Chapter 40: Be my girlfriend

5.3K 167 16
                                    


Pwede ba tayong mag-usap?


Paulit-ulit ko na binabasa iyong tinype ko na text. Kagat-kagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung isesend ko ba talaga iyon o hindi. Pero sa huli ay pikit-mata kong tinap iyong send at mabilis na ibinaba ang cellphone ko. I do not expect na sasagot siya pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko at ang pagwawala ng puso ko ng magring iyong cellphone ko.


Dahan-dahan ko iyong tinaas at tinignan ang screen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko.


L.Acalling..


Napapikit ako ng ilang beses at nagakagat ko ang daliri ko bago ako nagpasya na sagutin ang tawag niya.


I cleared my throat. Nilapit ko ang phone sa tainga ko at, "H-Hello?", saad ko.

Narinig ko ang hinga niya sa kabilang linya bago siya nagsalita.


"What are we going to talk about?", malamig niyang sabi. Hindi ako makapagreklamo at hindi ko maitanong sa kanya kung anong problema nya kung bakit ganito siya makipag-usap dahil alam ko na ako 'yung may kasalanan.


"P-Pwede ba tayong magkita?", saad ko ulit. Katulad kanina ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Saglit siyang nanahimik bago ulit nagsalita.


"Where?", aniya.


Sinabi ko kung saan kami magkikita at kung anong oras mamaya. After ng class ko ay doon na ako dumiretso para na rin matapos na agad itong pag-uusap namin.


Pagkadating ko sa Tia Elena's ay nandoon na siya at tahimik na nakaupo sa may table malapit sa pinto. Pilit kong kinalma ang sarili ko bago ako naglakad papunta sa kung nasaan siya. Nang nasa tapat na niya ako ay tiningala niya ako at walang kaemo-emosyon na tinignan.


"Sit.", aniya kaya mabilis akong tumango at umupo.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kaya nanatili ang tingin ko sa may lap ko. Paano ko ba to sisimulan?


"Speak. I don't have time for your silence.", aniya na naging dahilan para mapa-angat ang tingin ko sa mukha niya. Wala namang nagbago sa kanya. Kung mayroon man na nagbago sa kanya ay iyon iyong pakikipag-usap niya sa'kin. He became very harsh and straight-forward. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit, it was my fault, I admit.


"Why are you not responding to Samantha's messages?", I finally asked. Kitang-kita ko kung paano umawang iyong labi niya. He just stared at me for seconds tapos ay sumeryoso ulit ang mukha.


"Because I can.", walang pakialam na saad niya. Hindi ko napigilan na mag-init ang ulo sa sinabi niya. He's not responding to her messages, dahil daw ano? Dahil kaya niya?


"Bakit ka ganyan?", hindi ko napigilan so I asked. "Bakit ang dali sa'yo na baliwalain 'yung taong may pagtingin sa'yo? Are you that confident with yourself na wala kang pakialam na may nasasaktan ka?", I asked. Ang akala ko ay magugulat siya sa tanong ko pero ako yata ang nagulat lalo na noong nakita ko kung paano siya pilit na nangisi.

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon