[5] Long Time No See

47.6K 1.4K 72
                                    

Pambawi sa very short update ko last time. Thanks sa nagbabasa!

~*~

Chapter 5

Long Time No See

 ~*~

 Dalawang araw ko nang hindi nakikita ang Black List. Himala nga at hindi pa nila ako hinahunting. Umiiwas rin ako sa kanila kaya kadalasan ay nasa garden lang ako tumatambay. Nasabi ko na rin kay Snow kung bakit palagi akong missing in action pag lunch at break time.

"Kailan mo bang balak na magtago ha?" tanong sa akin ni Snow pagpasok ko ng clasaroom.

 Nagkibit balikat lang ako at tumabi na sa kanya kasama sa gitna.

"Hindi ko alam, Snow. Kapag naibsan na ang galit ni Pierre sa akin?"

 Napaface palm na lamang si Snow sa aking nasabi.

 "Hindi mo kilala si Pierre, Nine. Hindi yun titigil hangga't hindi ka niya nakikitang---"

 Biglang bumukas ng napakalakas ang pintuan ng clasaroom. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase kong babae, yung iba naman ay mukhang di na makagalaw sa pagiging startstruck.

 

"Omg, si Ion!"

 

"Shet, bakit siya andito?"

 

"Sinusndo niya ba ako?"

 

"Grabe ang gwapo niya."

 Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa lalake sa may pintuan. Nasa 5"10' ang tangkad, fair complextion, brown messy hair, mapupungay na mata, matangos na ilong, maninipis na labi at perpektong bone structure. May suot rin siyang itim na hikaw na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Suot suot rin niya ang kanyang mapanuyang ngisi habang nakapamulsa. Bigla akong napatayo sa gulat.

"Sinasabi ko na sayo---" hindi natapos ni Snow ang sabihin niya dahil bigla akong sumigaw ng napakalakas.

"Jedion Anton Aguilar?" sigaw ko.

 Bigla namang tumahimik ang buong klase at tumingin sa akin. Humalakhak naman si Ion sa ginawa ko at kumaway.

 "Long time no see. Grabe, ang panget mo pa rin." sabi niya sabay pakita ng kanyang pilyong ngiti.

 Patakbo akong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap. I miss this guy so much. Anim na taon ko rin itong hindi nakita.

 Rinig na rinig ko ang mga singhap ng mga kaklse ko. Ang lalakas rin ng bulungan nila. Natawa naman ako at kumalas na sa pagyakap. Gwapo kasi tong si Ion idagdag mo pa na matalino ito kaya marami talagang hahanga.

 "I miss you." sabi ko sabay ngiti.

 

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon