Samantha won the title of being the University's queen. Sobrang saya niya noong in-announce na siya ang nanalo. Dinumog siya ng yakap noong ibang contestant na natuwa din ng dahil sa pagkakapanalo niya. Siguro ay sa maikling panahon nilang nagkasama-sama sa practice ay naging mag-kakaibigan na din sila. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Samantha. She's almost perfect. Maganda, mabait, fun to be with. Lahat yata ng gugustuhin ng isang tao sa isang kaibigan ay nasa kanya. Kaya nga mahal na mahal ko siya ng parang sarili kong kapatid.
The one who won the title of being the University's king is none other than, L.A del Castillo. Nang in-announce ang pangalan niya ay napaka-kalmado lang ng ekspresyon niya. He just flashed his famous evil smirk bago pumunta sa harap sa tabi ni Samantha.
Habang tinitignan ko sila ay mas lalo kong narerealize na bagay na bagay talaga sila. Siguro, alam nakikita din iyong ng lahat ng tao na andito. Dahil nang naghawak sila ng kamay para sa picture ay nangibabaw ang malakas na tilian at sigawan.
Unti-unti nang nagsi-alisan ang mga tao. Seven na kasi ng gabi natapos iyong event. Pero dahil marami ang gustong magpa-picture ay medyo lumagpas pa iyon sa original na ending time.
Dahil mukhang nag-eenjoy pa si Samantha sa pagkapanalo niya ay nagdesisyon ako na pagpasok nalang sa lunes saka ko siya babatiin. Gusto ko man kasi na mauna sa pagbati sa kanya ay ayoko naman na makipagsiksikan sa may stage. Lumabas na ako ng gym at nauna na sa pag-uwi. Dumiretso ako sa may waiting shed para mag-abang sana ng tricycle, pero iba ang nadatnan ko doon. Si Russel.
Katulad ng palagi kong nararamdaman kapag nakikita ko siya ay bigla na naman akong kinabahan. Para maibaling ang atensyon ko para medyo mawala ang kaba ko ay kinuha ko ang phone ko at nagtype ng text doon.
Ako:
Congrats, king! :))Sinend ko ang text sa kay L.A. Pagkasend ko noon ay nag-angat ako ng tingin at nahuli ko si Russel na nakatingin sa'kin.
"U-Uy.", bati ko at bahagyang ngumiti. Tumango naman siya at sinuklian ang ngiting binigay ko. Sobrang gwapo talaga niya!
"Bagay sa'yo ang damit mo.", saad niya. Tinignan ko ang damit na suot ko. Isa ito sa mga dress na ibinigay ni L.A sakin. Kulay pula ito at halos 2 inches above the knee ang haba.
"T-Thank you...", saad ko nang nahihiya pero deep inside ay gusto ko nang magwala!
Namagitan samin ang katahimikan hanggang sa may huminto sa harap namin na isang itim na kotse. Ito iyong kotse ni Russel.
"Elieanna?", aniya.
Lumingon ako sa kanya at, "Hmm?"
"Hatid na kita.", WHAAAAAT?
"Gabi na kasi saka delikado na sa daan.", aniya at, "Hatid na kita."
Oh, Lord! Nananaginip po ba ako?
Wala sa sariling pumayag ako sa paanyaya niya and the next thing I know is nasa loob na kami ng sasakyan niya, sa may back seat, at magkatabi.
"Saan ang sa inyo?", aniya.
Itinuro ko ang daan papunta sa kung saan ako nakatira at hindi naman nagtagal ay nakarating din kami. Hindi ko alam na hihilingin ko ito pero sana pala, mas malayo ang bahay namin!
Bumaba na ako ng sasakyan at nagulat ako ng bumaba din siya. Nang pinindot ko ang doorbell ay akala ko aalis na siya pero hindi.
"I hope we can hang-out sometime.", ngiti niya habang nakahawak sa bukas na pinto ng sasakyan niya.
Nag-init ang pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mabilis na tumango! Syempre, payag ako!
Tumango siya at ngumiti bago sumakay ulit sa sasakyan niya. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng bahay namin ay ang pag-alis ng sasakyan niya.
Nang sumapit ang lunes ay mas ganado ako na pumasok at mag-aral ng dahil sa posibilidad na makita o makasalubong ko si Russel. At hindi naman ako binigo ng tadhana dahil nang mag-lunch break kami at magpunta ako sa canteen para kumain ay naabutan ko siya doon, pero kasama ang barkada niyang mga lalaki.
Dahil sa nahihiya ako ay nagkunwari nalang ako na hindi ko sila nakita kahit na alam ko na imposible iyon dahil sa may malapit sa pinto sila naka-pwesto, tapos hindi ko makikita? Ha!
Pumila ako at bumili na ng lunch ko. Dahil busy si Samantha dahil bukod sa member siya ng cheerleading ng school ay member din siya ng SC ng department namin. Active talaga siya sa school, di katulad ko na sobrang mahiyain.
Awkward para sakin ang kumain mag-isa habang nandito sila Russel ay pinabalot ko nalang iyong binili ko para doon nalang kumain sa may field. Pero nang palabas na ako ng canteen dala-dala ang binili ko ay bigla naman akong tinawag ni L.A.
"Elieanna, sabay na tayo mag-lunch!", nilingon ko ang table nila at agad na nagtagpo ang mata namin ni Russel. Bahagya akong ngumiti at ganoon din siya.
"Elieanna!", tawag na naman ni L.A kaya nawala ang atensyon ko kay Russel. Napatingin ako sa ngayon ay naglalakad nang si L.A papunta sa kung saan ako nakatayo.
"Kakain lang ako, ah.", nilingon niya iyong mga kaibigan niya sa may table tapos ay inakbayan niya ako at kinaladkad na palabas.
"L.A!", saad ko nang medyo matalisod ng dahil sa pagkaladkad niya. Aray kupo naman!
"Sus, kita mo? Sasaluhin kita.", aniya at mas hinigpitan ang akbay sa'kin. "At saka, hanggat ako ang kasama mo, 'di ka masasaktan."
Saktong sa may field nga ako dinala ni L.A. Nang dumating kami doon ay saglit siyang nag-paalam dahil may kukuhanin lang daw siya. Ako naman ay naiwan doon at nagsimula nang kumain. Sobrang gutom na kasi ako.
Nang dumating siya ay agad niya akong sinermunan ng bakit daw ako kumain kaagad.
"Asar naman, Elieanna! Bakit ka kumain agad? Di mo ko inintay!", parang bata na saad niya. Grabe parang 'yun lang! At saka 'di pa naman ako tapos na kumain, nakaka-apat na subo pa lang ako!
Nakita ko na mayroon siyang inilapag sa ibabaw ng lamesa. Isa iyong paper bag, at noong kinuha niya ang laman ay nagulat pa ako ng puro tupperwear iyon na may mga laman na pagkain at kanin. Dalawang tupperwear na mayroong laman na magkaibang klase ng ulam, tapos isang may laman na kanin, at iyong isa ay mayroong laman na graham cake.
"Para saan 'to? Birthday mo?", saad ko at agad nalanghap ang bango ng dala niyang pagkain noong buksan niya na ang tupperwear.
"Naisip ko kasi na pakainin ka. Diba nanalo ko.", aniya at naupo na sa may harap ko. "Kahit na 'di mo ko binati.", agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Binati kaya kita! Sabi ko pa, Congrats King!", depensa ko. "Sa text!"
"Mas gusto ko sa personal.", seryong saad niya. Ay grabe ang arte!
"Adi, Congratulations King!", saad ko. "I'm so proud of you!", natatawang saad ko. Nakita ko kung paano tumaas ang tingin niya ng dahil sa sinabi ko. Unti-unting nag-flash na naman ang famous niyang evil smirk.
"Thank you, my Queen.", ngiting-ngiti na saad niya at agad nang nagsimula sa pagkain.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...