[24] Saturdate

37.7K 1.1K 94
                                    

#TeamIoDine muna tayo guys! :)

~*~

Chapter 24

Saturdate

~*~

Padabog kong kinatok ang pintuan ng condo ni Pierre. Malilintikan talaga siya sa akin kapag nalaman ko na siya rin ang may pakana nung mga ugok na lalakeng bubugbugin sana si Ezekiel. Pwede naman kasing hindi iyon gawin. Ano gusto niyang gawin ko? Magmukha akong dakilang superhero? FYI, gangster iyong kaibigan niya. Kahit siguro sampung lalake kaya nun.

“Pierre Andrew Montereal! Buksan mo ang pinto!” sigaw ko at mas nilakasan pa ang pagkatok.

Wala namang nagbukas ng pinto kaya kakatok pa sana ako ulit pero---

“Nine!” sigaw ni Ion.

Mas mabilis pa sa kidlat ang pagtalikod ko kay Ion at marahas na pinikit ang mata ko. Hindi ko mapigilang mapamura sa isip ko dahil sa gulat.

“Jedion Anton Aguilar!” sigaw ko.

Shete, isa rin itong lokong to! Unexpected. Nakakagulat rin. Paano ba naman, pagbukas niya ng pintuan, abs niya kaagad ang nakabalandra sa akin. Nakalimutan ko pala, kapag nasa bahay o condo lang ang mga ito mahilig silang magtopless. Kailangan ko atang masanay.

“Whoah, ito naman ang OA.” Natatawang sabi ni Ion.

Nakatalikod pa rin ako. Kainis to, hindi kasi ako sanay makakita ng abs. Papa ko wala naman ganyan tapos si Tres naman wala pang abs. Eh sila? High school pa lamang parang model na ng Calvin Klein ang mga abs ng mga ito!

“Che! Magbihis ka nga dun, kainis ang lamig lamig sa condo ni Pierre nakatopless---“

O.O

Halos lumuwa ang mata ko nang maramdaman ko ang katawan ni Ion sa likod ko. Para siyang naka-back hug sa akin dahil agad niyang tinakpan ang bibig ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpula ng mukha ko. Anak ng, Ion bakit ang lapit lapit mo sa akin?

“Hanggang kailan talaga ang daldal mo.” Aniya at tumawa.

Inalis ko naman ang kamay niya at hinarap siya pero nagsisi kaagad ako dahil ang lapit lapit ng topless niyang katawan sa akin at ang lapit lapit ng mukha niya. Sapilitan akong lumunok at napatitig sa kanyang mga mata.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong magiging ganito kami kalapit sa isa’t isa. Oo, matagal na kaming magkaibigan ni Ion. Siya nga ang knight in shinning armor ko hindi ba? Gwapo rin ang isang ito at mabait pero ni kahit minsan hindi ko siya nakita bilang isang lalakeng magugustuhan ko. Pero ngayon, sumagi sa isip ko kung bakit hindi. Nagkagusto ba ako kay Ion noon? Baka kasi oo at hindi ko lang iyon alam.

“You’re a lot prettier up close, Nine.” Seryoso niyang sabi sabay tingin sa akin ng malalim.

Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga ni Ion. Ang kinis ng kanyang mukha, mapupula ang labi at ang tangos ng ilong. Mas nagbibigay tingkad rin ng kagwapuhan ang kanyang mapupungay na mata at medyo kulot na buhok. Peronakapagtataka at hindi ganoon kasaya ang mga mata niya. Napataas ako ng kilay.Teka, bakit ko iyon nasabi? O-oy hindi ako nagtataksil kay Ezekiel! Loyal ako sa kanya, mygosh. Sadyang gwapo din tong isang to.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon