Chapter 16: Bakit hindi nalang

5.1K 188 4
                                    

Ipinilig ko ang ulo ko at inayos na ang bow tie niya. Pero hindi ko pa man iyon tuluyang naikakabit ay bigla namang nag-ring ang phone niya.

"Sorry, I gotta take this.", aniya at agad na sinagot ang tawag. Nilagay niya iyong phone niya sa may tainga niya habang ako ay nakatingala sa kanya at inaayos na ulit ang bow tie niya.

"Kuya?", aniya sa kabilang linya. "Can we talk later? Nasa mall ako, namimili ng damit.", sa wakas ay naayos ko na iyong tie niya. Bagay na bagay talaga iyon sa kanya. Para bang hinulma ang katawan niya para talaga magsuot ng mga ganitong formal attire.

"Alright. Bye.", binaba na niya ang phone niya at agad akong tinignan at nginitian.

"Bagay ba?", aniya ng nakataas ang kilay. Tumango ako at siya naman ay humarap na ulit sa salamin. Nakatitig lang ako sa kanya habang tinitignan niya ang fit ng damit. Sa tingin ko ay dapat magpagupit na siya, medyo mahaba na din kasi ang buhok niya.

Lumabas na kami at agad niya nang sinabi doon sa babae na kukuhanin niya iyong damit. Pagkabayad niya ay umalis na din kami.

"I think you should get a haircut.", saad ko habang hawak ang phone ko at nagtatype ng text para kay Mommy.

Ako:
Mom, late ako uuwi. Sinamahan ko lang friend ko mamili ng damit niya. May ipapabili ka ba? I love you.

Sinend ko na ang text at nilingon na ulit si L.A, nahuli ko siyang nakadungaw sa phone ko kaya agad ko iyong itinago.

"Ang sweet mo naman sa Mom mo.", aniya ng nakangiti. Agad akong napa-kunot noo.

"Bakit ikaw? Hindi?"

Umiling siya at, "Di ganun ka-sweet. Sa ibang bansa nakatira ang parents ko. Kaya 'di ko sila masyadong nakakausap lagi.", aniya. So sino kasama niya dito?

"Tara na? Papagupit ako.", aniya at hinila na ako papunta sa GQ.

Tulad kanina ay agad din siyang inassist doon. Naiwan naman ako sa may hintayan kaya nagbasa-basa muna ako ng magazine. Makalipas lang ang kalahating minuto ay nakita ko na siyang nakatayo sa harap ko. Binitawan ko na iyong magazine at tiningala ko siya. Naka-clean cut na nga ulit siya! Mas lalong nadepina ang bawat features ng mukha niya. At mas lalo ding nakita ang hikaw niya.

Ngumiti sa kanya iyong babae sa may front desk ng lumapit na kami doon para magbayad. "Buti humaba na ulit ang buhok mo? 'Di ko na kayo masyadong nakikita ng mga kapatid mo dito, e.", malambing na sinabi noong babae. Ngumiti lang si L.A at tumango tapos noon ay umalis na din kami.

Hindi naman ganoon kadami o kalaki ang populasyon dito sa amin. Syempre ay probinsya kaya kumpara sa Maynila ay medyo mas maunti ang tao dito. Pero nang naglalakad kami sa mall ay doon ko narealize na, kahit na maliit ang populasyon dito, madami pa din ang atensyon na nakukuha ni L.A. Napapalingon kasi sa kanya iyong mga nakakasalubong namin na mga babae. Mga naka-school uniform, mga naka-casual, mga naka-uniform pangtrabaho. Syempre, sino nga ba naman ang hindi mapapalingon sa kanya? Kung hindi ko siya kilala at nakasalubong ko siya sa mall ay siguradong isa ako sa mga mapapalingon sa kanya. Hindi naman ako ganoon ka-adik sa gwapo, marunong lang talaga ako na mag-appreciate.

Sunod ay kumain kami sa isang Japanese Restaurant doon. Syempre, ay siya ang nag-insist na magbayad. Aniya ay siya naman daw ang nagyaya.

"Manonood ka sa pageant?", aniya habang kumakain kami. Tumango ako sa kanya at inubos muna ang laman ng bibig ko.

"Oo, kasali si Samantha.", makahulugan kong saad sa kanya. Tumango lang siya tapos ay nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Nauna akong matapos sa kanya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mas pansinin siya. Malinis siyang kumain, hindi siya iyong kapag kumain ay madaming natatapon o madaming kalat. Noong napatingin ako sa kamay niyang may hawak ng kutsara at tinidor ay nakita ko na malinis din ang maiikli niyang kuko. Mayroong siyang itim na wrist watch sa may kaliwa niyang braso at bagay iyon sa kanya. Lalaking-lalaki kasi ang dating.

Natapod na siyang kumain kaya tinigilan ko na din ang pag-oobserve sa kanya. Masyado kasi akong observant at baka mahuli pa niya ako.

Pagkatapos namin na kumain ay umuwi na din kami. Hinatid niya ako sa bahay at nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ay nagbiro pa siya na papasok siya.

"Ano? Galit ba Mommy mo?", aniya ng natatawa. "I can explain.", saad niya at umaktong bubuksan na iyong pinto sa side niya. Agad ko siyang pinigilan at natawa na din sa mga kalokohan niya.

"Ayos na 'yun.", saad ko. "Salamat sa paghatid saka sa treat ng dinner.", bumaba na din ako pagkatapos. Noong nasa may gate na ako ay ibinaba niya iyong salamin sa may side niya.

"Pasok ka na. Saka ako aalis.", aniya nang nakangiti. Di na ako nakipagtalo. Pumasok na ako at pagkapasok ko ay saka nga siya umalis.

Kasabay ng pag-alis niya ay ang pag-litaw ng isang tanong na hindi ko kailanman na-imagine na maitatanong ko sa sarili ko.

Bakit hindi nalang si L.A?

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon