Pagkatapos namin doon sa loop coaster ay niyaya na ako ni L.A na kumain muna kami sa loob. Mamaya nalang daw after namin na kumain kami bumalik doon para sa huling ride namin. Tutal naman daw ay maaga pa kaya mag ikot-ikot daw muna kami. Maganda daw kasi mamaya sa Pampanga Eye kapag medyo palubog na iyong araw ka sasakay para kita mo iyong mga ilaw sa ibaba. So pumasok muna kami ng mall at nag-lunch sa isang kilalang Pizza and Pasta Restaurant.
Lasagna, Pizza, Chicken wings, Fries, at Juice iyong inorder ni L.A para sa'ming dalawa. Hindi na ako nagreklamo since favorite ko din naman ito. Habang kumakain kami ay nagku-kwentuhan din.
"Di talaga ko makapaniwala na ngayon lang kita naging kaibigan.", aniya habang kumakain noong pagkain niya. Nilingon ko siya at bahagyang tinanguan.
"Syempre. Iba ang group mo. You belong sa mga sikat at sosyal na kaibigan mo.", saad ko. "Compared to them, ang layo ng agwat ko.", nagkibit-balikat ako. Matagal niya akong tinitigan bago ulit nagsalita.
"Do you want to be part of my circle of friends?", nagulat ako sa tanong niya at agad na napaisip. Kung mapapabilang ako sa circle of friends niya ay ibig sabihin pwede akong mapalapit kay Russel?
"There are two options.", aniya at nakita ko na sumandal siya doon sa upuan niya at tinaas niya iyong right hand niya at nag-sign ng 'two' doon gamit ang index at pointing finger niya.
"First is you have to be more confident about yourself.", aniya, nambibitin. Agad nakunot ang noo ko.
"Pangalawa?", tanong ko.
Saglit siyang parang nag-isip bago bahagyang nangisi at, "Be one of us."
Nalaglag yata ang panga ko. Pagbali-baliktarin man ang mundo ay ayokong maging katulad noong babaeng kasama sa grupo niya. Iyong mga babaeng kung makapag-make up ay akala mo palaging may pupuntahan na party at kung makapanamit naman ay parang palaging summer. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko.
"I know you'll choose the first one. It's much easier to do that. Just be more confident with yourself. I'm not telling this for the sake of your feelings to.. Hmm. Russel.. I'm telling this for you.", seryosong saad niya at umayos ng upo. Ipinatong niya iyong dalawang siko niya sa ibabaw ng lamesa at nakataas ang kilay akong tinignan.
"I know you don't hear this that often but, you're pretty. Di ka lang marunong mag-ayos, but you really are pretty. We just have to do something about your style or your hair, then you'll be fine."
Nasamid yata ako sa sarili kong laway ng dahil sa sinabi niya.
He's the first person na nagsabi sa'kin ng ganoon. Syempre ay aside from Samantha, Kuya Elijah, and my parents. Natulala ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.
I know masama ang first impression ko sa kanya. Well, nag-conclude ako kaagad na bad boy siya kahit na hindi ko pa naman siya nakikilala ng lubusan. Based lang sa mga naririnig ko sa ibang tao iyong conclusion ko. Pero right now? Masasabi ko na mabait siya. He can be hard headed, bad, and naughty sometimes, pero mabait siya.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...