Thank you sa mga bumasa nito. Hanggang dito na lang po ang MDWTBB. Please support my other on-going stories. Thank you & enjoy reading!
I think the reason kung bakit sa halos lahat ng pagkakataon pinapahirapan tayo sa pag-ibig ay para masukat kung gaano tayo katatag. The reason kung bakit sumusugal tayo sa isang tao o relasyon kahit na walang kasiguraduhan ay iyong pagbabakasali natin na sa huli, posibleng maging kayo at posible kayong maging masaya.
Nang nagustuhan ko si Elieanna, wala akong kasiguraduhan. Hindi ako sure kung mababaling ba ang atensyon niya sakin gayong adik na adik siya kay Russel at parang si Russel lang ang lalaki para sa kanya. Wala akong kasiguraduhan pero sumugal ako. I made a deal with the girl that I like.
"Paano kung si Russel ang maging kapalit? Ayaw mo?", saad ko para kuhanin ang atensyon niya. At nagtagumpay ako! Unti-unti siyang humarap at gulat niya akong tinignan. I smirked.
Marami akong sinabi na posibleng mangyari kung papayag siya sa offer ko. I told her that I'll help her with Russel kung tutulungan niya ako sa bestfriend niya. I know it's bad to use people or to lie, I know that I'll be lying a lot kapag pumayag na siya sa offer ko pero doesn't matter. I'm a bad guy anyways.
Sa huli pumayag siya. She even offered her hand para sa deal namin. Tinitigan ko iyon ilang saglit bago hinawakan. At putangina lang, hawak pa lang ng kamay niya sobrang kabado na ako!
My days are always good simula nang pumayag siya sa deal namin. I'm not really the person who always likes to text, pero dahil sa kanya mukhang naadik na ako doon. Palagi kong hawak ang phone ko at kung dati naka-silent lang ito ngayon ay halos i-todo ko na ang volume para lang palagi kong marinig kung may text siya.
"Sino 'yan? I didn't know you're the texter type.", nilingon ko si Russel nang sabihin niya iyon. Nasa classroom ako at nagka-klase ang prof pero katext ko sya.
"Well..", saad ako at nagkibit-balikat.
I'm always in a good mood. Lalo na kapag katext ko siya. At doble ang saya ko nun kapag nagrereply siya.
"Are you free sa wednesday?", iyan ang bungad niya sakin nang isang hapon na hinintay ko sya sa building nila. Di ko maiwasang mapangisi. Why? Why are you asking? Will you ask me out?
Kinagat ko ang labi ko at, "bakit?"Naisip ko kasi na i-set na kayo ng date ni Samantha. At sa tingin ko free siya sa araw na yon. Ikaw, free ka ba?", WHAT THE FUCK
Unti-unti nawala ang ngisi ko at nag-isip agad ako ng pwedeng dahilan.
"Ah.. Di eh.. Aalis ako.", saad ko. "Sa manila.", there I lied again.Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. Nakahinga ako ng maluwag. Nang sumapit ang wednesday ay alam ko na off niya kaya di ako pumasok. I texted her na magmall naman para makalanghap ng hangin sa mall. Napangisi ako at alam ko na gagawin niya ang sinabi ko. Maaga akong nagbihis at pumunta sa bahay nila. Let's see kung aalis siya.
Lumabas siya sa gate nang nakagayak. Nasuntok ko ang manibela sa tuwa ko. Mabilis akong nagdrive papunta sa mall. Looks like it's just you and I today, huh?
"Elieanna? Wow, small world huh?", nakangisi kong sabi ng nilapitan ko siya habang namimili ng damit. Muka siyang nagulat dahil andun ako at agad niya akong tinanong kung bakit ako nandoon. Syempre, bago niya pa naitanong yan ay nakaisip na ako ng sagot.
"Hindi natuloy, e. May lakad 'yung kapatid ko.", i told her. That's not a lie this time. Totoong may lakad si Kuya Marco, pero noong isang araw pa naman siya umalis.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...