[25] Girlfriend for a Night

38.4K 1.3K 173
                                    

~*~

Chapter 25

Girlfriend for a Night

 ~*~

 "GIRLFRIEND?" Gulat kong sigaw sa harap niya.

 Napapaypay ako sa sarili ko gamit ang aking kamay. Hindi ko kinaya ang joke na sinabi ni Ion. Walang wala sa joke ni Pierre na gwapo daw siya.

"Yes, I need you to---"

 "Nabubuang ka na ba? Ako gawin mong pretend girlfriend? Huy, Jedion nasa realidad tayo! Di yan uso." Pagsingit ko sa kanya.

Shunga ba ang isang ito? Pretend girlfriend? Shet, ang cliche ng lokong to! At ako pa talaga ang napili niya. Eh NBSB akong tao. Wala akong experience sa mga ganyan. Ugh.

 "Just for a night, Nine. You know, there's this girl who is uhm.. obsess with me and I want to get rid of her." Pagpaliwanag sa akin ni Ion.

 "Edi patayin mo!" Histerikal kong sigaw sa kanya.

 Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko kaya natawa na lang ako at nag-peace sign. Kaya niya ba yun? Kasi ang alam ko, sa mga libro ang ibang gangsters ay pumatay. Hehe.

 "Joke lang. Pero seryoso, ako maging fake girlfriend mo? NBSB ako, Ion!"

 Narinig ko namang bumuntong hininga si Ion. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. Agad ko naman itong binawi at pinitik siya sa noo.

 "Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Ion." wika ko sa kanya at sinubukan siyang patayuin.

 "I won't stand until you say yes." Pagmamatigas niya at hinawakan ulit ang dalawa kong kamay, this time ay napakahihpit.

 Bigla akong namula sa ginawa ni Ion. Hindi dahil sa kinikilig ako (medyo lang) pero dahil sa kahihiyan. Pinagtitinginan na kasi kaming dalawa dito sa boutique. Yung iba ngumingiti, ang iba naman kinikilig. Sige, kayo na lang sa posisyon ko, gusto niyo?

 "Are you going to help me or not? Kasi kung not mageeskandalo na ako dito na binasted mo ko." Mahina niyang sabi na sakto lang na ako ang makakarinig.

 Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya ng napakatamis sa akin! Kasi alam niya na sa mga oras na ito ay panalo na siya. Alam niya kasing ayaw ko ng atensyon ng mga tao at mabilis akong mapressure.

 "So ano na?"

 I heaved a sigh and slowly nod my head. Nakakainis, hindi ako handa sa mga ganitong kalokohan. Okay na yung kay Pierre, may kagaguhan rin pala tong si Ion.

 "She said yes!" Sigaw ni Ion at mabilis na tumayo para yakapin ako.

 Napatili naman ako sa pagyakap niya at medyo pagbuhat niya sa akin. Nagpalakpakan naman ang mga nakasubaybay sa peke naming ligawan ni Ion. Anak ng, ang hilig ni Ion gumawa ng eksena.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon