"Elieanna, open the damn door." Kinalabog ko ang pintuan sa sobrang inis ko. She's been avoiding me since last week dahil sa hindi ko malamang dahilan."Sabi ko sa'yo, ayaw kitang makita!"
Kumunot lalo ang noo ko. May kakaibang kirot ako na naramdaman sa dibdib ko. She's just mad that's why nasasabi niya ang mga ganoong bagay.
Humilig ako sa pintuan at marahang kumatok. "Sige na. Buksan mo na na 'to." Dinikit ko ang tainga ko para marinig ko siya sa loob pero napamura ako agad ng marinig ko ang mga hikbi niya.
Agad akong nagpanic. Kinalabog ko ng sunod-sunod ang pintuan.
"Elieanna. Baby girl. Please. Buksan mo na." Pakiusap ko.
It's my fault! Damn it! Sana ay hindi ko siya pinilit na gawin ang isang bagay na alam ko na pagsisisihan niya. Sana ay...
"Elieanna..."
Unti-unting bumukas ang pinto. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nang makita ko ang namumula niyang mukha ay 'di ko na napigilan na hilahin siya at yakapin.
"I'm sorry. I'm sorry, baby.." Paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang ulo niya.
Naramdaman ko ang pag-iyak niya sa balikat ko. Alam ko naman na nagsisisi siya sa nangyari. Masakit oo, pero alam ko kasi na kasalanan ko. Kasalanan ko kasi ako iyong lalaki, dapat ako iyong nagpigil. Ako dapat iyong naghintay.
Umiyak lang siya sa dibdib ko. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang likuran niya.
Natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng tumatakbo sa isip niya. Baka dahil sa nangyari ay bigla nalang niya akong iwanan. Baka dahil sa nangyari ay isipin niya na iyon lang ang gusto ko mula sa kanya.
"Iuuwi na kita." Saad ko matapos ang ilang minuto at naramdaman ko na ang pagkalma niya.
Hindi siya tumanggi at sumama nalang sa'kin. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang siya. Mas lalo tuloy akong natatakot sa iniisip niya. Kung magdedesisyon siya na iwanan ako, tangina magkamatayan na, hindi ako papayag.
Habang nagda-drive ay hinawakan ko ang kamay niyang nasa hita niya. Hinayaan niya akong gawin iyon kaya kahit na papaano ay gumaan ang loob ko.
Sa labas lang siya nakatingin samantalang ako ay pasulyap-sulyap lang sa kanya habang nagmamaneho ako. Naka-uniform pa siya sa isang ospital kung saan siya nag-i-intern. Ito na ang huling internship niya dahil graduating na siya ngayong taon.
Speaking of graduation ay pinag-iisipan ko na ang pwede kong iregalo sa kanya. I wanted so much na bigyan na siya ng singsing pero baka magulat siya. She's still young at alam ko na wala pa ang ganoon sa isip niya.
Dumating kami sa harapan ng boarding house niya ay tahimik pa rin siya. Nang huminto ang sasakyan ko ay nauna pa siyang lumabas. Mas lalo tuloy akong natatakot sa ikinikilos niya kaya pinatay ko ang sasakyan ko at sinundan siya sa loob.
"Umuwi ka na. Baka gabihin ka." Aniya habang nakatalikod sa'kin. Naroon siya sa may kitchen.
Nasasaktan ako dahil ayoko mang isipin ay pakiramdam ko iniiwasan niya ako ng dahil sa nangyari sa'ming dalawa. I feel like she regret everything that happened during that night. Pero ako? I don't regret anything. That night is the best night of my life. At wala akong pinagsisisihan na kahit ano.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya at niyakap siya patalikod. Ipinatong ko ang noo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko kaya mas lalo lang akong nasaktan.
"What's happening?" Marahang tanong ko. "What did I do? Tell me." Pumatak na ang luha ko. Tangina, hindi ko kaya ng ganito siya sa'kin, mababaliw ako ng kakaisip.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...