~*~
Middleton High
~*~
Dalawang linggo na ang nakalipas nung simula ng pagiibigan namin ni Ezekiel. Chos.
Pero seryoso, dalawang linggo na kaming magkasama palagi. Sa pagkain, sa pag-uwi, sa pag-aral! Para kami naka-mighty bond sa isa't isa. Ang saya nga sa feeling dahil pakiramdam ko secrued at safe ako palagi. Tapos wala ng nambubully sa akin kaso nga lang ang rami ko ng hates na natatanggap sa sns ko pero chokey lang basta ba masaya akong kasama si Ezekiel.
Speaking of my prince charming ay patakbo siyang lumapit sa akin habang kinakaway ang dala niyang sandwich. Grabe, ako na talaga yung maswerteng nilalang sa balat ng lupa! Imagine isang sikat na hearrtrob ng school namin ay patakbong lumapit nang makita ako. Ang chaka, haba ng hair ko!
"Here, I bought this for you." Bungad ni Ezekiel sabay lahad ng sandwich na dala niya.
Ngumiti naman ako ng napakalawak sabay tanggap ng sandwich. Everyday dinadalhan niya ako ng iba't ibang snacks pagbreaktime. Sinasabi ko naman na hindi na kailangan pero ewan ko ba sabi niya naging hobby na daw nya iyon. Grabe, ang sweet noh?
"Sweet mo talaga." Natatawa kong sabi "Salamat."
Umupo naman siya sa tabi ko sabay akbay sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sabay siko sa tagiliran niya.
"Huy PDA." Bulong ko sa kanya.
Narinig ko naman siyang tumawa ng onti at mas nilapit pa ang kanyang sarili sa akin. I rolled eyes, simula nung naging kumportable na siya sa akin ang hilig na niyang asarin at pakiligin ako. Ano, magye-yes na ba talaga ako?
"Gusto mo naman." Napangiti niyang sabi.
Ngumiwi naman ako at tinulak ang ulo niya papalayo sa akin. Simula na naging kumportable na din ako sa kanya ay hindi na din ako mahiyang ipakita ang totoong ako sa harap niya.
"Eyyyyy,manahimik ka nga." Sabi ko.
Nagtawanan naman kaming dalawa at kumain na. Ito din ang hilig namin ang tumambay sa may field at umupo sa banch habang nagkwekwentuhan. Naging daily routine na namin ito simula nung nag-date kami sa rooftop.
"Hindi pala kita maihahatid ngayong araw, may plano kasi ang Black List." Pagpaalam ni Ezekiel sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti. Wala naman akong magagawa eh mga kaibigan niya naman niya yan atyaka ang echos ko naman pati sa lakad nila eh sasama ako para naman akong possessive girlfriend niyan eh nililigawan pa nga ako ni Ezekiel.
"Yeah sure, basta magingat ka ha." Sabi ko.
Tumango naman siya.
Kumaway naman ako sa kanya at nagpaalam na dahil klase nanaman ulit.
Nang malapit na ako sa classroom namin ay mabilis namang lumabas si Snow at agad akong kinaladkad papalabas ng eskwelahan.
"Huy teka! Saan tayo pupunta?" tanong ko kinaladkad niya lang ako at mas binilisan pa ang pagtakbo.
"Huy! Snow! Ano ba!" sigaw ko.
"Shhh, we'll cut class! I'm craving for strawberry ice cream." Sabi niya.
I rolled my eyes. Wow, may gana pa siyang isabay ako sa pagcutting class niya eh hinahabol ko nga yung grado ko oh! Tapos, naku paano kung magkaroon ng suprise quiz sa econ? Naku, lintik na.
"Snow naman ee!" reklamo ko nang makarating kami sa parking lot.
Ngumiti lang siya sa akin at nagkibit balikat.
BINABASA MO ANG
The Heartless Gangsters
Teen FictionOn-Going || Jadine "Nine" Sarmiento never cared about the so called gangster group "Black List". Pero paano kapag siya na mismo ang nakagawa ng paraan para pumasok ang apat na HOT, ASTIG, GWAPO, MAYAMAN na Gangsters sa buhay niya? Magiging komplikad...