Nang huminto ang jeep sa kung saan ako bababa ay bumaba na ako. Nagulat ako ng makita na sumunod si L.A sa'kin sa pagbaba. Nag-inat siya pagkababang-pagkababa niya. Nanatili ang titig ko sa kanya at hindi makapaniwala na ang lalaking nasa harap ko ngayon, ay first time na makasakay sa isang pampubliko at pampasaherong jeep.
"Anong tinitingin mo?", saad niya. Umiling ako para sabihin na wala at tinalikuran na siya para maglakad sa kung nasaan ang bahay namin.
Naramdaman ko na nakasunod siya sa'kin kaya tumigil ako.
"Bakit mo ko sinusundan?", ako naman ngayon ang nagtanong. Gaya ng ginawa ko kanina ay umiling din siya. Napairap ako sa kawalan ng marealize na ginaya niya iyong kaninang ginawa ko nang siya ang nagtanong sa'kin.
"Ang sungit nito.", natatawang saad niya. "Kaya ang sarap mo...", mayroong dumaang motor sa harap namin kaya hindi ko narinig ang dulo noong sinabi niya. Napakunot ang noo ko at nilingon ko siya na nasa tabi ko na ngayon.
"Ano?", kunot noo kong tanong. Imbis na sagutin ako ay ngumisi siya ng malawak at umiling na parang mayroon siyang sikreto na hindi niya ibubulgar.
Hinayaan ko nalang. Tutal naman ay mukhang hindi importante. Nang dumating ako sa harap ng gate namin ay nakasunod pa rin siya sa'kin kaya nakumpirma ko na inihatid niya nga talaga ako.
"Uh, pasok na ako?", nag-aalangan na saad ko. "Magco-commute ka ba pauwi?", Halos ako na mismo ang sumagot sa sarili kong tanong. Syempre, magco-commute siya! Paano siya uuwi? Maglalakad?
"Ang hirap mag-commute. 'Di ko alam bakit ka nakakatagal doon.", maarteng sabi niya na ikinagulat ko. "Nagpasundo na ako. Doon sa labasan, doon ako dadaanan." tumango ako at naghintay pa ng ilang saglit bago binuksan iyong gate.
"Salamat sa paghatid.", saad ko at naalala iyong kanina sa may restaurant. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang napahiya na naman ako doon kanina. "At saka doon sa kanina.", dugtong ko. Tumango siya at ngumisi katulad ng malademonyong ngiti niya kanina. Agad akong kinilabutan dahil doon kaya mabilis na akong pumasok sa bahay.
Pagkapasok ay tinignan ko doon sa may bintana kung nakaalis na ba siya at nakita kong naglalakad na siya pabalik. Nasa bulsa niya ang isa niyang kamay habang iyong isa naman ay hawak ang touch screen niyang cellphone.
Nang sumapit ang lunes ay sobrang aga kong dumating sa school. Nawawala ang handouts ko doon sa isang subject namin kung saan kami may practical ngayon at kailangan ko pang maghanap ng libro sa library para makapag-aral sa subject na 'yon. Pagdating ko sa school ay dumiretso na ako sa library at dahil maaga pa nga ay ako lang ang nandoon at saka iyong babae na nasa may front desk. Nagsulat lang ako sa log book at mabilis ng hinanap ang book na kailangan ko.
Nang nakita ko na iyong libro ay inukupa ko na ang isang upuan doon at nagsimulang mag-aral. Habang busy ako sa pagbabasa ng libro ay nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagdating ng isang estudyante. Dumaan siya sa gilid ko at agad kong nalanghap ang mabango at amoy bagong paligo niyang amoy. Ipinag-walang bahala ko iyon at nagseryoso sa pag-aaral ko. Kaya lang ay tuluyan na akong nawala ng makita ko na iyong lalaki kanina ay naupo sa upuan na nasa harap ko. Agad tumaas ang tingin ko sa mukha niya at halos matulala ako at manlaki ang mata ko ng ang bumungad sa'kin ay si Russel.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...