Nang mga sumunod na araw ay naging busy na si Samantha para sa debut niya. Palagi siyang halfday minsan kung pumasok, at minsan ay hindi na nakakapasok. Kung dati ay mag-isa ako kapag wala si Samantha, ngayon ay mayroon na akong kasama. Sila Eunice, Pauline, at Rianna. After noong pagkakakilala namin sa may event sa gym ay nakangitian ko na sila tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng building namin. At ngayon, na nakita nila ako na mag-isa ay inoffer nila na sumama na lang ako sa kanila.Dahil mayroon kaming long break ay nagyaya sila na mag-mall kami. Buti nalang talaga at kahit na 'di kami magka-block ay match pa din ang sched namin.
Kumain, naglaro, at nanood kami ng sine sa mall. For a while ay nakalimutan ko iyong mga debut ni Samantha na halos ilang araw ko na din palaging naiisip, nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng uniform ko at agad na tinignan.
Samantha:
Bes, may practice bukas ha? Para sa sayaw sa debut ko. Kasama ka don, remember. Hihihi. 2pm bukas sa bahay. See you!Napanganga ako at ilang ulit pa na binasa ang text niya. What? Anong klaseng sayaw ba ang gagawin doon? I'm not even dancing!
"Ano'ng nangyari sa'yo, Elieanna?", siniko ako ni Pauline habang kasalukuyan kaming naka-upo sa may foodcourt. Umiling ako at ibinalik na ang phone ko sa bulsa ko.
Ni hindi ko pa nga alam ang susuotin ko tapos ay malalaman ko na kasali pa pala ako sayaw niya?
Kinabukasan pagkatapos ng klase ay nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ako sa bahay nila, pero ganun pa man ay nagpunta pa rin ako. Nang dumating ako doon ay agad ako na sinalubong noong katulong nila.
"Nasa may garden po sila.", ani noong katulong at sinamahan ako papunta sa garden nila sa likod.
Nang dumating ako doon ay parang gusto ko nang mag-back out at bumalik na lang sa bahay, pero agad na akong namataan ni Samantha. Pumalakpak siya at mabilis na pumunta sa harap ko. Naka-dress siya ng sleeveless at halos 3 inches above the knee ang haba tapos ay havaianas. Ang ganda talaga niya kahit na simple, kapag nakikita ko siya ay naaalala ko si Lily Collins.
"I'm glad you came!", excited niyang sinabi at nakipagbeso sa'kin. Hindi na ako nakapag-protesta pa ng hilahin niya na ako papunta doon sa mga grupo ng mga kaklase niya dati at mga pinsan niya. Namataan ko kaagad doon si Cyrine at Jackie na agad akong nginitian.
"Guys, this is my half-sister. Si Elieanna.", aniya habang humahagikgik. Napangiti nalang ako at nag-hi sa mga kaibigan niya. Mababait naman sila, kahit na iyong sila Miguel, Travis, at Ezekiel na mga pinsan ni Samantha.
Nang nagsimula na ang sayaw ay doon ko lang nalaman na cotillion pala iyon. At dahil nga kulang kami sa lalaki dito dahil iyong ibang friends ni Samantha ay 'di pa nakakauwi mula sa Manila ay by three's kami nagpractice. Unang batch si Samantha na partner si Travis, si Jackie na partner si Miguel, at ako na partner si Ezekiel.
Tumagal ng halos one and a half hour ang practice namin dahil na din doon sa instructor namin na sobrang perfectionist. Gusto niya ay sabay sabay ang pag-sway namin pati na rin ang pag-ikot. Medyo mahirap sa una at nakakapagod pero nang natapos na kami ay ayos na naman.
"Ano, bes? Nasabi mo na kay L.A?", tanong ni Samantha nang maiwan kaming dalawa sa may upuan na malapit sa pool nila. Muntikan na akong tumango at ibalita sa kanya na pumayag si L.A kung hindi ko lang agad narealize na surprise nga pala ito dapat!
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...