Chapter 24: Samantha's escort it is

5.1K 143 1
                                    


Naiwan namin doon sa school si L.A. Nagpaalam ako na kay Kuya na sasabay pauwi para 'di na siya mahassle pa. Pumayag naman siya agad at 'di na nagreklamo. Base sa expression niya kanina ay parang 'di niya alam na kapatid ko iyong sumundo sa'kin kanina kaya parang nagdadalawang-isip pa siya kanina na pumayag na doon ako sumabay. Pero nang nakita siguro ang saya sa mukha ko dahil sa pagkikita ulit namin ni Kuya after almost 2 years ay wala na din siyang nagawa.

"Who's the guy?", tanong ni Kuya habang nasa daan kami. Tumingin ako sa kanya at nahuli siyang nakasulyap sa'kin at nakangiti.

"Di mo ba siya kilala? He's Russel's friend.", saad ko at nagkibit-balikat.

"Never met him before.", sagot ni Kuya. "By the way, how are you and Russel?", tanong niya na nakapag-painit sa buong mukha ko.

How did he...

"I know you like him.", aniya bakas ang ngiti sa boses. "Tell me about you and him.", saad niya. So I did. Nagkwento ako sa kanya ng tungkol sa mga nangyayari these past few days lang. Alam kasi ni Kuya na hindi ako pinapansin ni Russel kaya medyo nagulat siya dahil ngayon ay parang nagbago na ang ihip ng hangin.

"So what about the other boy?", tanong niya. Medyo naguluhan pa ako before ko ma-gets ang tanong niya. He's referring to L.A.

"He's just a friend.", sagot ko. Nakita ko na napailing si Kuya at nangiti. Tumango-tango siya tapos noon ay dumating na kami sa bahay.

Umuwi na pala siya dito kanina. Mga around 3PM daw siya nakadating sa bahay. At nang naabutan daw na wala ako ay nagdesisyon siya na sunduin na ako. Nakakatuwa nga, he never changed. Sweet pa din siya sakin katulad ng dati.

"Kuya, ano'ng uwi mo sakin?", tanong ko nang nandoon kami sa kwarto niya at nagbubuklat na ng maleta niya. Ngumiti si Kuya at doon ko siya mas lalong napagmasdan. Mukhang medyo 'di na siya masyadong stress ngayon. Malapit na kasi ang graduation niya. Nagrereview nalang siya ngayon para doon sa exam niya para makakuha siya ng License para makapag-work na siya at matawag na talagang 'Doctor'.

May inginuso si Kuya sa may cabinet niya kaya agad akong nagpunta doon at agad na binuksan ang pintuan ng closet niya. Bumungad sa'kin ang ilang paper bags. Iyong isa ay mayroong check sa harap, iyong isa may nakasulat na Charles & Keith at iyong isa naman ay mayroong nakasulat na Chanel.

I gasped, humarap ako kay Kuya, wide-eyed. "Kuya! Paano ka nakabili nito? You don't even have a work yet?", saad ko. Tumawa si Kuya sa ekspresyon ko bago sumagot.

"I have a part-time job. And it pays a lot.", he shrugged. Itatanong ko sana kung anong job iyon ng sagutin niya agad ako. "Modelling.", aniya.

Hindi na ako nagulat masyado sa sinagot niya. Maski dito noon ay maraming nag-aalok sa kanya na mag-model, pero dahil passion niya ang Medicine ay palagi siyang tumatanggi. Pero ngayong nasa London siya at mag-isa doon, siguro ay naisip niyang subukan. Pampaalis na ng boredom kapag walang ginagawa, ay nagbabayad pa ng malaki.

Nang gabing iyon ay umuwi din si Daddy. Siguro ay nasaktuhan na wala siyang trabaho kaya umuwi na siya para makita din si Kuya. Kumain kami ng sabay-sabay ng mga niluto ni Mommy tapos noon ay konting kwentuhan tapos ay umakyat na din kami.

I missed my brother, at ngayon na nandito siya ay mas sumaya ako. Dati noong mga bata pa kami ay palaging siya ang nagtatanggol sa'kin kapag may nangbubully sa'kin. And because he's famous sa school, marami ang nakikinig sa kanya when he said na tigilan na ako. Bakit siya famous? Because he's the total opposite of me. Matangkad, matalino, slim, at higit sa lahat gwapo.

Nang nakahiga na ako sa kama ko ay saka ko lang naisipan na kuhanin ang cellphone ko para mag-check ng text doon at para na din ibalita kay Samantha na nandito si Kuya. Close din kasi silang dalawa. Nagkakilala na sila noong huling uwi dito ni Kuya.

Bumungad sa'kin ang ilang texts doon at tatlong missed calls. Inopen ko muna ang sa may missed calls at nagtaka agad ng makita na si L.A ang tumatawag. Sunod ko na tinignan ang message at nakita ang ilang texts niya na sinasabing sagutin ko ang tawag. Iyong isa text ay galing kay Samantha, and here how her text goes.

Sam:
Eli, nahihiya ako!! Pero, gusto ko talagang partner sa debut ko si L.A. Can you help me?

Binasa ko ulit ang message niya. Oh my God! Si L.A ang gusto niyang partner? Now alam ko na! He really likes L.A!

Agad akong nagreply sa text niya na ni-sent pa mga 30 minutes ago na.

Ako:
Sammy, dito na si kuya! Dumating siya kanina. And about sa kay L.A, well, ta-try ko mahirap kasing kausap ang taong yun e!

Sinend ko na ang text ko sa kanya at nireplayan ang text ni L.A.

Ako:
Busy ako naiwan ko sa taas ang phone ko. Sorry! Ay, pwede ba ako na humingi ng favor sa'yo? Please???

Sinend ko na din ang text ko sa kanya at wala pang isang minuto ay nagreply na siya.

L.A:
Who's the guy? And yes, what's your favor. I'll think if I can help.

Napangiti ako nang mabasa ang reply niya. Matutuwa nito si Samantha.

I typed again a message, hindi ko na sinagot iyong tanong niyang sino iyong sumundo sa'kin kanina.

Ako:
Can you be Samantha's escort sa debut niya? Please? Please? Promise, kahit na anong kapalit na gusto mo.

I sent him the text and it took him a while bago magreply.

L.A:
You'll give me whatever I'll ask?

Ako:
Oo, promise! :))

L.A:
Samantha's escort it is.

Napangiti ako ng mabasa ang reply niya. Yes! Samantha would be very happy kapag nalaman niya na pumayag na si L.A, pero I won't tell her pa. Gusto ko ma-surprise siya kaya malalaman niya kung sino ang escort niya sa mismong debut na niya. Hihihi

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon