Hapon ng linggo namin napagdesisyunan na umuwi. Katulad noong papunta kami dito ay tahimik pa rin ako. Itong dalawa sa tabi ko ay himala dahil tahimik rin. Si Isaac ay nakapikit habang nakapasak ang earphones sa tainga, si Matthew naman ay naglalaro doon sa iPad niya. Tahimik kami sa buong sasakyan at tanging iyong tunog lang sa radya ang maririnig.Isa-isa din kami na inihatid sa mga bahay namin. Una ay sila Matthew at Isaac tapos ako at huli si Samantha. Nang bumaba ako dahil nasa tapat na ako ng bahay namin ay kitang-kita ko na hindi manlang ako tinignan ni L.A. I should be happy right? Pero bakit ganito? Bakit gusto ko na kahit na saglit ay sinulyapan niya ako?
Nang sumapit ang lunes ay balik na kami sa school. Medyo busy dahil sa palapit na exams kaya iyong mga prof ay nagsimula nang magbigay ng handouts.
"Next sem ay may internship na kayo kaya it's required that you pass this subject.", ani noong prof namin sa isang major subject.
Oo nga pala. Dapat nga pala ay magsimula na akong maghanap ng ospital kung saan ako mag-i-intern next sem. Siguro ay dito nalang muna sa lugar namin. Marami din naman na maganda at malaking ospital dito.
Nang nag-uwian na ay hindi kami sabay ni Samantha na umuwi. May gagawin kasi siya sa office kaya ako eto, mag-isang naglalakad papalabas ng campus.
"Elieanna!!!!", nabingi ako ng marinig ang sigaw nila Eunice. Nandoon sila sa may lobby ng building at mukhang iniintay talaga ako.
"Nakita ko ang picture niyo sa Zambales!", ani Pauline. "Asan na ang pasalubong namin?", isa-isa silang naglahad ng kamay sa harap ko. Napangiti ako at inilabas sa bag ko ang mga souvenirs na binili ko talaga para sa kanila.
"Yeeeeeeeh! Pare-parehas tayo!", sigaw nila nang matanggap iyong mga binili ko na bracelets. Tatlo kasi iyon at pare-parehas sila. Ang binili ko kasi para sa sarili ko ay iyong anklet na may free na kasama. Suot ko iyong mas maliit na size at iyong partner na mas malaki ang size ay iniwas ko sa bahay.
"May class ka pa?", napalingon ako kila Eunice nang tinanong nila iyon. Napangiti ako ng makita na sinuot nila iyong bigay ko. Umiling ako bilang sagot.
"Yes!", anila at hinila ako pasama sa kanila palabas. "Ice cream! Ice cream! Ice cream!", sabay-sabay nilang sigaw. Natawa nalang ako sa kakulitan nila at hindi na pinansin iyong mga nagtitinginan sa'min.
Dumiretso kami sa FIC. At sakto dahil may vacant table. Si Rianna na ang nagprisinta na mag-order para sa aming lahat. Treat na din daw niya. Wala eh, rich kid kasi.
"Teka, bessy. Diba bestfriend mo si Samantha?", tanong ni Eunice. Natawa nalang ako sa tawag niya sa'kin at tumango.
"Adi alam mo kung nililigawan ni L.A ang bestfriend mo?", aniya. Napatanga ako doon ng ilang sandali. Nililigawan?
"Narinig kasi namin e. Alam mo naman dito sa school. Daig pa ang hangin sa maynila sa bilis nang pagtangay ng chismis.", ani ulit ni Eunice at nagtawanan sila doon ni Pauline.
"H-Hindi ko alam, e.", iyon nalang ang naisagot ko sa tanong nila. Totoo naman na hindi ko alam. Hindi ko na kasi ulit nakausap si L.A. Para saan pa, hindi ba? Tapos na ang deal namin.
Buti nalang at dumating na si Rianna dala ang order namin kaya hindi na ulit sila nagtanong pa. Nagkwentuhan lang kami doon at hiningi na din nila ang number ko.
"Nga pala, saan kayo mag-i-intern next sem?", tanong ko sa kanila. Tapos na kami noon na kumain at nakatambay na lang.
"Uhm.. Baka sa Castro?", nakapangalumbaba na saad ni Pauline. Iyong Castro kasi ang sikat na ospital dito sa'min. Malapit lang din iyon sa school.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Novela JuvenilElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...