Chapter 15: He looks so perfect

5.3K 173 3
                                    

Kulang na lang ay paulit-ulit ko na ipadyak ang paa ko sa sahig na tinatapakan ko ngayon. Bakit siya nandito? Bakit siya nakatayo sa gilid ko? Bakit?!

"Hey.", parang may kung anong hayop ang nagwala sa loob ko ng mauna siyang nagsalita.

"H-Hey.", bati ko pabalik. Ang lakas na ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na din ako.

"Pansin ko lang, lagi kayong magkasama ni L.A.", saad niya. Napatingin ako sa kanya at nakitang doon siya nakatingin sa malayo. Hindi siya nakatingin sa'kin kahit na ako ang kausap niya.

"Ah, oo eh.", saad ko at pinigilan na mautal. Matagal bago siya nagsalita at nang magsalita siya ulit ay sakto naman na bumusina iyong sasakyan ni L.A! Ang bastos! Kainis!

Napairap ako at napatingin sa tinted na sasakyan ni L.A na nasa harap namin. Hindi ko siya makita kaya 'di ko alam kung nagsisisi ba siya sa ginawa niyang pagsira sa pag-uusap namin ni Russel.

"Sige na. Alis na kayo.", aniya. Nilingon ko ng isa pang beses si Russel l, tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"I-Ingat.", saad ko at dumiretso na papunta sa sasakyan ni L.A. 

Nang sumakay ako sa passenger's seat ay tinignan ko pa mula sa may bintana si Russel pero agad naman na pinatakbo ni L.A iyong sasakyan niya. 

"Asar ka talaga. Andun na, e. Nag-uusap na kami.", saad ko sa kanya habang inaayos iyong suot kong seatbelt.

Napapansin ko talaga these past few days ay palagi akong pinapansin ni Russel kapag nagkakasalubong kami. Hindi kaya may sinasabi si L.A sa kay Russel na part ng deal namin? Hindi kaya si L.A ang dahilan ng pagpansin na sa'kin ni Russel?

"Saan ba kita ihahatid?", imbis na sagutin ni L.A ang sinabi ko ay iyon ang sinagot niya sa'kin.

"Sa bahay. Saan pa?", saad ko at tinuon na lang ang atensyon ko sa iba't-ibang uri at kulay ng mga ilaw na nadadaanan namin pauwi.

Nang huminto iyong sasakyan niya sa may tapat ng gate namin ay inalis ko na din iyong seatbelt ko. Pagkaalis ko noon ay hinarap ko si L.A.

"Thank you.", saad ko. Nagtataka niya akong tinignan. Seryoso siya at kunot ang noo. Naku, kunwari pa siyang 'di niya alam bakit ako nagpapasalamat!

Lumabas na ako ng sasakyan niya at bumusina lang siya ng isang beses bago tuluyan na umalis.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Si L.A ay hindi ko na masyadong nakikita dahil ang alam ko ay busy na siya sa pag-pa-practice para sa event na kinabibilangan niya. Sa pagkakaalam ko at base na rin sa sinabi ni Samantha sa'kin, ay si Heidi daw iyong partner ni L.A sa event. Yup, kasali si Samantha at siya ang representative ng Department namin. Partner niya ay iyong mula sa block 3 na si Simon.

"Okay! Isabay niyo sa music! One, two, three. Enter!", sigaw noong bading na siyang naka-asign para sa practice ng mga kasali sa pageant.

Nandito ako sa gym mag-isa at pinapanood ko si Samantha sa practice niya. Isa-isang naglabasan iyong boys at girls sa magkabilang gilid. Automatic na hinanap ng mata ko si L.A at agad ko naman siyang nakita doon sa may gitna. Hawak niya iyong kamay ni Heidi habang si Heidi naman ay umiikot.

Sunod naman na hinanap ng mata ko si Samantha at agad ko naman din siyang nakita sa may bandang gilid. Mukha siyang badtrip ng dahil sa partner niyang parang tuod at walang ganang nakatayo sa gilid niya. Agad na nagtagpo ang mata namin at natawa ako ng inguso niya si Simon sa gilid niya at umirap.

Tumagal ng kalahating oras ang practice nila bago sila pauwiin noong instructor niya. Ani pa noong bading ay dapat daw sa General Practice ay mag-improve pa sila, kung hindi daw ay parang wala lang itong pageant.

Nauna na akong lumabas ng Gym at hinihintay ko si Samantha doon nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko iyon at nakitang si Sam ang tumatawag. Agad kong iyong sinagot.

"Hello?", bungad ko.

"Hello, bes? Naku, sorry! Nagpahintay pa ako sa'yo. Kasi, si Daddy susunduin daw ako. On the way na siya. Kaya 'di ako makakasabay sa'yo. Sorry talaga, Eli.", aniya sa kabilang linya at agad kong narinig ang boses noong mga ibang contestant sa kabilang linya na nag-uusap.

"Okay lang, Sam. Maaga pa naman. Ikamusta mo nalang ako kay Tito."

"Sige, ingat ha? Text ka sa'kin kapag nakauwi ka na.", saad ni Samantha at pinutol na ang tawag.

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko at nagsimula nang maglakad palabas. Nang nakalabas na ako ng gate ay agad kong naabutan doon si L.A na nakasandal sa sasakyan niya, habang naninigarilyo.

Napa-ubo ako kaagad nang malanghap ko ang amoy ng usok ng sigarilyo niya. Agad naman niya akong napansin dahil doon, mabilis niyang itinapon iyong medyo mahaba pang stick ng sigarilyo niya tapos ay tinapakan.

"Dinner tayo? Tapos help me buy clothes para sa pageant?", saad niya agad ng makalapit ako sa kanya.

"Gabi na ah? At saka, 'di ako nakapagpaalam na late ako uuwi.", sagot ko. Saglit siyang natahimik at parang nag-iisip. Naku, ngayon pa siya nag-isip.

"Una na ako.", saad ko at nagsimula nang maglakad pero agad niyang hinablot iyong braso ko.

"Mag-text ka nalang sa bahay niyo. Kapag pinagalitan ka, then I got you.", aniya. This time ay nakangisi na siya. "Come on.", hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Hinila niya na ako at ipinasok sa loob ng passenger's seat.

Mabilis ang drive niya at ilang saglit lang ay nasa parking lot na kami ng mall. Tulad ng madalas niyang gawin ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.

Dumiretso na kami agad sa loob at agad na pumunta sa Onésimus. Agad naman kaming dinaluhan noong babaeng naka-formal na nandoon.

"Ano pong hanap niyo, Sir?", aniya at nakatingin kay L.A. Nagsimula na akong tumingin-tingin doon ng mga styles ng damit. Nakuha noong nasa mannequin ang buo kong atensyon. All black iyon na tux at unang sulyap ko pa lang ay na-imagine ko na agad na suot iyon ni L.A.

"Elieanna? Sabi ko, tulungan mo akong mamili.", aniya at kinalabit ako.

Agad kong tinuro sa kanya iyong mannequin at, "Iyon, parang bagay 'yun sayo.", saad ko. Agad niyang pinakuha doon sa babae iyong ganoong yari ng Tux tapos ay dumiretso siya sa fitting room para ifit. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag niya ako.

"Iea, pasok ka nga saglit. 'Di ko makabit 'yung bow tie.", aniya. Nagdalawang-isip pa ako kung papasok pero sa huli ay kumatok din ako at pumasok.

Literal akong natulala sa kanya nang makita ko siya. Suot na niya pati iyong pants at tanging iyong tie nalang ang kulang. Medyo gulo pa iyong buhok niya habang pilit niyang kinakabit iyong bow tie sa may leeg niya habang nakaharap siya sa salamin.

Para siyang dinukot mula sa isang fashion magazine! Mahihiya ang kahit na sino na tumabi sa kanya. I swear. Kung dati ay gwapo siya, di ko alam na mas may ilelevel up pa ang itsura niya. Isa lang ang masasabi ko.

He. Looks. So. Perfect.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon