Kinabukasan pagpasok ko ay naabutan ko na agad si Samantha sa room namin na hawak ang phone niya. Nangingiti pa ito habang nagta-type doon. 'Di kaya si L.A ang ka-text nito? Pero ayokong tanungin, mamaya ay maudlot pa ng dahil sa pagiging matanong ko ang 'relationship' nila. Naupo na ako sa tabi niya. Agad niya naman akong napansin, nilingon niya ako tapos ay malawak na nginitian na para bang sobrang perfect nang araw niya.
"Elieanna! Oh my gosh!", aniya at nagulat ako ng yinugyog niya ako. Nagulat ako doon pero 'di niya napansin. Magsasalita pa lang sana ako kung anong nangyayari ay nagsimula na siya sa pagkukwento about doon sa kahapon na pagiwan ko sa kanya sa company ni L.A.
"They are kind. Specially, L.A. Hinatid niya pa ako sa bahay kagabi.", napansin ko ang pagpula ng pisngi niya ng sabihin niya iyon.
Ha!
Don't tell me ay crush niya si L.A. Gusto ko man na malaman ay 'di ko na ulit tinanong. Patience! All we need is patience! 'Di naman ako chismosa kaya hihintayin ko nalang na siya palagi ang magkukwento ng kung anong nangyayari sa kanila. Tutal ay mukhang wala akong mapapala kay L.A.
And speaking of the devil. Heto at nagsisimula na naman siya sa pananadtad sa'kin sa text. Akala mo talaga ay wala siyang ginagawa sa buhay dahil palagi siyang may time makipagtext.
L.A:
Sunday, Iea. Remind ko lang sa'yo. Baka makalimutan mo kaka-aral mo para sa exams mo.
Di ko na nireplayan. Busy ako dahil sa pag-aaral. Oo, di ko naman nakakalimutan. Pero 'di pa rin naman ako pumapayag! Bakit niya pinapaalala! Asar naman!
Wala naman kaming masyadong ginawa the whole day. Review quiz lang, kaya thankful ako at nag-aral ako kagabi! By five ay dismissed na din kami. Hindi kami sabay ni Samantha kasi nauna na siya dahil sa may family dinner daw sila mamaya. Alam niyo na, rich kids. Parang natural lang sa kanila na almost every night ay mayroong family dinner. Kaya heto ako ngayon, mag-isa, sa waiting shed, at kapag minamalas nga akong talaga, umuulan pa, at kapag mas minamalas din ako, wala akong dalang payong!
Badtrip naman!
No choice. Malakas ang resistensya ko at alam ko na kumpleto ako sa bakuna noong bata ako kay 'di naman siguro ako magkakasakit dahil naulanan lang ako ng kaunti. Kaya ginawa ko ang maiisip na gawin ng kahit na sino sa inyo na na-stuck sa ulanan nang walang payong, ang tumakbo sa ulanan!
Hinubad ko ang bagpack ko at nilagay iyon sa ibabaw ng ulo ko. Bumilang pa ako sa ulo ko ng one to five bago ako sumugod sa ulan, pero wala pang dalawang hakbang ay agad ko nang naramdaman na mayroong humila sa braso ko. Pagtingin ko doon sa humila ay halos mapanganga ako at matulala. Si... Si.. Si Russel!
Si Russel na hawak ang braso ko sa kanang kamay at hawak naman iyong payong sa isa! OMG!
Literal na lumaki ang mata ko at alam ko na mapula na din ang pisngi ko. Is this real? Siya ba talaga itong nasa harap ko ngayon na nagpapayong sa'kin?
"Sa susunod kasi magdadala ka ng payong.", seryosong sabi niya tapos ay nagulat ako ng inabot niya sa'kin yung itim niyang payong tapos noon ay mabilis na siyang tumakbo paalis.
Lutang ako. Lutang na lutang ako hanggang sa makauwi ako ng bahay. Pakiramdam ko nga ay para na akong tanga dahil 'di ko maalis 'yung ngiti ko kahit na noong nakasakay ako sa jeep pauwi sa bahay. Aaminin ko na, kinikilig ako! Sino bang hindi? Kinausap ako ni Russel at pinahiram niya pa ang payong niya sa'kin!
And speaking of payong! Hawak ko siya ngayon at masinop ko pa itong tinupi kanina. Hanggang sa kwarto ko nga ay dala ko siya kaya si Mommy ay agad akong nasermunan dahil doon.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...