Chapter 38: I don't love you

5.3K 170 16
                                    


Can we meet?


Iyan ang laman ng text na bumungad sa'kin pagkagising ko. Galing ang message na iyon kay L.A. Ilang araw na din kasi simula iyong pagkikita namin sa lobby sa building namin. At simula noon ay pinilit ko na huwag na ulit kaming magkita o magka-usap manlang. Tumigil naman si L.A sa pagcontact sa'kin. Pero ngayon ay nagulat na naman ako sa biglaang pagpaparamdam niya.


Hindi ko nireplayan ang text niya at dumiretso na sa banyo para maligo. May pasok pa kasi ako ngayon, at last day namin ito para sa exams.


Pagkatapos na gumayak ay bumaba na din ako at naabutan doon sa living room ang ilang maleta. Kaninong gamit ito?


"Magpaalam ka na sa kapatid mo.", narinig ko ang boses ni Mommy kaya agad akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses at nakita nga si Mommy at si Kuya na nakabihis. Napatingin sila sa direksyon ko at agad na narealize na aalis na ulit si Kuya.


Pinilit ko na huwag malungkot dahil sa biglaang pag-alis niya ulit. Ngumiti ako at naglakad palapit sa pwesto nila. Hinalikan ko si Mommy sa pisngi para batiin ng Good Morning at bumaling naman ako kay Kuya at yumakap. Kaagad kong naramdaman ang pagyakap niya pabalik sa'kin.


"I'll be back after 6 months. And by that, I already want to meet the guy.", bulong niya. "Can you promise me one thing?", aniya. Naiiyak na ako kaya napatango nalang ako.


"Promise me that you'll behappy.", saad nito. "Promise me that no matter what, you'll be happy." Tango lang ang nasagot ko sa kanya kasi tuluyan na akong naiyak. Palagi kasing ganito, kapag aalis na si Kuya hindi ko mapigilan na hindi malungkot. Kuya Elijah has been with me all my life. Mula bata kami ay magkasama na kami. Pero noong nagdecide siya na mag-aral sa abroad dahil sa pangarap niya ay wala na akong nagawa. He wanted to be a doctor so bad at sinuportahan ko siya doon.


Naramdaman ko ang mas mahigpit niyang yakap bago siya tuluyang humiwalay sa'kin. He patted my head at, "I'll always be here for you. I always got your back, remember?", nakangiti niyang saad. Pinunasan ko ang luha ko at nakangiti ding tumango sa kanya.


Hinatid ni Mommy si Kuya sa airport kasama iyong driver samantalang ako naman ay diretso na sa school. Medyo malungkot pa rin ako nang dumating sa school pero pinilit ko na wag nang maramdaman iyon. Babalik naman siya dito after 6 months and by that at sigurado ako na hawak na niya ang diploma niya at pasado na siya sa exams para sa course niya.


Nang dumating ako sa classroom ay nagulat ako ng mayroong isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng desk ko. Napakunot pa ang noo ko dahil baka sa namali lang ng table na pinaglagyan iyong nagpadala nito. Kinuha ko iyon at wala sanang balak na tignan iyon ng mahagip ng tingin ko iyong card. Nanlaki ang mata ko habang lumi-linga sa paligid dahil baka biglang dumating si Samantha at makita pa ito.


Can we talk? Can I seeyou?  Please, Elieanna. Kahit isang minuto lang.

- L.A


"Uy! Bes kanino yan?", mabilis ko na kinuha iyong card at itinago sa may bulsa ko. Nilingon ko si Samantha at kinakabahan na nginitian.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon