Chapter 14: I think siya dapat

5.4K 164 6
                                    


Kinabukasan ay hindi ako sa Business Ad. building dumiretso. Tinapos ko muna iyong dalawa kong exams at pagkatapos ay saka ako nagpunta sa building nila. Kumpara sa building namin ay medyo mas bago itong kanila. Kung tama kasi ako ay ipina-renovate 'to 2 years ago. Pinaiba iyong pintura at mayroong mga idinagdag na rooms. Kumpara din sa building ng Nursing ay parang mas magulo dito. Madami kasi ang estudyante ng Business.

Nasa may lobby ako nang makita ko na mayroong tumpok-tumpok na mga tao ang nagkukumpulan doon sa isang tabi. Hindi ko naman gustong maki-usyuso, pero 'di ko napigilan ang paglapit doon.

"Please naman, just this one! Gusto kong manalo ang College natin ngayong last term ko na dito!"

Teka, iyon 'yung President ng SC ng business ah?

Tinignan ko kung sino iyong kausap niya at nanlaki ang mata ko nang makita si L.A na nakadekwatrong nakaupo sa harap noong SC President. Nakangisi siya habang nakatingalang tinitignan iyong nasa harap niya.

"How many times do I have to tell you, Ian? 'Di ako intresado sa ganyan.", aniya at nangisi pa lalo. Agad ko namang narinig ang nakakabinging tili noong Ian. Yup, he's gay.

"Kaasar ka naman!", sigaw nito at nag-walk out na.

What is going on? Saan ba 'yung sinasabi noong Ian? Inaalok ba niya si L.A na maging boyfriend niya?

"Elieanna!", natauhan ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nino pa adi ni L.A.

Nakita ko na mabilis siyang tumayo doon sa pagkakaupo niya at agad na lumapit sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?", aniya. Nakangisi.

Naisip ko sana na itanong sa kanya kung alam ba niya kung nasaan si Russel, pero agad kong naalala na noong huli ko siyang tinanong noon ay nasungitan niya ako. Kaya..

"Ah.. Wala. May tinitignan lang ako.", saad ko at napagtanto na hindi ko na naman maibabalik iyong payong kay Russel.

"Nga pala. Anong sinasabi noong President mo sa'yo.", tanong ko. "Inaalok kang maging boyfriend?", saad ko. Nagulat ako ng tumawa ng malakas si L.A. Iyong nakahawak pa siya sa tiyan niya at nakatingala. Napatingin tuloy ako sa paligid namin at nakita ang mga matataray at matalim na tingin noong mga babae na nandoon.

"Grabe! Ang lawak ng imagination mo!", ani L.A na natatawa pa din. "Pinipilit lang niya akong i-represent 'tong college namin sa contest next week.", saad niya at unti-unti nanag kumakalma.

Contest next week? Search for the University's King and Queen?

"Oh, bakit 'di ka sumali?", tanong ko ng hindi makapaniwala. Iyon ang pinakamalaking event namin dito sa school every school year. Mayroong dalawang representative bawat College, isang lalaki at isang babae. Maglalaban-laban silang lahat at sa huli, iyong mananalo ang siyang magiging University King & Queen.

"Bakit gusto mo ba na sumali ako?", nabigla ako sa tanong niya kaya agad akong napatingin ulit sa kanya.

"Bakit akong tinatanong mo? Syempre kung sasali ka adi mas maganda.", saad ko at nagkibit balikat. Nangiti siya sa sinabi ko at agad may binalingan sa likod. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Ian na andoon sa may Bulletin nila at may inaayos doon.

"Ian!", sigaw ni L.A na agad nangibabaw sa buong lobby. Taas kilay na tumingin si Ian kay L.A.

"Count me in!", sigaw ulit ni L.A. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang mukha ni Ian. Muli ay tumili siya at nagtatalon pa.

"Oh my gosh! Ilista niyo na si L.A! Whole name, ha!", tili nito doon sa kasama niyang babae. "Lucas Andrei del Castillo!", matinis na sigaw niya.

Natawa ako pero napapangiwi sa lakas ng bibig noong President nila. Talagang whole name pa ha?

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon