Chapter 29: Cousins

5.1K 167 2
                                    

Tulala ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Hinatid naman ako ni L.A pero pinaalis ko din siya agad. Bukod sa ang awkward ng atmosphere sa pagitan namin ay kailangan din siya sa party ni Samantha dahil siya ang escort ng bestfriend ko.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko at nagkulong. Tinanong pa nga ako ni Kuya noong pinasok niya ako sa kwarto kung bakit daw ang aga ko at bakit hindi ko manlang pinapasok si Russel, na akala niya ay naghatid sa'kin. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko at sinabi ko nalang na kailangan pa na bumalik ni Russel sa party. Hindi ako nagsalita kay Kuya nang tungkol doon sa nangyari kanina, Kuya and Russel have been friends simula noong highschool palang si Kuya at kapag may nabanggit ako sa kanya tungkol sa nangyari kanina, sigurado ako na magagalit si Kuya.

Kinabukasan ay ramdam ko ang pamimigat ng mga mata ko. Wala man ako na ganang pumasok ay maaga pa rin akong gumayak para makatakas sa breakfast na kasabay sila Mommy. Good thing ay noong bumaba ako ay 'di pa sila gising. Nag-iwan nalang ako ng note na nauna na akong pumasok bago tuluyang umalis.

Dumiretso muna ako sa may Convenience store malapit lang sa school para bumili ng kahit na anong pagkain pero mukhang wrong idea yata 'yun dahil naabutan ko doon si Russel na nasa may counter na at nagbabayad nang kung ano'ng binili niya. Gustuhin ko man na umalis at wag nang magpakita ay huli na dahil napatingin na siya sa'kin. Nagulat ako at napatitig sa mukha niya nang mapansin ko kahit na sa kinatatayuan ko ang gasgas sa may pisngi niya at iyong band-aid sa may gilid ng labi niya. What happened to him?

Napailing ako bago tuluyan na lumabas doon. Sa canteen nalang siguro ako bibili ng pagkain. 

Naglakad na ako papasok ng school nang agad kong marinig ang mga footsteps sa likod ko. Malakas ang kutob ko na si Russel iyon kaya mas binilisan ko ang lakad ko. I don't want to talk to him or even see him.

"Elieanna..", he called me pero hindi ko pinansin. Lumiko ako papunta sa canteen at nakasunod pa rin siya sa'kin. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang hawak niya sa braso ko. Kaagad akong napaharap sa kanya at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin. 

"What is your problem?", buong lakas kong tanong. Ngayong nasa malapitan ay mas nakita ko ang mukha niyang mayroong iilang galos at pasa.

"Can we talk--", naputol ang sasabihin niya nang mayroong biglang umakbay sa'kin at nilayo ako sa kanya. Noong tiningala ko kung sino iyon ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita na si L.A iyon. Agad akong napatingin sa labi niya at nag-init ang buong mukha ko nang maalala iyong nangyari kagabi. Napaiwas ako ng tingin.

"Nope. You can't.", narinig ko na saad ni L.A. "We already talked, right?", aniya. 

"Hindi mo 'to desisyon, Lucas.", sagot ni Russel at naramdaman ko ang hawak niya sa braso ko. Nagulat ako ng mabilis na nagreact si L.A nang dahil sa simpleng paghawak ni Russel sa braso ko. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Russel sa braso ko at mabilis na kinuwelyuhan ito.

"It's my decision, you know that brother.", narinig ko na saad niya. Hindi ko alam kung galit si L.A since nakatalikod siya sa'kin. Matagal silang nagtitigan pero kusa ring humiwalay si L.A. Noong ko lang napansin na nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga iilang estudyante na dumadaan din sa daan na 'to.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon