Follow Lucas del Castillo on Twitter: @delcastillola***
Sunod-sunod na iling ang naisagot ko kay Kuya sa tanong niya. Hindi man mukhang kumbinsido ay hindi na ulit siya nagtanong.
Kahit na nawalan na ako ng gana ay pinilit ko nalang na ubusin ang pagkain ko. Sayang kasi, at saka baka mas lalong makahalata si Kuya sa pagbabago ng mood ko. Baka mamaya ay iba naman ang maitanong niya.
Hindi ko gusto si L.A.. Kaibigan ko lang 'yung tao. At kung sa tingin ni Kuya ay pagkakagusto 'yun, nagkakamali siya.
Pagkatapos na kumain ay dumiretso na din kami pauwi sa bahay. Diretso ako sa kwarto ko at naglinis lang tapos ay nahiga na din.
Isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako makatulog. What's wrong with me? Dati naman ay mabilis lang ako na makatulog. Anong problema ngayon? Wala naman ako'ng nainom na kape o kahit na ano na may caffeine.
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at paulit-ulit na nagpeplay iyong tanong ni Kuya sa isip ko. Gusto ko nang batukan ang sarili ko kasi kahit na anong pilit ko na wag isipin 'yun ay iyon pa rin ang pumapasok sa isip ko.
I. Don't. Like. L.A
He's just a friend at siya lang naman ang lalaking gusto ni Samantha, nang bestfriend ko. Hindi ko alam bakit nasabi 'yun ni Kuya. Maybe he's just overthinking.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, ang rason? Simple lang. Dahil 'di naman ako nakatulog. Yup! Kahit na anong pikit ko ay ni hindi ako dalawin ng antok. At kahit anong bilang ko sa mga tupa, naka-isang libo na yata ako o higit pa, ay wala pa ring epekto. Kaya ito ako ngayon, malaki ang eyebags, at nanlalalim ang mga mata. Buti nalang dahil maaga ang uwian ko ngayon. Maaga akong makakatulog pag-uwi.
Dumiretso nalang ako sa school at kahit nanlalata ay pinilit na mag-focus at mag-aral. Kapag antok na antok na talaga ako ay pupunta ako ng CR para maghilamos tapos noon ay medyo mawawala na din ang antok ko.
"Uwi ka na pagkatapos, bes. Mukhang may sakit ka, e.", puna ni Samantha noong last subject na namin. Matamlay akong tumango sa kanya dahil antok na antok na talaga ako. Goodness! Kasalanan ito ni Kuya Elijah!
Three na ng hapon natapos ang klase namin. Dapay ay two thirty palang tapos na, pero dahil nagovertime si Ma'am ng thirty minutes ay naging alas tres tuloy ang uwian.
"Mauuna na ako, ah?", paalam ko kay Samantha. Um-oo naman siya at sinabing mag-ingat daw ako. After noon ay lumabas na din ako nang naghihikab pa. Gustong-gusto ko nang matulog talaga.
Nasa waiting shed na ako sa tapat ng school at nag-aabang ng jeep nang sunod-sunod na mag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko iyon sa bulsa ko at ganon ganon nalang ay biglang parang iniwan ako ng antok ko. Biglang nagwala ang puso ko at nag-init ang buong mukha ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang hawak ang phone ko patay-sindi ang ilaw at patuloy ang pagva-vibrate.
L.A calling....
Hinayaan ko na magring iyon at kusang mamatay. Nakahinga ako ng maluwag nang huminto ang pagvibrate noon pero maya-maya lang ay muli na naman itong nagvibrate. Tinignan ko lang iyon at mas matagal ang pagvibrate nito kumpara kanina.
"Grrr!", nasaad ko sa sarili ko bago pinindot ang answer button. Nanginginig pa ang kamay ko nang dahan-dahan ko iyong inilagay sa tainga ko. Ganon nalang ang gulat ko nang biglang mayroon akong narinig na sumigaw. Nailayo ko iyon sa tainga ko.
"Hello, Elieanna?! Ikaw ba ito?!", kahit na nakalayo na ang phone sa tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Isaac.
Isaac? Bakit siya ang may hawak ng cellphone ni L.A?
"Elieanna", sigaw na naman nito. Grabe, parang may mic ang bibig niya!
"Hello? Bakit?", sa wakas ay nagsalita na ako. Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya.
"Please lang, please lang! Pumunta ka dito ngayon sa may Virginia. Parang awa mo na!", aniya at nagulat ako nang makarinig ako ng pagkabasag ng ilang hindi ko alam kung baso o plato. Agad akong kinabahan.
"Pumunta ka na!", sigaw nito bago tuluyan na naputol ang tawag.
Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na sumasakay nang tricycle at sinasabi doon sa driver na sa Virginia ang punta ko. Sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Virginia. Ang famous na drinking place na open 24 hours.
Tumakbo na ako papasok at napatigil ako sa pwesto ko nang makita ko 'di kalayuan iyong grupo nila Isaac.
"Tangina mo pala, ano? Hinahamon mo ba ko?", narinig ko mula sa pwesto ko iyong sigaw ni L.A. Agad na nanlaki ang mata ko nang kinuwelyuhan niya iyong lalaki na nakasuot pa ng uniform mula sa ibang University.
"Do you know who I am?", ani ni L.A at halos pagdikitin na ang mukha nila noong kinukwelyuhan niya. "Son of a bitch!", sigaw nito at akmang susuntukin na iyong lalaki ng hindi ko napigilan ang sigaw ko.
"L.A!", napatakip nalang ako sa bibig ko nang marealize ko iyong ginawa ko. Naman!
Nakita ko na napakawalan na ni L.A iyong lalaki at mabilis na itinulak paalis sa harap niya. Humarap siya sa may pwesto ko at kitang-kita ko iyong magulong buhok niya pati na rin ang lukot niyang uniform.
Ano'ng oras pa lang ba? Three palang nang hapon ay lasing na siya? What's his problem? Nagkaproblema ba sila ni Samantha para maglasing siya ng ganito?
Narinig ko ang ilang malulutong niyang mura bago ko nakita na pagewang-gewang siya na naglakad papunta sa kung nasaan ako. Nakita ko na tinangka pa siyang tulungan nila Isaac pero agad niyang kinabig iyong mga kamay ng kaibigan niya.
"Elieanna..", malambing niyang sinabi ng sa wakas ay nasa harap ko na siya. Nakagat ko ang labi ko at tinignan siya. Kumpara sa galit niyang mukha kanina ay mas kalmado na ang itsura nito ngayon.
"M-May problema ba kayo ni Samantha? B-Bakit ka naglalasing kung p-pwede niyo naman na pag-usapan-"
"Goddamnit! Why are you so dense?!", halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng dahil sa sigaw niya.
"Can't you see...", aniya. Agad na nagwala ang puso ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Goodness gracious!
"H-Ha?", napalunok ako at nagsisi kaagad kung bakit sumagot pa ako ng ganoon dahil nakita ko na mas lalo siyang naasar dahil sa sinabi ko. What did I even do? Wala akong ginagawang masama kaya bakit siya nagagalit sa'kin?
"Can't you see that I'm in love with you?"
Nalaglag ang panga ko at pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pero iyong puso ko, humahataw sa lakas ng pagtibok.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...