Chapter 26: I'm excited

5.2K 148 8
                                    

Nang magkaroon ng off ng Wednesday ay naisipan ko na bumili na nang damit na susuotin ko pati na rin ang pwede ko na iregalo kay Samantha. Dapat naman talaga ay hindi na ako bibili ng damit since madami naman ako na dress na nanggaling kay L.A na pwede na maisuot. Pero nang ibinigay ni Samantha ang invitation niya ay nakasaad doon na color black, white, or red ang dapat na kulay nang suot nang mga dadalo sa party niya. Napilitan ako na bumili since puro bright colors ang dress na nasa closet ko. Pink, Yellow, & Blue.

Dahil kaya ko naman na mamili mag-isa ay mag-isa nga akong nagpunta ng Mall. Agad akong dumiretso sa store kung saan madalas kong sinasamahan si Samantha na bumili ng mga damit niya. Luckily ay nakakita ako kaagad. Isang black dress na pa-tube iyong taas. Dahil hindi naman ako sanay nang tube lang ay pinartneran ko iyon ng white blazer. Sinukat ko iyon at nang makita na bagay sa'kin ay 'di na ako nagdalawang isip na bilhin.

Naglalakad ako kasalukuyan sa may mall at naghahanap ng pwede ko pang mabili nang may mabunggo ako na tao. Naging dahilan iyon para malaglag iyong kung ano man na hawak niya.

"Sorry!", agad kong paghingi ng despensa at pinulot iyong nalaglag na Paper bag noong nakabunggo ko. "Sorry po talaga!", saad ko at tumayo na.

"Elieanna?", napatingala ako kaagad sa nakabunggo ko at agad nanlaki ang mata ko ng makita si Russel! Oh my gosh!

"R-Russel!", bati ko pabalik. Katulad nang mga madalas niyang gawin nitong mga nakaraan na linggo ay nginitian niya ako. Kinuha niya na iyong paper bag niya mula sa'kin.

"You're alone?", tanong niya at luminga sa paligid. Tumango ako.

"Oo. Bumili lang naman ako ng pang-regalo.", saad ko. Nakita ko na ngumiti na naman siya.

"Sana ay tinext mo ako para may kasama ka.", saad nito. Nalaglag ang panga ko at agad na nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko! Oh my gosh! 

Tinitigan ko siya sa mukha at daig ko pa ang ice cream na unti-unting natutunaw ng dahil sa mga ngiti niya. Ang gwapo niya! Ang sarap hawakan ng mukha niyang nakangiti! Ang sarap picturan at ipa-develop tapos ay idikit sa dingding ko para tuwing umaga ay mukha niya agad ang bubungad sa'kin!

Napabalik ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Russel sa'kin. Umayos ako ng tayo at tinignan ulit siya.

"Ano ulit 'yon?", saad ko napakamot sa ulo. Natawa siya sa inakto ko. Jusmiyo! Pati ang pagtawa niya ay ang gwapo ng dating!

"Sabi ko, kung pwede tayo na maglunch?", saad niya. Bago ko pa mapag-isipan ang tanong niya ay napatango nalang ako agad. Lunch with him? Not that bad!

Kumain kami sa favorite na pasta place ko. Siya ang nag-order ng pagkain namin at kahit na gusto ko na kainin ang lahat ng inorder niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya kasi!

"Do you really wear glasses?", aniya. Tumango ako at inubos muna ang laman ng bibig ko.

"Oo, malabo kasi ang mata ko.", saad ko at susubo na sana pero bigla ulit siyang nagsalita. Pasalamat ako dahil hindi ko pa naisusubo ang dapat ay isusubo ko dahil kung hindi ay mabubulunan ako for sure!

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon