Chapter 3: Tickets

6.8K 213 7
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na masyadong nakikita si L.A ang sabi niya noong huling beses kami na nagkatext ay mayroon sila laging practice kaya hindi siya nakakapasok. Speaking of practice ay naalala ko na ngayon iyong charity game nila kung saan ay binigyan niya ako ng dalawang tickets. Tutal naman ay tapos na ang klase namin ay posibleng sumama si Samantha kung aayain ko siya.

"Sam, nood tayo ng basketball? May tickets ako.", saad ko at kinalabit si Samantha na kasalukuyan na sinusuklay iyong mahaba niyang buhok at pinupusod iyon.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya bago humarap sa'kin. Ibinaba na niya iyong hawak niyang suklay at niligpit ang mga gamit niya.

"Saan ka nakakuha? Ikaw, ah!", aniya at ngumiti. "Sige, ngayon na ba?", pagpayag din niya sa paanyaya ko.

Tumango ako at inayos na din ang gamit ko. Sabay na kaming naglakad palabas ng building. Dahil hindi naman sa University gaganapin iyong game ay kakailanganin pa namin na bumyahe para makarating sa venue ng game. 

"Dala ko 'yung sasakyan, Eli. Duon nalang tayo sumakay."

Tumango ako at dumiretso na kaming dalawa sa parking lot kung saan nakaparada iyong Maroon na Honda City niya. Dumaan muna kami sa bilihan ng pagkain bago tuluyang dumiretso sa paggaganapan ng game. Habang nagdadrive si Samantha at kwento ng kwento tungkol doon sa naging date niya noong isang araw ay abala naman ako sa pagtitext. 

L.A:

Kasama mo si Samantha? Start na game! San ka na?!

Pinigilan ko na 'wag mapairap ng dahil sa text ni L.A. Sobrang atat niya kasi. Syempre ay may klase kami kaya hindi kaagad kami makakarating doon.

Ako:

On the way na. Dito na sa may intersection.

"Sino ba 'yang katext mo, Eli? Kanina pa ako nagkukwento, parang 'di ka naman nakikinig, eh.", mabilis kong ibinaba iyong cellphone ko at nilingon si Samantha na ngayon ay nakakunot na ang noo at parang nagtatampo ng dahil sa hindi ko pakikinig sa kwento niya.

"Si Mommy lang. Pinapauwi ako maaga.", ngumiti ako sa kanya. Nakita ko parang nakuntento naman siya sa sinagot ko. Nagpatuloy siya ulit sa pagkukwento niya tungkol doon sa lalaki na naka-date niya.

Taga-ibang University iyong lalaki at Engineering ang course. Hindi ko pa nakikita iyong naka-date niya kaya hindi ko alam kung anong itsura nito. Maya-maya lang ay dumating na din kami doon sa paggaganapan ng laro nila Russel. Pagkapart ng kotse ni Samantha ay sabay na din kami na lumabas at dumiretso sa loob.

Maraming tao ang nandoon at mula pa sa ibang school. Agad na napuno iyong lugar kaya nahirap kami ni Samantha na makapunta sa may bandang unahan ng bleachers pero dahil reserved seats at may ticket kami ay nagkaroon pa rin naman kami ng pwesto.

Nang makarating kami sa assigned seats na nakalagay doon sa ticket ay doon ko lang narealize na front-row pala iyong napuntahan namin. Hindi ako magtataka kung bakit nakakuha ng pang front-row na ticket iyong si L.A. Natural ay talagang mayroon siya nito dahil team nila ang maglalaro ngayon.

Umupo na kami ni Samantha at kahit na hindi pa nagsisimula ang laro ay sinimulan niya ng lantakan iyong binili namin na fries at burger sa McDo. Isa sa mga bagay na kinakainggitan ko sa katabi ko ay iyong kahit na isang kalderong kanin at isang mangkok na ulam ang kainin niya ay hindi siya tumataba. 

Tinawag na noong nagsasalita iyong dalawang team na maglalaban. Nang lumabas iyong team ng school namin ay agad na hinanap ng mata ko si Russel at agad ko naman din siyang nakita. Number 10 ang jersey number niya. Malawak ang ngiti niya habang kausap si Isaac at si L.A. Nakita ko mula sa pwesto namin na luminga-linga si L.A habang hawak iyong phone niya. Naramdaman ko agad ang pagtunog noon kasabay ang pagkakasalubong ng mata namin. Malawak siyang ngumiti ng matanaw si Samantha na ngayon ay umiinom ng tubig sa harap ko. Kitang-kita ko kung paano siya nag-thumbs up sa'kin tapos ay mabilis ng itinago doon sa may bag niya iyong phone niya at tumakbo na sa gitna ng court.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon