[23] Wrong Address

35.3K 1.1K 59
                                    

Chapter 23

Wrong Address

~*~

"Ate naman, bakit ako pa kailangang magturo sa iyo?" Tanong ni Tres habang kinakamot ang ulo niya.

Nakaupo ako sa kama habang bukas lahat ng libro ko. Si Tres naman ay naiinip na nakaupo sa mini sofa. Humihingi kasi ako sa kapatid ko ng tulong dahil dalawang linggo na lang ay exams na. Kailangan kong matuto ngayon pa lang!

"All-in-one ka kasi kapatid ko! Kaya tulungan mo na ako please?" Pagmamakaawa ko.

Ngumiwi si Tres sa ginawa ko at agad akong tinapunan ng throw pillow.

"Yuck! Gumanda nga kaso kinakalawang pa rin ang utak." Aniya at nagpigil ng tawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinapon pabalik aa kanya ang throw pillow. Bait talaga ng kapatid ko, ang sarap ipakain kay lotus feet.

"Che! Umalis ka na nga. Di ka nakakatulong." Ani ko.

Nagkibit balikat naman si Tres at agad tumayo sa sofa. Pero bago pa man siya umalis ng tuluyan ay huminto siya sa may pintuan at nilingon ako.

"Magpatulong ka na lang kay Kuya Ion. Tutal magkaibgan nanaman kayo ulit." Aniya bago lumabas ng tuluyan.

Tumango naman ako. Tama! Magpapatulong na lang ako kay Ion bukas tutal Sabado naman . Hindi naman siguro iyon busy bukas hindi ba? Bibisitahin ko na lang siya sa bahay nila.

Pero teka. Nasaan ba bahay nila? Aish, nu ba to.

"Ah, tatanungin ko na lang si Snow. Matagal na rin siya sa SHS at medyo fangirl ng Black List kaya sigurado akong alam niya kung nasaan nakatira si Ion.”

Kinuha ko na ang cellphone at agad dinial ang number ni Snow. Sa ikalawang pag-ring ay sinagot naman ito kaagad ni Snow.

"Bakit ka napatawag Nine?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Ion ngayon? May kailangan kasi ako sa kanya."

Matagl tagal pa bago nakasagot ulit si Snow sa akin. Mukhang iniisip pa kung nasaan nakatira yung ugok na iyon. Naku, sana tulungan ako ni Ion sa academics ko.

"Uhh... hindi ko alam. Pero may hula ako na nasa condo siya ni Pierre. Dun kasi parating nakatambay ang Black List pag weekends." Aniya.

Ngumiwi ako. Sa condo ni Pierre? Hindi ko akalain na babalik pa ako dun sa impyernong iyon. Kainis.

"Sigurado ka ba?"

"Yup, I have sources remember?" Aniya at tumawa.

I rolled my eyes kahit hindi niya naman ito nakikita. May sources raw siya pero hindi niya alam kung nasaan ang bahay ni Ion? Ang weird.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon