Chapter 5: Respeto

6.3K 205 5
                                    


Mabilis na natapos ang klase ko para sa araw na iyon. Puro discussion lang ang nangyari at kahit na nag-iinit na ang pwet ko sa pakikinig ay wala akong karapatan na magreklamo dahil gusto ko na din naman na matuto. Nag-announce lang din iyong ibang prof na next meeting ay may quiz kami at practical kaya mag-aral daw kami kung ayaw namin na makulelat sa subject nila.

Napagdesisyunan ko na dumiretso na sa bahay pauwi tutal naman ay wala naman akong pupuntahan pa. Nang palabas na ako ng gate ay hindi ko sinasadya na makita doon si Russel kasama si Shamie. Iyong magandang babae sa tourism. Ang alam ko ay first year din siya pero syempre dahil maganda, ay naging famous siya kahit na sa mga upper year.

Nakita ko na nakangiti pang pinagbuksan ni Russel ng pintuan ng kotse niya si Shamie. Agad na  nanikip ang dibdib ko at agad na parang piniga ang puso ko dahil sa nakita ko.

Kung sana... Kung sana lang ay kasing ganda ako ni Shamie..

Nang umandar na palabas iyong sasakyan ni Russel ay mabilis din ako tumakbo palabas at sumakay ng tricycle doon. Ewan ko kung anong tumatakbo sa isip ko pero, susundan ko sila.

"Kuya, pakisundan naman po 'yun.", saad ko doon sa matandang driver ng tricycle at itinuro iyong itim na Vios ni Russel.

Medyo mabagal ang takbo ng kotse nya ng dahil sa medyo masikip na traffic. Dahil doon ay hindi siya nawala sa paningin ko. Nang nakita ko na pumasok sa isang restaurant ang kotse niya ay pinatigil ko na ang tryk sa may entrance at agad nang inabot ang bayad ko.

Pumasok ako doon sa loob at natanaw ko hindi kalayuan sila Russel na naglalakad na papunta sa isang bakenteng upuan sa may bandang dulo. Mabilis akong naghanap ng sarili kong table. Medyo malayo sa pwesto nila pero sapat lang para makita ko sila.

Habang nanonood sa kanila ay halos hilahin ko na ang sarili kong buhok ng dahil sa pagkaka-irita at dahil sa sakit na nararamdaman ko tuwing makikita ko sila na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Kung sana ay hindi ka sumunod dito! Sana'y tahimik kang nasa bahay niyo at nagrereview ng notes mo!

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga kung ano-anong tumatakbo sa utak ko. Saktong pagpilig ko noon ay naabutan ko ang waiter na naglalahad na ng menu nila sakin.

Kaasar! Mapapagastos at mapapakain pa ako ng wala sa oras.

Hindi naman sa nagtitipid ako. Pero pinili ko na orderin iyong pinakamura nilang pagkain dahil sa pag-aalala na hindi ko iyon maubos dahil 'di naman ako ginigutom.

Nakatingin pa rin ako sa kanila habang hinihintay ang 'order' ko nang maramdaman ko na mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng blouse ko at binuksan ang nag-iisang message doon na nagkataon na galing na naman kay L.A.

L.A:
Nasan ka?

Mabilis akong nagreply sa kanya.

Ako:
Sizzling place.

Pagkasend ko noong text ko kay L.A ay binaba ko na ulit ang cellphone ko at pinanood ulit sila sa malayo.

Gwapo si Russel. Halos hanggang balikat niya lang ako. Bukod doon ay mayroon din siyang magandang pangangatawan. Alaga sa training sa basketball at sa gym. Mula din siya sa magandang pamilya. Kung tama ang pagkakaalam ko ay malaki ang lupang sakahan at taniman ang pag-aari nila dito sa probinsya namin. At siya, ang nag-iisang anak kaya ang ibig sabihin ay sa kanya mapupunta ang lahat ng lupain na 'yon pagdating ng panahon. Pero hindi dahil sa mayaman siya kaya ko siya nagustuhan, dahil hindi naman sa pagmamalaki ay may sinabi din naman kami sa buhay. Gwapo kasi siya? Posible. Posibleng isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto ko siya. Hindi naman ako magsisinungaling doon. Itanggi man natin o hindi, isa talaga ang mukha sa mga batayan ng pagkakagusto ng isang tao.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon