Sumapit ang prelim week at halos lahat ng major subjects ko ay natapos na ang exam. Dalawa nalang ang exam ko at pareho na iyong minor. Kakatapos lang ng klase namin para sa huling subject at masaya ako dahil sa tingin ko ay makukumpleto ko ang goal ko na magkaroon ng straight A's.
Nasa hallway kami ngayon ni Samantha. Siya ay mayroong inaayos sa locker niya at ako ay nagta-type naman ng reply sa text ni L.A.
L.A:
Tapos na exams ko. I think I did great. Let's celebrate. Bill's on me. >:)Ako:
Weehh? Sige, saan??Agad kong i-sinend ang text ko kay L.A at binalingan na din agad si Samantha dahil narinig ko na isinara niya na iyong locker niya.
"Eli, dinner tayo? Libre ko. Saka shopping na din. Samahan mo naman ako this time. Please?", nag-puppy eyes pa siya. At syempre, di ko siya matatanggihan. Pero naka-oo na ako kay L.A! Paano na 'to?
Agad akong nag-isip. Sabihin ko kaya kay L.A na may biglaan akong pupuntahan? Pero sigurado ako na kukulitin ako noon kung saan. Aha! Alam ko na!
Napangisi ako at agad na umilaw ang light bulb sa utak ko.
"Oh, sige ba.", ngumiti ako agad kay Samantha at dinukot muli ang iPhone ko sa bulsa ko. "Just a minute.", saad ko bago nagtype ng text doon.
Ako:
L.A! Let's eat, sa mall? Saan tayo kita?Sinend ko ang text at wala pang isang minuto ay nagreply na si L.A.
L.A:
Yes, sure. Tamang-tama, I'm starving. Parking lot nalang. I'm on my way there. See u.Ha-Ha! Yes! Another date for Samantha and L.A!
Hinila ko na palabas si Samantha at dumiretso na kami sa parking lot. Mula sa pwesto namin ay kaagad kong natanaw si L.A na nakasandal doon sa Montero niya at ngumunguya ng bubble gum.
"Sasama siya satin?", tanong ni Samantha sa'kin ng mapansin siguro niya na papunta kami sa kung nasaan effortless na nakatayo ang gwapong si L.A.
Tumango ako at hindi na ulit siya narinig na nagsalita. Umayos si L.A ng tayo at agad na kumunot ang noo ng makarating kami sa harap niya. Agad akong ngumisi.
"Samahan natin mag-shopping si Samantha.", saad ko.
"Baka busy si L.A, Eli.", saad ni Samantha. Agad ko siyang sinulyapan at nakita ang tingin ni kay L.A. Uyyy!
"Hindi siya busy.", ako na ang sumagot para kay L.A. Nilingon ko siya at, "Diba?", saad ko.
Saglit akong tinitigan ni L.A bago siya unti-unting tumango at nag-iwas ng tingin.
"Yeah.", aniya at, "Let's go.", mabilis siyang naglakad at binuksan iyong pintuan sa back seat at doon sa front seat. At dahil date nila ito at dakilang third wheel lang naman ako ay mabilis na akong nagtungo sa may backseat at umambang sasakay doon ng magsalita si L.A.
"Sit on the front seat.", saad niya pero 'di ko pinansin. Siguro ay kinakabahan siya kung si Samantha ang katabi niya sa harap kaya ako na komportable na niyang kasama ang pinapaupo niya doon. Well, di mag-wo-work sa'kin yan, L.A. Wag ka namang masyadong torpe!
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Novela JuvenilElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...