[35] Scandal

32.8K 1K 203
                                    



~*~

Pagod akong umuwi ng bahay, grabe ang sakit ng balikat at ng paa ko. Grabe pala yung pinagawa sa akin ni Pierre. Hay nako, may klase pa ako bukas oh, kaya kailangan ko na talagang matulog at magpahinga.

"Hoy panget, saan ka ba buong araw?" tanong ng Tres.

"Wala ka ng pake dun, chupe!" at agad tinapon ang unan pero nasalo niya naman ito, tss.

Lumabas naman agad ng kwarto si Tres kaya agad na akong naligo at nagbihis ng pantulog. Hindi na siguro ako kakain ng dinner dahil gusto ko na lang talagang matulog. Kailangan ko kaya ng beauty rest at sa wakas magkikita ulit kami ni Ezekiel my baby.

Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangang gawin bago ako matulog at pumunta muna sa underground site ng Skylight.

[Scandal]

Pierre Andrews Montereal and Jadine Sarmiento dating and has a child hidden?

Biglang nanlaki ang mata ko sa nabasa kong SCANDAL DAW. TEKA NGA, KAMI NI DEMONYO MAY SCANDAL?!

Mabilis ko naman iyong clinick, ang chaka wag niyong sabihin---

Isa-isa ko naman nakita ang pictures naming dalawa ni Pierre na nagkalat sa article. Puros ako yung nakangiti tapos yung mga litrato din namin na dala dala namin si Uno at mukha akong nagaalala. Pero may isang litrato na nakakagulat. Nakangiti si Pierre habang nasa likuran niya ako na nakangiti rin...

Teka nga teka nga, may fansite ba tong si Pierre at kung kahit saan pumupunta kailangan updated lahat? Tapos ang HD pa ng mga litrato oh, nakakahanga. Saan kaya sila nagtago? Bakit hindi ko napansin na may kumukuha ng litrato naming dalawa--- at bakit yun pa ang prinoproblema ko ngayon?!

I scrolled again at tinignan ang mga comments at halos hindi ko mabasa ng malakas. Puro hates at insulto natatanggap ko at ako lang! Ano ba yan, bakit binase nila sa pictures ang kumakalat na issue? Atyaka alam naman nilang si Aryesa yung girlfriend diba?

"Kaya ko pa bang pumasok?" tanong ko sa sarili.

Napailing ako, aba syempre naman! Matapang na yata ako ngayon, atyaka bakit ba ako magpapaapekto sa mga katulad nilang walang ginawa kung hindi ang humusga ng mga tao? Kailangan ko rin kasing palaging present sa klase dahil alam niyo na, kailangan kong makabawi sa mga grado ko.

And speaking of grado... hala nakita na kaya ito ni Ezekiel? MY GHAD BAKA ANONG ISIPIN NIYA SA AKIN.

Sinirado ko ang laptop at nilagay ito sa side table at napahiga, oh noes, kakayanin ko ba talagang humarap sa Skylight bukas? O di kaya kay Ezekiel? Kailangan ko bang magpaliwanag sa kanya? Hindi naman sa feeling boyfriend ko siya pero gusto ko lang malinaw ang pangalan ko sa kanya.

"Aish, kasalanan to lahat ni Pierre!" sigaw ko at tinabunan ang mukha ng unan.

Lagot ka talaga sa akin bukas demonyo ka! Kainis ka, kahit master kita hindi ako magdadalawang isip na sampalin ka sa galit at inis na nararamdaman ko. Tss, dahil sa pinanggagawa niya ako yung nadedehado dito eh.

---

Huminga ako ng malalim, this is it. Alam ko sa pagpasok ko sa magarang paaralan na ito ay masasakit na salita agad maririnig ko galing sa kanilang lahat. Mas magiging madumi ang pangalan ko at dahil iyon lahat kay Pierre---

"Wow, may gana ka pa talagang magpakita."

"Oo nga, whore."

Napapikit ako at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Hindi naman totoo yun kaya bakit ko sila lilingunin? Dapat sanay na ako sa kanila diba? Hindi na dapat ako nagpapaapekto.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon