Humikab ako at muling pinasadahan ng tingin ang screen ng cellphone ko na mayroong isang Missed Call at limang text. Inopen ko muna iyong Missed call at agad na nakita ang isang unknown number na nakalagay doon. Sino kaya ito? Sinunod ko na buksan iyong message, ang isa ay galing kay Mommy, at iyong natitira ay galing sa walang iba, kung hindi sa mahilig mag-text na si L.A.
L.A:
Off mo ngayon, diba? Wag mong sabihin na magkukulong ka lang maghapon sa bahay niyo? Lumabas ka ng mahipan ka naman ng hangin ng mall!
Iyon ang nakalagay sa text niya. Hindi ako nagreply at binuksan na ang text ni Mommy.
Mommy:
Anak, nasa bahay ako ng kaibigan ko. Baka mamaya pa ang uwi ko. Nag-iwan ako ng pagkain diyan sa kitchen at nagluto naman ako ng pang lunch mo. Nasa-ref iyon. Initin mo nalang mamaya.
Tutal ay wala din naman si Mommy at nakakainip nga kung iisipin na magkukulong ako dito buong araw ay napagdesisyunan ko na mamasyal na nga lang sa mall. Isasama ko nalang si Samantha at aayain na doon na rin kami mag-lunch.
Ako:
Sige po, My. Nga pala, mag-mall kami ni Sam. Baka doon na din kami mag-lunch. Ingat din po kayo.
Pagkasend ko noong text ko kay Mommy ay agad ko nang tinext si Samantha at niyaya siya na mag-mall kami. Wala pang limang minuto ay nagreply na siya.
Sam:
Sorry, Eli. Sasamahan ko kasi si Mommy ngayon. Next time nalang. Bawi ako sayo!
I think ay mag-isa akong mamamasyal ngayon. Pero hindi na masama. Naligo na ako at nagbihis ng simpleng leggings at t-shirt. Kumain lang ako ng kaunting breakfast tapos ay ni-lock ang mga pinto at umalis na.
Ang unang plano ko pagkadating sa mall ay dumiretso sa bookstore. Gusto ko kasing bumili ng mga English novel na pwede kong basahin sa mga panahon na mabobored ako.
Ganoon nga ang ginawa ko pagdating ko. Medyo maaga pa kaya hindi ganoon kadami ang tao sa mall. May mga estudyante, pero karamihan ay mga babae at lalaki na naglilibot din. Syempre ay school day ngayon kaya wala masyadong estudyante.
Pagkabili ko ng book ay nag-ikot ikot muna ako sa department store habang nilalantakan ang DQ na binili ko doon malapit sa entrance ng dept. store. Kasalukuyan akong tumitingin ng mga Culture shirt na mayroong tumawag sa'kin.
"Elieanna!"
Nilingon ko kaagad ang pinanggalingan ang boses na iyon at namilog ang mata ko ng makita si L.A. Napapants siya at simpleng Polo Shirt. Akala ko ba ay nasa Maynila ito?
Naglakad siya palapit sa'kin at ngumiti agad na lumabas ang dimples niya dahil doon.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Maynila ka?", tanong ko at ibinaba na iyong shirt na hawak ko kanina.
"Hindi ako natuloy, eh. May ibang lakad pala 'yung kapatid ko.", ngisi niya. "Naisipan ko na gumala nalang dito. Tapos nakita kita. Small world, huh?", aniya at tinaas baba iyong kilay niya.
Tumango ako at nagsimula na ulit na maglakad. Sumabay na siya sa'kin at katulad ko ay tumingin-tingin na din ng mga damit na nandoon.
"Ano yan?", tanong niya at naramdaman ko na hinila niya iyong brown na lalagyan ng bookstore kung saan ako bumili ng libro.
"Ha? Libro lang. Binili ko kanina.", saad ko.
Magkasabay kami na naglakad at nilibot ang buong department store. Nang matapos kami ay puro siya reklamo habang umuupo doon sa upuan sa may gilid.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Novela JuvenilElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...