Nang nag-sunday ay seryoso nga si L.A. Sobrang seryoso niya na seven pa lang ay tinawagan niya na ako. Oo, dahil doon kaya ako nagising. Sa totoo lang kasi ay nakalimutan ko na may lakad nga pala kami ngayon. Pinaalala niya kagabi pero, napasarap ang tulog ko. Sorry naman. Nagbabawi lang kasi ako sa mga nakaraang araw na kulang ako doon.
Nagbihis na ako at sinuot ko ang 'bigay' niyang damit. Iyong high-waisted leggings at black cropped top shirt. Pinart-neran ko nalang noong sneakers ko. Badtrip naman, medyo masikip kasi iyong leggings ng dahil sa hita ko. Pero kasya naman siya. 'Di lang ako sanay.
Pagkabihis ko ay saktong nag-vibrate na naman ang phone ko, tinignan ko iyon at nakitang ang bad boy ay tumatawag na. Sinagot ko iyon at nilagay sa tainga ko habang pahirapang tinatali ang sintas ng suot kong sapatos.
"Where are you. On the way na ako. Daanan nalang kita? Nakagayak ka na ba?", sunod-sunod niyang tanong.
"Patapos na. Wag na, mauna ka na doon.", saad ko at umayos na ng tayo dahil sa naayos ko na iyong sintas ko. Nilagay ko naman sa bagpack ko lahat ng sa tingin ko ay kailangan ko na dalhin. Earphones, charger, tissue, iyong isa sa mga book na binili ko sa bookstore, at saka iyong wallet ko.
"Daanan na kita. Be there in five. Bye.", aniya at pinutol na ang tawag. Pasaway. Nagtanong pa siya kung siya din naman ang masusunod.
Habang nagsusuklay ay saka ko lang narealize. Nandoon kaya sa pupuntahan namin si Russel? Kung nandoon siya ay dapat yata isinama ko na si Samantha. Kaso, nakalimutan ko kasing tanungin siya. Masyado akong pre-occupied sa pagrereview na palagi kong nakakaligtaan itong lakad namin ni L.A ngayon, na kung hindi niya naman pinaalala araw-araw at kaninang umaga ay baka nakalimutan ko na.
After ng halos five minutes ay nag-vibrate na naman ang phone ko. Di na siya tawag ngayon, text nalang. Inopen ko iyon at nakita ang text ni L.A.
L.A:
Labas na. Dito na ko. Dalian mo.
Ang atat naman nito.
Kinuha ko na iyong bagpack ko at dumiretso na pababa ng hagdan. Naabutan ko si Mommy na palabas ng kitchen. Agad niya akong tinaasan ng kilay ng makita na nakabihis ako.
"Saan ang punta mo?", tanong nito. Nakababa na ako at dumiretso sa kanya.
"May lakad lang, My. Uuwi ako mamayang hapon.", sagot ko at hinalikan na siya sa pisngi. Dumiretso na ako sa may pinto at bago ako makalabas ay narinig ko siyang nagsalita.
"Okay. Ingat. Nga pala. Bagay sa'yo 'yang damit mo.", ani ni Mommy. Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya sa'kin. Ngumiti din ako bago tumuloy sa labas.
Naabutan ko kaagad doon si L.A na nakasandal sa may sasakyan niya. Hindi iyong Fortuner niya ang dala niya kung hindi iyong Ranger niya na. Grabe, ang yaman. Ilan kaya ang sasakyan na mayroon ito?
Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nahiya naman ako. Hindi kasi ako sanay ng tinitignan ng ganoon.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...