Pagkatapos noong short speech ni Samantha ay iyong parents naman niya ang nagspeech. Nakita ko kung paano umiyak si Samantha nang dahil sa speech noong Mommy at Daddy niya. Inabutan lang siya noon ni L.A nang ewan ko kung panyo o tissue kaya medyo hindi nasira iyong make-up niya.After noon ay nagumpisa na iyong program. Nag-umpisa sa 18 chocolates. Tapos ay sunod-sunod na. Habang naghihintay ako para sa turn ko sa 18 gifts ay sobra akong kinakabahan. Ninenerbyos ako mamaya pag nagsalita na ako sa harap. Hindi ko napigilan kaya napatayo ako para mag-cr para kahit na paano ay mabawasan ang kaba ko.
Nang pabalik na ako sa table ay nadaanan ko iyong Mobile kung saan nagseserve sila ng alcoholic beverages. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at lumapit ako doon. Agad naman akong binigyan noong lalaki ng shot glass na may laman na clear na drinks.
Walang sabing kinuha ko iyon at tinungga. At grabe lang! Ang pait! Agad na gumuhit iyong alak sa lalamunan ko.
"And for our last 18 gifts, may we call on Ms. Elieanna Mendez!", agad kong inayos ang sarili ko nang tawagin noong Emcee iyong pangalan ko.
Dala-dala ko iyong paper bag na naglalaman ng regalo ko kay Samantha habang naglalakad ako papunta sa harap. Hindi ko alam pero mukhang nakatulong iyong ininom ko kanina para medyo mawala ang kaba ko.
Nang nasa harap na ako ay agad na tumayo si Samantha at niyakap ako.
"Thank you, bes! I love you!", bulong niya at humiwalay na.
Agad na binigay noong Emcee iyong mic sa'kin para sa wish ko sa Debutant. Kinuha ko iyon at ngumiti kay Samantha.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Sammy!", saad ko, natatawa. "Happy birthday, wish ko sa'yo ay sana matupad mo lahat ng pangarap mo. At sana palagi ka na maging masaya. Sa ilang taon natin na magkakilala, puro kabaitan 'yung pinakita mo sa'kin. Kahit na madami ang kumukwestyon kung bakit ako ang naging bestfriend mo, palagi mo pa rin akong sinasamahan at kahit kailan 'di ko naramdaman na napipilitan ka lang na gawin 'yon.", naiiyak ako sa sarili ko na speech kaya napatigil ako para punasan ang luha ko. Nakita ko na naiiyak din si Samantha at panay ang punas ng mata niya.
"You're like my own sister. And I promise na kung kaya ko, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Happy Birthday again and I love you!", I finished my message at agad siyang dinaluhan para yakapin.
Pagkatapos noong message ko sa harap ay bumalik na din ako sa table namin. Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ng ngiti ni Russel.
"Ang close niyo talagang dalawa.", aniya at sinenyasan ako na maupo na. Naupo na ako doon habang nagkukwentuhan kami kung paano kami nagkakilala at nagkaclose ni Samantha. Maya-maya ay narinig namin na nagsalita iyong si Jefferson.
"Bro, yosi break?", anyaya niya na nakatingin kay Russel. Nakita ko na tumango si Russel tapos ay tumayo na.
"Saglit lang, babalik kami before kumain.", aniya tapos noon ay lumabas na.
Naiwan ako doon at nanahimik nalang. Pinanood ko nalang doon sa stage iyong 18 roses ni Samantha. Una niya ay iyong Daddy niya syempre, tapos pangalawa ay iyong Lolo niya. Tapos ay yung mga sumunod mga friends na niyo noong highschool tapos ay ngayong college. At laking gulat ko na iyong last dance niya ay walang iba kung hindi si L.A.
"Oh my God, girl! Bagay na bagay silang dalawa!", narinig ko na saad noong isang kaibigan nila Russel na kasama ko sa table.
"Oo! Buti nalang at si Samantha pala ang totoong pakay niya. I thought si, you know.", ani noong isa at narinig ko na nagtawanan sila.
Alam ko naman at kahit na hindi ako tumingin ay ako ang pinag-uusapan nila. Akala nila ay ako ang pakay ni L.A kaya kami laging magkasama.
"Hey, tigilan niyo na 'yan.", natigil lang sila noong sinaway sila ni Rebecca. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa braso ko tapos noon ay ngumiti siya sa'kin. Ngumiti nalang din ako pabalik para i-assure na okay lang ako.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...