[22] Until the day comes

35.6K 1.1K 120
                                    

Chapter 22

 Until the day comes

 ~*~

 Naging isang fairytale ang buhay ko simula nung pina make over ako ni Pierre. Hindi na ako minamaliit ng mga tao. Wala na ring nagsilabasang bully para awayin ako. Normal na ang trato sa akin.

 Pero alam niyo ang hindi nagbago? Ang grado ko.

 *slam*

 "Miss Sarmiento, this is the third time you failed my quiz! Di na ba titino yang utak mo?"  ani ni Ms. Pauline, physics teacher namin.

 Napakagat naman ako ng labi at tinignan ang papel kong hinampas ni Ma'am sa lamesa ko. 21/50? Teka, grado pa ba iyan?

 "Pasensya na po miss, susubukan ko pong makabawi." Sabi ko at yumuko.

 Paano ba to? Ah tama, hihingi na lang ako ng tulong kay Ion! Matalino naman kasi iyon kaya baka matutulungan niya ako.

 "Dapat lang dahil kung babagsak ka pa sa exam hindi ko na alam ang gagawin sa iyo." Ani ni Miss at napahawak sa noo niya.

 Tumunog naman ang bell hudyat na lunch time na. Suminghap ako, paano ba maging matalino sa isang iglap lang?

 "Hey, don't worry about your grades okay? Tataas din yan!" Ani ni Snow at ngumiti.

 Tumango naman ako at ngumiti sa kanya ng pabalik. Sabay na kaming tumayo at aalis na sana nang biglang sumulpot si Ion sa harap ng pintuan namin.

 Agad nagsitilian ang mga babaeng kaklase ko. Nilingon ko si Snow at nakita ko ang paglawak ng ngiti niya habang namumula. Napataas ako ng kilay. Anong meron kay Ion para magkaganyan sila? Oo, gwapo, matalino, mayaman. Pero di ko talaga sila naiintindihan.

 "Nine, tara na!" Ani ni Ion.

 Nilingon ko siya at tinuro ang sarili ko. Anong tara na?

"Huh? Bakit?" Naguhuluhan kong tanong.

 "Sabay ka raw kumain sa amin. Utos ni Pierre." Aniya at ngumiti.

 Napatakip naman ako ng tainga nang biglang nagtilian ang mga babae sa loob ng silid. Pati nga yung nasa labas ay nakikichismis na rin.

 "Uh..." nilingon ko si Snow at napakamot ng ulo.

 "It's okay, sumabay ka na. I'll be fine." Ani ni Snow.

 "Ah, sumama ka na lang din Snow. Bumabawi kami sa iyo hindi ba?" Sabi ni Ion.

 Agad ko namang sinigkitan ng mata si Ion. May something talaga sa ngiti at tingin niya eh. Hindi ko lang mapaliwanag ng mabuti kung ano iyon.

 "H-ha? O-okay."  Ani ni Snow at umiwas ng tingin.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon