[8] A B S

40.5K 1.2K 43
                                    

Action daw genre nito guys pero nasaan na ang action? Hahaha, mukhang matatagalan pa eh. 

~*~

Chapter 8

A B S


~*~

Nanginginig akong nakatayo sa may information's desk habang pinagsalikop ang aking mga darili.

"Welcome to Grande Towers, how may I help you?" ngiting tanong ng babae sa information desk.

"Uhm, Anong floor po ba ang jewal room?" tanong ko.

"May I know why are you asking, ma'am?" tanong niya.

"Pinapunta ako ni Pierre Montereal dito." sabi ko.

Tumango tango naman siya at may biglang binigay sa akin. Isa itong card na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito.

"Nasa last floor po ang jewel room, 18th floor. That card is the key to sir Montereal's condo." aniya.

Tumango naman ako at dumaretso na sa elevator. Pinindot ko na ang number 18 at naghintay. Naka navy blue jacket, faded pants at sneakers ako. Napagdesisyunan kong magbalot balot at baka may kung anong masamang gawin sa akin si Pierre. Mas okay na to para madaling makatakas, naka sneakers eh.

Bumukas naman ang elevator kaya lumabas nako dito. Nakapagtataka at tanging isang pinto lang ang nakikita ko dito sa buong floor.

"Wag mong sabihin na buong 18th floor ang condo niya?" bulong ko sa sarili.

Of course it's impossible. Ang yaman yaman ng isang to kaya nga spoiled brat. Tsk, swerte niya dahil sinusubo sa kanya ang kayamanan ng kanyang mga magulang. Samantala ako ay tinuturuan kung paano pahalagahan ang mayroon kami.

Pinaslak ko na ang card sa swiping machine kaya agad itong bumukas. Pumasok nako sa sinirado ang pinto. Namangha ako dahil masyadong malaki ang condo niya. Ang lawak ng sala at ang ganda ng interior ng kanyang kusina. Tapos may isang napalaking one sided glass window na kitang kita ang syudad. Pati nga ang SHS ay tanaw na tanaw dito. May pinaghalong earth colors ang disenyo ng kanyang condo kaya namamangha ako. May mga tatlo hanggang limang pintuan rin sa condo na mukhang mga kwarto. Grabe, ang laki talaga.

Nilapag ko ang bag ko sa sofa at sinubukang hanapin si Pierre sa sala o sa kusina niya.

"Hoy demonyo asan ka na ba?"

Nangilabot ako habang sinasabi iyon. Parang mismo ang demonyo ang tinatawag ko.

"Nasaan ba yun? Baka tulog pa?" tanong ko at umupo sa sofa.

Siguro tulog pa yun kaya hihintayin ko na lang siya dito sa sala.

Paiba iba ang posisyon ko sa pag upo sa sofa. Aish. Sampung minuto na akong naghihintay sa kanya. Ang aga aga ko kayang pumunta dito para hindi malate tapos ako pa pinaghihintay niya. Tsk.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon