanan sila doon habang ako naman ay tahimik na kumakain.
"Saan ka nga pala kagabi? Maaga ka natulog?", narinig ko na tanong ni Samantha. Noong una ay hindi ko alam kung sa'kin niya iyon sinabi pero nang magsalita si LA ay nakumpirma ko na si LA ang tinatanong niya noon.
"Oo. Masama ang pakiramdam ko, eh."
Ganoon lang ang naging eksena nang umagang iyon. Pagkatapos na kumain ay umakyat muna kami sa rooms namin para maghanda ng gamit na gusto namin na dalhin sa island hopping, syempre ay camera. Tapos noon ay sa may pampang na kami nagkita-kita kung saan naghihintay na din iyong bangka na sasakyan namin.
"Tayo na!", sigaw ni Isaac habang paakyat na sa bangka sumunod na din kami at dahil ako ang nahuli na dumating ay ako ang nahuli na sumakay. Nagulat ako ng biglang maglahad ng kamay sina Matthew at LA sa'kin. Agad na sumibol ang kakaibang kaba sa dibdib ko ng makita ang pagtingin ng mga kasama namin sa'min, pati na rin ni Samantha. Naghihintay siya ng gagawin ko, naghihintay siya kung ano ang magiging galaw ko. Sa huli ay pinili ko na tanggapin iyong kamay ni Matthew na nakalahad sa'kin. Rinig na rinig ko naman ang mahina ngunit mariin na pagkakamura ni LA bago binawi iyong kamay niya at padabog na naupo sa may upuan sa tabi ni Isaac.
Buong byahe namin patungo sa una naming destinasyon ay tahimik ako. Nakatanaw lang ako sa mumunting alon sa dagat, nawala ako sa pagtingin doon ng kausapin ako ni Matthew.
"Gusto mo mag-scuba diving?", binalingan ko siya at agad na nakita ang ngiti niya. Agad ako na umiling.
"Wala nang time, eh.", ani ko. Tawa lang ang naging sagot niya sa'kin. Hindi na niya ako muli nakausap dahil dumating na kami sa destinasyon namin. Tulad kanina ay ako ang huling bumaba, kamay ulit ni Matthew ang tumulong sa'kin para makababa ako. Mula sa pwesto namin ni Matthew naman ay kitang-kita ko ang mga matatalim na tingin ni LA habang ang nasa tabi niya ay si Samantha.
Naglibot-libot kami doon sa island at puro picture ang ginawa namin. At dahil din inabutan na kami ng lunch doon ay nagdesisyon kami na doon na muna magpalipas ng lunch at kumain. Karamihan sa'min ay kumain pero ang karamihan ay agad na nagbabad sa tubig kahit na tirik na tirik ang araw.
"Isaac, picture nga.", nagulat ako ng bigla akong hinila ni Matthew at mabilis na inakbayan. Humarap kami kay Isaac na may hawak ng camera. Nakangisi ito habang kinukuhanan kami ng litrato.
"Patingin!", saad namin ng sabay ni Matthew at mabilis na lumapit kay Isaac at kinuha iyong camera. Magkadikit na yata ang ulo namin dahil sa pagtingin sa camera. Nawala lang kami sa ganoon ng biglang umubo at tumawa si Isaac.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...