[29] Nose to Nose

39.1K 1.3K 271
                                    

Expect typos and all. huhu wala pong edit ito. Pasensya na po! Love you all, hope you'll enjoy this update. Dapat may kiligin!

~*~

Chapter 29

Nose to Nose

~*~

Alam niyo yung pakiramdam na nakahiga ka sa mala ulap na kama at pakiramdam mo lumulutang ka? Tapos naka paligid pa ang mga gangsters na mala adonis ang kagwapuhan. Kasi ako nararamdaman ko ito ngayon. Feeling ko kukunin na ako ni Lord dahil sa biyayang ibinigay niya sa akin.


"Grabe ang saya mo talaga." Sarcastic na sabi ni Pierre.


Nilingon ko naman siya at agad binelatan. Wala kang say ngayon master. Dyan ka sa sofa mo matutulog! Buhay prinsesa ang peg ko ngayon gabi.


Ako lang kasi ang hihiga sa king-sized bed ni Pierre. Ang tatlo (Ion, Ezekiel and Isaiah) naman ay sa sahig matutulog gamit ang sleeping bags. Si Ezekiel sa kaliwa, si Isaiah sa kanan at si Ion sa may paanahan ko. Si Pierre, ayun nasa sofa niya na nasa bandang kaliwa rin.


"Good night, boys!" Sabi ko at inayos na ang sarili sa kama.


Nag good night namam sila pabalik sa akin maliban kay Pierre. Tss, pati good night hindi masabi! Ang sama talaga.


Pinikit ko na ang mata ko para makatulog. Tomorrow would be a good day for me!

Sa gitna ng tulog ko ay bigla akong naalimpungatan nang may narinig akong lumabas ng pintuan. Minulat ko naman ang mata ko at napabangon sa kama. Nilingon ko ang Black List at nakitang wala si Ezekiel sa kaliwang sahig. Siya ata yung lumabas.


Bigla akong napangiti. Lol ewan ko, 3 a.m. thoughts are so weird. Dahan dahan akong gumulong papunta sa sleeping bag ni Ezekiel. Kunware nahulog raw ako. Hihi ang harot ko pala pag 3 a.m. Mwehehehe.


Bigla ko naman narinig ang pagbukas ng pinto kaya agad kong pinikit ang mata ko at nagkunwaring tulog.


"Ang kulit matulog..." Rinig kong bulong niya.


May bigla naman akong naramdamang tumabi sa kanan ko kaya medyo umusog ako. Shet, ang hirap magpigil ng kilig. Walang pangarap ang hindi natutupad sa taong madiskarte! Thank you 3 a.m. thoughts. Sa uulitin.


Tumalikod ako kay Ezekiel at hindi na napigilang ngumiti. Umighad, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sarap tumili pero kailangan ko ng matulog.


Mahimbing ang tulog ko nang may naramdaman akong mabigat sa may binti ko at parang may nakayakap. Hindi ko ito pinansin dahil pagod na akong imulat ang mata ko ulit.


"Tulog mantika talaga." Bulong ng isang tao.


Kumunot ang noo ko at biglang nag flash sa panaginip ko ang mukha ni Pierre. Anak ng tokneneng naman pati sa panaginip nagpapakita! Lungya.


Unti unti kong naramdaman ang bigat sa pakiramdam ko. Ewan ko ba, kanina hindi naman mabigat—-


The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon