Chapter 17: Hindi ko alam

5.2K 198 13
                                    

Hindi ko alam kung bakit lumitaw ang tanong na ganoon sa isip ko. Alam ko na hindi natuturuan ang puso at alam ko din na napaka-imposible na magustuhan ako ni L.A. Si Samantha ang gusto niya at kaya nga kami naging close ay dahil doon. At isa pa, si Russel lang talaga ang gusto ko. Isa din iyon sa mga dahilan bakit kami naging mag-kaibigan ni L.A. Nang dahil sa 'deal' namin.

Sumapit na ang event at nasa gym ako ngayon para manood ng pageant kung saan kasali si Samantha. Hindi pa nag-start kaya medyo maliwanag pa iyong ilaw, pero mayroong mga malalakas na music na ang nagpe-play. Marami na ding tao ang nandito, iyong iba ay may dala pang banner kung saan naka-print ang mukha at pangalan ng contestant na sinusuportahan nila.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong gym at napadpad agad iyon sa may side kung saan nakaupo ang business. Agad kong nakita ang malalaki nilang banner kung saan naka-bold letters ang pangalan ni L.A at Heidi. May mga dala din silang tambol.

"Uy, dito tayo!", napatingin ako kaagad sa side ko nang marinig ko ang pagsigaw noong babae. Agad ko siyang nakilala dahil mula siya sa department namin. May kasama siyang dalawa pang babae.

"Miss, may nakaupo ba dito?", mabilis akong umiling kaya nagsi-upo na sila doon.

"Sinusuportahan mo si Samantha?", tumango ako at ngumiti.

"Oo. Kaibigan ko siya.", saad ko. Ngumiti iyong tatlong babae sakin tapos ay nakipagkilala.

"Ako nga pala si Eunice. Ito naman si Pauline, at saka si Rianna.", ngumiti si Eunice sakin tapos ay iyong dalawa din. "Kaya pala pamilyar ka. Ikaw nga pala iyong bestfriend ni Samantha."

Nagkwentuhan kami doon habang hindi pa nag-start iyong pageant. Tawa ako ng tawa dahil sa pagiging palabiro at maingay nilang tatlo. Habang nagkukwento si Pauline tungkol doon sa partner ni Samantha ay naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng suot kong dress (na bigay sa'kin ni L.A) at nakita ang mensahe ni L.A doon.

L.A:
Cheer mo ko!

Agad akong nagreply.

Ako:
Sorry, department ko ang iche-cheer ko. Goodluck! :)

Maya-maya lang ay nag-start na din ang pageant. Ang gumanap na host ay iyong dean ng CAS at dean ng CBAA.

Matagal silang nag-introduction bago tuluyang nagsimula ang pageant. Nag-umpisa iyon pagpasok ng mga contestant na naka-casual wear. Agad na tumugtog ang isang 'di pamilyar na kanta sa buong gym na siyang naging tugtog noong mga rumaarampa. Agad kong namataan si Samantha na confident na confident habang nakangiti, naka-suot siya ng isang peach na dress at nakalugay ang medyo maalon at kulot niyang buhok. Sumunod ko naman na nakita si L.A na nakangiti din at confident na confident na naglalakad, naka-polo shirt siya at saka khaki pants. Simple, pero swabe.

Nang si L.A ang napunta sa may harap ay kitang-kita ko kung paano niya sinuyod ng tingin ang audience, at nang mapatingin siya sa side kung saan ako nakaupo ay nakita ko kung paano siya nangisi at saka biglang kumindat. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa likuran ko. Kasabay noon ay ang pagwawala ng halos lahat ng kababaihan sa loob ng gym.

"Oh my God! Oh my God!"

"My gosh!"

"L.A!!!"

Napuno ng tili ang buong gym ng dahil lang sa simpleng pagkindat niya.

Nagkaroon ng maikling intermission number bago ulit nagpatuloy ang event. Ang sumunod ay ang talent portion. Alam ko na may talent sa pagsasayaw si Samantha kaya alam ko na magsasayaw siya para sa talent niya. Nang lumabas siya sa stage ay nakita ko na nakasuot siya ng isang orange at maikling dress. Mayroong din siyang palamuti sa may ulo niya. Kahit na medyo malayo ako ay kitang-kita ko kung paano nangingibabaw ang ganda niya kahit na medyo dim ang lights.

Natapos ang talent ni Samantha at lahat halos ang nagsigawan ng dahil sa pasabog na ginawa niya sa last part ng sayaw niya. Nag-level up talaga siya!

Huling contestant ang sa business. Nauna muna iyong si Heidi at pagkatapos niya ay si L.A na. Hindi ko alam pero sobrang effortless ang pagiging gwapo niya. Nang lumabas siya sa stage nang may hawak na gitara ay rinig na rinig ko ang pagsinghapan ng mga nandito.

"This song is dedicated to the girl I'm secretly inlove with.", saad niya sa mic habang nakangisi. And again, nagtilian na naman ang mga nandito.

"Oh my Gosh, L.A!"

"L.A! L.A! L.A!"

Nagsimula siya sa pagstrum ng gitara. Natahimik na iyong mga tumitili na para bang hinihintay ang paglabas ng boses niya. Nang nagsimula na siyang kumanta ay agad akong kinilabutan.

"I was standing on the other side
Watching you leaving
I couldn't see you go
You know that I was so sincere when
I said I need you here
'Cause this is your home now
You're the one my everything
If you stay you'll make me sing.."

Holy molly! He can sing! Ang ganda ng boses niya at hindi naman sa pagiging OA ay ang gwapo niyang tignan habang nakatayo sa gitna ng stage, hawak ang gitara, habang kumakanta! Idagdag pa iyong damit at gupit niya na bagay na bagay sa kanya.

"I'll give you my life
I'll give you my heart
Nothing will ever come between us
Ever come between us.."

Nang mag-chorus ay mas lalo siyang nangisi ng dahil sa pagtili ng mga nandito. Tila ba enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. At nang sinuyod niyang muli ang audience at muling tumigil ang mata niya, alam ko. Alam ko na sa'kin siya nakatingin.

Nang nagtagpo ang mata namin ay awtomatikong nagwala ang puso ko at hindi ko alam kung sa anong dahilan.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon