Chapter 42: Safe and Warm

5K 151 3
                                    


That night ay umuwi din si LA after we had dinner at after niya masiguro na I'm safe alone sa bahay. He insisted pa nga noong una na magstay siya kahit na sa living room siya matulog ay ayos lang daw. But then hindi ako pumayag. Aside from I can take care of myself, nag-aalala din ako na baka maabutan siya ni Mommy dito at baka kung ano pa ang isipin niya. She have met LA before, with Samantha. At ang maabutan at malaman na dito ko siya pinatuloy kagabi ay magdudulot ng matinding katanungan sa kanya.

Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin kami ni LA. He's sweet at ako naman ay medyo ilang pa rin. Kapag naglalambing siya at nakikita na naiilang ako ay ngingiti lang siya at hindi na ulit kikibo. I felt guilty kasi alam ko na by my simple actions ay nasasaktan ko siya. And so I decided na bumawi sa kanya.

This day, I'll be sweet. Ewan ko. I just felt like it. I want to feel kung paano nga ba kung hindi ko palagi ihohold-back iyong sarili ko. I want to feel happy kahit na sa bilang na panahon lang.

I took out my phone sa bulsa ng uniform ko at nagtype ng message doon. Kakatapos lang ng class ko ngayon at si Samantha naman ay busy because of the coming week. May event kasi ang department namin.

Hi. Are you free? My class for today's done.

Agad ko na sinend iyon sa kay LA. After some minutes ay naramdaman ko na ang pag-vibrate ng phone ko. I unlocked it again at inopen ang text niya.

Where are you?

Kaagad akong nagtype ulit ng sagot sa tanong niya at sinabi kaagad kung nasaan ako. After ko na isend iyong text ko ay hindi ko na ulit naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko.

Pinilit ko na pigilan ang pagwawala ng puso ko nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko.

"Wala kang class-", humarap ako at agad na naputol ang sasabihin ko. I felt shocked and disappointed. Akala ko kasi ay si LA ang nasa likod ko pero I was wrong. It was Russel.

"May hinihintay ka?", tanong niya. Saglit akong nag-isip at agad na umiling. I can't tell him na I'm waiting for LA.

Tumango siya bilang sagot at ang akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng mabilis siyang umikot at naupo sa harapan ko. Agad ako na nagpanic dahil sa pag-upo niya. Ano'ng kailangan niya?

"Gusto ko lang makipag-usap.", aniya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Why now? Baka mamaya ay dumating si LA dito at magkaabot pa silang dalawa. I'm not blind to know that they're not in good terms since noong debut ni Samantha. Everybody knows that.

"And I wanted to apologize.", dagdag pa niya. "I know I've been stupid for the past years. And an asshole for what happened a few weeks ago. I know my sorry won't fix anything. Pero, I just want to try.", malumay niyang sinabi. I stared at him for the whole time. Russel's really perfect. Siya iyong tipo ng lalaki na gugustuhin ng kahit na sinong magulang para sa anak nila. And yes, I liked him since before. Pero hindi ko alam ngayon na pupwede pa palang dumating iyong time na makakapag-usap kami ng ganito tapos ay wala na akong kahit na anong magiging reaksyon. Hindi ako kinilig or whatsoever.

Wala akong nasabi at naging sagot sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm afraid to open my mouth dahil baka kung ano lang ang masabi ko, and I don't want to say anything na alam ko na maaapektuhan siya. I'm just not that type of person. He apologized and yes, kahit na wala akong sinabi ay I already accepted it.

After that talking ay umalis na din siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ang akala ko kasi ay darating na si LA agad.

I waited for almost ten minutes after noong nakaalis na si Russel pero wala pa ring LA na dumadating. Maybe may ginawa lang siya?

I waited again. I waited.. Waited.. And waited pero almost one hour and a half na ay wala pa rin siya. Narinig ko ang mahinang pagkulog kaya naagaw ng makulimlim na langit ang atensyon ko. Anytime soon ay mukhang uulan na.

Kinuha ko ulit mula sa bulsa ko ang phone ko at nakitang wala naman siyang mensahe doon. Nag-isip isip pa muna ako kung magtetext ba ako pero in the end ay nagtype pa rin ako ng text para sa kanya.

Nasan ka? Are you alright?

Ganoon ang message ko. I don't know. That's the first thing na naisip ko na itanong. Ito kasi ang unang beses na pinaghintay niya ako ng ganito katagal. At oo, I'm worried. Baka mamaya ay kung ano na ang nangyari doon dahil sure ako na kung hindi naman siya makakapunta dito ay magsasabi iyon.

Five minutes na noong nasend ko iyong text pero still ay wala pa rin siyang sagot. Mabilis ko ko na ibinulsa ang phone ko nang maramdaman ko na nagsisimula nang umambon. Naman oh!

Agad akong tumayo at sumilong doon sa malaking puno. Maya-maya lang ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Napamura ako ng mahina habang hinahalungkat sa bag ko ang payong nang makuha ko iyon ay mabilis ko na iyong binuksan.

Hawak pa rin ang phone ko ay naghintay pa ako doon kahit na medyo basa na ako ay nagtiis ako.

I'm worried to death! Baka mamaya ay kung ano na ang nangyari kay LA. So I tried contacting him pero patay pala ang phone niya. Mas lalo akong kinabahan dahil doon at agad naman na idi-nial ang number ni Isaac. After lang ng ilang ring ay sinagot niya na iyon.

"Hello, Elieanna? Napatawag ka?", ani nito at narinig ko ang isang sikat na kanta mula sa background niya.

"Tinatawagan ko kasi si LA pero 'di siya sumasagot. Tatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan siya?", I asked at agad na nayakap ang sarili ko dahil sa lamig. I'm soaking wet!

Matagal bago sumagot si Isaac at parang may kung anong bagay ang bumagsak sa dibdib ko ng dahil sa sinabi niya.

"A-Ah.. Kasi.. Andito siya.. Kasama namin. Sa Virginia.", ani nito at narinig kong sinaway niya iyong maingay sa kabilang linya.

Napaawang ang bibig ko ng ilang saglit bago nagdesisyon na magpasalamat na at magpaalam. After that ay hindi ko na hinintay na sumagot siya. Mabilis ko nang pinutol iyong tawag.

Hindi ko alam pero nag-init ang gilid ng mata ko ng dahil doon. I waited for him for almost two hours at sobra akong nag-alala sa kanya only to find out na nandoon lang pala siya at nakikipag-inuman. God, I'm so stupid.

Mariin kong pinikit ang mata ko at pilit na kinalma ang sarili ko. No, I won't cry.. No..

Yakap-yakap ang sarili ko ay mabilis na akong umalis doon at naglakad papunta sa waiting shed para makauwi na ako. Basang-basa na halos ang damit ko at walang silbi ang payong ng dahil sa lakas ng ulan.

I cursed in my head nang makarating ako doon sa waiting shed at mas lumakas pa iyong ulan. I feel so cold and... Lonely.

Naghintay ako ng masasakyan doon pero ilang minuto na ay wala pa ring humihinto. Niyakap ko pa ang sarili ko ng dahil sa lamig na nararamdaman ko. Kasabay ng pagbahing ko ay ang paghinto ng sasakyan sa harap ng waiting shed kung nasaan ako.

Nang makilala ang Montero Sport na nasa harap ko ay mabilis na nagwala ang puso ko at bumalik ang kaninang pag-iinit ng gilid ng mata ko. Mula sa ulanan ay mabilis kong nakita ang pagbaba ni LA sa sasakyan niya ng wala manlang hawak na payong. Mabilis siyang umikot at pumunta sa pwesto ko.

"Fuck. I'm sorry!", he said at mabilis ako na dinaluhan at binalot sa yakap niya. "I'm sorry. I'm so sorry.", paulit-ulit niyang sinabi habang niyayakap ako. Hindi ko na napigilan at naiyak na ako. I feel so safe and warm when he's holding me and I'm so afraid na ngayon ay nahulog na nga ako ng tuluyan sa kanya.

Ilang sandali pa kaming nanatiling ganoon bago ako nabahing. Iyon ang naging dahilan para humiwalay siya sa'kin. He cupped my face using his both hands at hinimas iyong pisngi ko.

"You're so cold.", aniya at hinawakan ang kamay ko. Kinuha niya din iyong payong ko mula doon sa isang kamay ko. "Let's go get you warm.", aniya at mabilis na binuksan iyong payong at mabilis ako na hinila papunta doon sa sasakyan niya. He opened the door for me at pinayungan ako hanggang sa makasakay. After that ay mabilis siyang umikot at sumakay bago tuluyang pinaandar ang sasakyan niya.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon