Chapter 8: Café Avelina

5.4K 175 3
                                    

Nang mga sumunod na araw ay naging busy na talaga ako sa school. Nandyan iyong mga minor subject na feeling major kung mapagbigay ng activity na kulang nalang ay bigyan kami every meeting. Nandyan din iyong mga pa-importanteng prof na aabsent tapos ay mag-a-announce na mayroong kaming project at to be submitted na 'yun next meeting.

Kasalukuyan akong nasa lobby ng building namin kung saan pwede akong makapagreview bukod sa library. Kakaunti lang kasi ang tao dito at halos lahat pa nang andito ay hindi nag-iingay. Mayroong nag-so-sountrip, mayroong nagtetext, at mayroong iba na katulad ko, nagbabasa ng reviewer.

Sa susunod na linggo ay pre-lims na namin at sa susunod naman ay mayroong event. Hindi ko pa alam kung anong event iyon, pero mukhang malaking event dahil nakapost na iyon agad sa bulletin ng School na nasa may main office.

Habang nagrereview ako ay katext ko din si L.A. Sinabi ko sa kanya na ise-set ko na sila ng date ni Samantha.

L.A:
I think I'll be busy for the coming weeks.

Iyon lang ang naging reply niya sa text ko. Kung hindi kaya ngayon ay kailan?

Nagbell na at tanda na umpisa na ng last subject ko para sa araw na ito. Hanggang mamayang seven pa iyon kaya nagdala na ako ng pwedeng pang-snack.

Nang dumating ako sa room namin ay naabutan ko na doon si Samantha. Agad ko siyang nilapitan at agad umilaw ang parang hidden light-bulb sa utak ko.

"May gagawin ka after class?", nakangiting tanong ko sa kanya. Kaagad siyang umiling.

"Bakit?", aniya.

"Wala may pupuntahan kasi ako. Samahan mo ako please?", pagpipilit ko sa kanya. Kaagad naman siyang tumango at ngumiti. Pagkatapos noon ay hindi na ulit kami nakapagkwentuhan dahil dumating na iyong prof namin.

Marami siyang diniscuss at pilit ko namang initindi ang kada salita na lalabas sa bibig niya. Sa kalagitnaan ng discussion namin ay mayroong nag-excuse kay Ma'am kaya naputol saglit iyong discussion niya. Nang pumasok siya ulit ay nagtaka kami dahil nagsimula na siyang iligpit iyong mga gamit niyang nakakalat sa ibabaw ng teacher's table.

"We have an urgent meeting, class. So, I have to go now. Class dismissed.", aniya. Halos nagsigawan na iyong iba naming kaklase ng dahil sa pagkasuspend ng klase namin na dapat ay hanggang seven pa.

Nagsimula nang maglabasan iyong mga kaklase ko. Kaagad ko namang kinuha ang phone ko at nagtype ng text kay L.A.

Ako:
Saan ka??

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad kong binuksan ang message ni L.A doon.

L.A:
Café Avelina. Uwian mo na? Saan ka?

Napangiti ako ng mabasa ang sagot niya. Hindi na ako nagreply. Nakangiti kong nilingon si Samantha na tapos na sa pag-aayos at hinihintay na ako.

"Tara na?", nakangiti kong yaya sa kanya. Tumango siya at sabay na kaming lumabas.

Hindi niya dala iyong kotse niya kaya magco-commute nalang kami. Habang papunta sa sakayan ng tricycle ay tinanong niya ako.

"Saan ba yung pupuntahan mo? Sayang, dapat pala dinala ko na 'yung sasakyan ko. Para 'di na tayo magco-commute.", aniya.

Luminga-linga ako at nagtawag na ng tryk. "Okay lang. Dyan lang. May dadaanan lang ako.", ngumiti ako sa kanya tapos ay huminto na iyong tryk sa harap namin. Nauna siyang sumakay at sumunod naman ako.

"Manong, Café Avelina po."

My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon