Ginugol ko nalang ang oras ko sa paglilibot sa buong lugar pagkatapos nung nangyari kanina. Hindi din naman ako mag-isa kasi kasama ko sila Rebecca at iyong ibang boys. Maghahapon na din nang bumalik kami doon sa cottage namin. Naligo lang ako at nagbihis ng shirt at shorts bago dumiretso duon sa labas kung saan marami nang nagbo-bonfire, kasama na iyong mga kasama ko.Umupo kaagad ako sa tabi ni Matthew kasi dun lang naman ako mayroong nakitang bakanteng upuan. Tahimik lang ulit ako na kumain.
"Saan ka sa birthday mo?", narinig ko na tanong ni Rebecca. Kanino pa kung hindi kay L.A.
"Ewan. Manila. Di ko sure.", aniya sa malamig pa rin na tono.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko alam, kasi... Kasi naiilang ako. At natatakot ako na baka pag tumingin ako at makita iyon ni Samantha ay iba ang isipin niya. And speaking of Samantha, wala siya ngayon dito. Where is she?
"Oh, saan ang punta mo?", tanong ng katabi ko na si Matthew ng tumayo ako at papaalis na.
"Papahangin lang.", ngiti ko at umalis na doon.
August pa lang kaya medyo malamig ang ihip ng hangin. Nayakap ko ang sarili ko nang mas maramdaman ang lamig ng hangin kasabay ang paghampas ng mga alon. Nasaan kaya si Samantha?
"May hinahanap ka?", nagulat ako nang marinig ko na may nagsalita sa gilid ko. Napatingin ako doon at bumungad na naman sa'kin ang chinitong si Matthew.
"Uh, si Samantha..", saad ko. Nakita ko ang pagtango niya. Naglakad pa rin ako at nakasabay lang siya sa'kin ng walang imik.
Natanaw ko hindi kalayuan sa pwesto namin ang pamilyar na pigura ng isang babae. Nakaupo ito sa may buhangin at nakatalikod sa kung nasaan kami, si Samantha.
"Sige, maiwan muna kita.", ani Matthew. Hindi na niya ako hinintay na sumagot at umalis na siya.
Dahan-dahan ako na naglakad sa pwesto ni Samantha at naupo sa tabi niya. Alam ko na nakita niya ang pag-upo ko pero hindi niya ako nilingon. Galit kaya siya sa'kin?
"Sammy.", saad ko. Nakatingin pa rin ako sa mukha niya. Mukha niya na kahit medyo madilim ay kitang-kita pa rin ang kagandahan.
"Hmm?", narinig ko na saad niya.
"S-Sorry, ah?", hindi ko napigilang saad. Hindi pa rin niya ako nililingon. Namagitan sa amin ang mahabang katahimikan bago ko unti-unti na nakita na napalingon na siya sa'kin.
Kitang-kita ko sa mata niya na malungkot siya. At nagu-guilty ako dahil pakiramdam ko mayroon akong kasalanan. She likes L.A, pero sa'kin lapit nang lapit ang lalaking gusto niya. Of course, malulungkot siya dahil doon.
"I like him so much, Eli.", aniya sa mababang tono. Hindi ko alam pero biglang sumakit iyong dibdib ko ng marinig ito sa kanya.
"I don't know.. Hindi ko alam kung kailan. Pero gustong-gusto ko talaga siya.", aniya. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagiging seryoso niya. This girl right here, my bestfriend, is inlove with L.A!
"Alam ko na hindi dapat, pero kasi.. Kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko na magkasama kayo. Alam ko naman na hindi masama 'yun kasi magkaibigan kayo.. Pero kasi..", kasi 'di niya maiwasan.. Ako na ang nagtapos ng dapat ay sasabihin niya.
I promised her na kung kaya ko na gawin ang kahit na ano para mapasaya siya ay gagawin ko. Because she's my bestfriend, she's my sister. At alam ko naman na kaya kong gawin, kaya kong gawin na iwasan si L.A para sa kanya... Para maging masaya siya.
Hindi man niya diniretso na sabihin sa'kin iyon ay 'di naman ako manhid para 'di makuha na iyon ang gusto niyang mangyari.
Kaya kinabukasan, todo iwas ako sa mga tingin ni L.A. Todo iwas ako ni ang magkasalubong kami sa cottage kung saan kami tumutuloy. Mas malala pa nga yata ngayon dahil imbis na si Russel lang ang iniiwasan ko, ay sila nang dalawa ni L.A. Lalo tuloy lumiit itong cottage na 'to para sa'kin.
"Tara na! Banana boat!", sigaw ni Isaac ang bumungad sa'kin pagkalabas ko ng kwarto. Nakaligo na ako at nakapagbihis na din.
"Oh, Elieanna? Nawala ka na kagabi. Hindi ka tuloy nakasali sa truth or dare.", bati ni Rebecca sa'kin. Nakaupo siya sa may dining table at kasalukuyan na umiinom ng kung ano sa mug niya.
Ngumiti lang ako bilang sagot. After kasi noong pag-uusap namin ni Samantha ay dito na ako sa cottage dumiretso. Siguro dala na din ng pagod ay mabilis akong nakatulog at hindi na napansin ang pagdating nila.
"Bes! Tara!", nagulat ako ng bigla akong hinila ni Samantha palabas ng cottage at sumunod doon sa mga kasama namin na nauna nang lumabas para sa banana boat.
Nang makita na nandoon din si L.A ay agad na naman akong kinabahan. Agad kong hinila si Samantha na naging dahilan para malingon niya ako.
"Ah.. Eh.. Kasi masama ang pakiramdam ko..", pagsisinungaling ko. "Kayo nalang ang mag banana boat.", matagal niya akong tinitigan bago ako nagulat sa paglagay niya ng palad niya sa may noo ko.
"O, sige. Magpahinga ka nalang sa cottage natin.", aniya at iniwan na ako doon at mabilis nang tumakbo papunta sa may pampang.
Bumalik na din ako sa cottage at nalaman na ako lang pala ang naiwan doon. At dahil wala naman din akong maisip na gawin sa cottage ay nagpasya nalang ako na maglibot-libot nalang mag-isa. Mamimili na rin siguro ako ng souvenirs para kila Eunice at kila Mommy.
Dala ang wallet at phone ko ay dumiretso na ako sa labas. Marami-rami din ang mga turista na andito kahit na August na. May mga nakakasalubong pa ako na foreigner.
"Ija, ito oh bumili ka na ng paninda ko.", napahinto ako nang maagaw noong paninda noong matandang babae ang atensyon ko. Mga anklet kasi iyon na gawa sa tali. Meron din siyang tinda na mga Dream Catcher.
Kumuha ako ng isa at tinitigan iyon. Maganda ang pagkakagawa noon at ang kumbinasyon ng kulay. "Magkano po ito, lola?", tanong ko doon sa matanda.
"100 ang isa, Ija.", aniya at may kinalikot doon sa paninda niya. Nagulat ako ng maya-maya ay may hawak na siyang kapareho noong hawak ko na anklet, mas malaki nga lang ang size noon. "May free na isa kung bibili ka, ikaw kasi ang buena mano ko.", ngiti ni Lola. Agad akong nangiti din ng dahil sa hindi ko alam na dahilan.
Binili ko iyong isa at nakakuha ng free ni Lola. Pagkatapos noon ay naglibot-libot pa ako at luminga-linga sa paligid para maghanap pa ng mabibili ng hindi sinasadyang mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki. Agad ako na napahawak sa noo ko at ininda ang sakit noon kasi totoo naman na masakit.
"Hey, are you alright?", naramdaman ko kaagad ang paghawak noong lalaki sa may balikat ko. Agad na naman akong kinabahan nang maamoy ang pamilyar nyang amoy. Si L.A.
Agad ko na inalis iyong hawak niya sa may balikat ko at tumango. Nilagpasan ko na siya nang lakad pero kaagad ko na naramdaman ang pagsunod niya sa'kin.
"Iniiwasan mo ba ako?", matigas niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Nagulat nalang ako ng mabilis niyang hinablot ang braso ko at hinila ako kung saan.
"L.A!", tawag ko sa kanya. "L.A ano ba?!"
Nanatili lang siya na walang imik doon hanggang sa huminto siya sa paglalakad at mabilis ako na sinandal sa kung anong mang nasa likod ko. Agad niyang hinarang sa tagiliran ko ang dalawa niyang kamay.
"Are you avoiding me?!", mariin niyang tanong. Nagwala ang kung anong hayop sa tiyan ko nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. And so I pushed him away. Hindi naman siya nagreklamo.
"Samantha likes you!", I shouted at him. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko pero wala siyang naging imik.
"Diba ito naman talaga ang plano simula pa lang?", saad ko. "Ilalakad mo ako kay Russel tapos ikaw naman ilalakad ko kay Samantha. Pero dahil ayoko na kay Russel, iyong sa part mo nalang ang pag-usapan natin. Ito na! Ito na L.A, gusto ka na din ni Samantha.", paliwanag ko. Napa-iwas ako ng tingin at sa di ko alam na dahilan ay mayroong masakit sa'kin. 'Yung puso ko.
"You already got Samantha.", napa-iwas ako ng tingin at, "The deal is over.", mahinang saad ko bago ko siya tuluyan na iniwanan doon.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...