Nang hapong iyon ay tahimik kami sa byahe pauwi. Hindi ko na ulit nakausap si Samantha pagkatapos noong nangyari. Kahit na noong nakabalik na kami sa lugar namin at sa school ay hindi ko ulit sinubukan kahit na gusto ko siyang makausap. I know she needs space at alam ko na kailangan pa niya ng time para mag-isip.
Nang isang araw sa school ay ramdam na ramdam ko ang pagiging malamig niya sa'kin. Naabutan ko siya noon sa classroom at hindi manlang niya ako nilingon noong dumating ako. Hindi na rin ako nagreklamo. I don't have any right para magreklamo. Nasaktan ko siya at ganoon ang makukuha kong pagtrato galing sa kanya ng dahil sa nangyari.
Nang mga sumunod pa na araw ay mas naging mailap siya sa'kin. Hindi na rin iyon nakaligtas sa mata ng iba namin classmates. Alam ko na kahit na hindi nila sinasabi ay nararamdaman nila at nakikita nila ang pag-iwas sa'kin ni Samantha. Mabuti nalang ay nandyan sila Eunice kaya kahit na papaano ay may nakakasama ako.
Tungkol naman kay Matthew ay nakapag-usap na isang araw mula nang makabalik kami galing doon sa out of town namin. Sorry ako ng sorry sa kanya dahil alam ko na kung hindi dahil sa'kin ay hindi sila magkakaganoon ni LA, in the end ay sinabi niya na ilibre ko lang siya ng lunch ay ayos na siya kaya naman nandito ako sa mall kung saan kami magkikita para sa lunch namin. Nauna ako since maaga naman na natapos ang class ko.
Nag-iintay ako sa foodcourt nang mamataan ko siya na naglalakad at lumilinga-linga. Tumayo ako at mabilis siyang kinawayan, hindi naman ako nabigo dahil mabilis niya akong nakita at mabilis siyang naglakad patungo sa pwesto ko.
"Kanina ka pa?", nakangiting saad niya. Umiling ako. "Great! Wait lang, ah. Magc-cr lang ako. Mauna ka na doon sa resto, I'll be there.", nakangiti pa rin na saad niya tapos ay hindi na ako hinintay na sumagot. Umalis na siya at dumiretso sa CR. Ako naman ay sinunod ang sinabi niya, dumiretso na ako sa sinabi niya ay favorite restaurant niya. Kumuha na din ako ng upuan namin at naghintay sa kanya.
Pero ilang minuto na simula noong naghiwalay kami ay wala pa rin siya. Hindi naman siguro siya nagtagal sa CR? O kaya naman ay hindi naman siguro siya umalis? Gustuhin ko man na itext o tawagan siya ay hindi ko magawa dahil wala naman akong number niya kaya nanatili nalang ako doon. Siguro naman ay madami lang talagang tao sa CR.
I waited pero ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi pa rin siya dumadating. Tatayo na sana ako para pumunta sa CR ay bigla naman mayroong naupo sa upuan sa harap ko. Gulat na gulat ako at nanlalaki ang mata ko when I saw that it was LA.
"A-Anong ginagawa mo dito?", tanong ko na imbis na sagutin niya binalewala niya. He took out his phone mula sa bulsa niya at may pinindot doon bago inilapit sa'kin. Tinignan ko iyon at nakita ang text ni Matthew.
Matthew:
You owe this to me, brother. Tell Elieanna, I'm sorry. Goodluck.
Napailing nalang ako pagkatapos ko na mabasa ang text ni Matthew. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip? Bakit hindi ko naisip na posibleng i-set up niya ako para magkita kami ni LA. Pero there's no use para doon. Nandito na kami ngayon kaya wala na akong choice kung hindi ang harapin talaga siya.
"A-Ano'ng ginagawa mo dito?", pag-uulit ko. Hindi niya inaalis ang tingin sa'kin.
"I'm here to apologize.", aniya. "I know I've been an ass noong nasa out of town tayo, and I'm sorry for that. I know what happened between you and Samantha, and I apologize for that too.", marahang saad niya. I didn't speak. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Basta ang alam ko ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ganito ito palagi tuwing nandyan si LA. I don't know kung ano ang magagawa ko para matigil ito sa pagiging ganoon.
"Elieanna.", tawag niya kaya napatingin ako sa kanya. Doon ko mas narealize kung gaano siya kaperpekto kumpara sa kahit na kanino. His dark brown hair looks so good with him. Sakto lang ang haba noon. He has a black earring sa left side ng tainga niya na nakakapagdagdag sa appeal niya. He looks so innocent yet so handsome.
"Alam ko na hindi ka papayag dahil sa nangyari sa inyo ni Samantha, pero all I'm asking is an assurance.", aniya kaya napatulala muli ako sa kanya. "I need an assurance.. I need to know your feelings kasi pakiramdam ko mababaliw ako kung hindi. Hindi kita minamadali, all I want is to know what you feel towards me..", aniya sa nagsusumamong boses. Nakatitig lang siya sa'kin at seryoso.
Buong buhay ko ay palagi kong iniisip ang iniisip at ang iisipin ng iba sa lahat ng gagawin ko, sa lahat ng desisyon ko, at sa lahat ng sasabihin ko. Ayoko man na aminin ay palagi akong nag-aalala sa kung ano ang sasabihin nila. Noong nagkagusto ako kay Russel, nakita ko at narinig ko kung paano ako husgahan ng iba at kung paano nila sabihin na hindi kami bagay. Noong nagkasama kami ni LA ganoon din ang nangyari. They all made me feel like never akong magugustuhan o kaya ay never ako babagay sa kay LA at nagtagumpay sila doon. Hanggang ngayon ay pinapaniwalaan ko iyon. Hindi ko alam kung bakit sa'kin siya nagkagusto at siguro ay habang buhay kong itatanong 'yun. Pero sa lahat ng nangyari sakin ngayon, may isang bagay akong natutunan, we cannot please everybody. Sa ayaw man natin o gusto, kahit na anong sabihin o kahit na anong desisyon ang gawin natin, mayroon at mayroon pa din na masasabi ang ibang tao, mayroon at mayroon pa din silang komento. We do not live to please others kaya gawin natin ang mga gusto natin, not because someone told us to do pero dahil iyon ang gusto natin. Dahil doon tayo magiging masaya. Dahil doon tayo mabubuo. And now, I would choose to admit my feelings for LA. Aside sa alam kong kahit papaano ay sasaya ako dahil dito ay gusto ko rin na maging patas sa kanya. He too deserves my honesty.
"Y-Yes.. Gusto kita.. Pero 'di pa rin pwede..", buong lakas kong saad. Nakita ko kung paano siya napahinga ng maluwag at napasandal sa upuan niya.
For the first time in a long time ay nakita ko muli ang famous evil smirk niya. He bit his lips at ngumiti sa'kin. Agad naman na nagwala ang puso ko dahil doon.
"I'm giving you all the time you need. Kahit hindi pa ngayon, ayos lang. I'm willing to wait. I'll wait. For you, Elieanna."
Wala akong sinabi sa kanya matapos iyong sinabi niya. Pero sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Iyong mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib ko noong mga nakaraang araw ay parang nabawasan. I don't know kung anong maganda ang ginawa ko para i-blessed ako ni God ng katulad ni LA, pero isa lang ang masasabi ko. I'll forever be thankful and grateful for that.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...