[18] It's a Deal

36.6K 1.1K 79
                                    

Chapter 18 
It's a deal

~*~

Nababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko haharapin si Pierre pagkatapos kong magluto. Nakakahiya yung sinabi ko, aish. Paano kung sasabihin niya ang nasabi ko kay Ezekiel? Paano yun?

"Ang tanga mo talaga Sarmiento!" Ani ko sabay pukpok ng akin ulo.

"Miss Sarmiento, malapit na po ba daw iyan matapos tanong ni young master." Tanong ng kanyang butler.

 ̄ˍ ̄

Oo, feeling nasa kdrama lang ang peg ko rito. Young master daw? Hahaha. Tapos may butler pa? Aba matinde!

"Ah yes po, malapit na po." Ani ko.

Hinanda ko na ang sopas para sa aking master. Tss, kaya pala mahilig to sa mga master master eh totoong master siya.

Pero kahit ganun namomroblema pa rin ako sa sinabi ko kanina kay Pierre. Sana hindi niya seryosohin or narinig ang sinabi ko sa kanya. Please lang.

Napasinghap ako ng nasa tapat na ako ng kwarto ni Pierre. Oo aaminin ko nahiya talaga ako sa sinabi ko. Sino ba hindi? Best friend niya yung sinasabi kong crush ko tapos hindi pa kami bati. Naloko na mabubuking talaga ako nito.

Pero aish bahala na. Magkukunware na lang ako na hindi ko iyon sinabi sa kanya.

"Soup delivery!" Ani ko at pekeng ngumiti.

Lord sana hindi niya iopen up ang topic. Please lord please.

"Then feed me, annoying creature!" Ani niya at umupo sa kama.

Napangiwi naman ako ng bumungad sa akimg harap ang kanyang sparkling abs. Mahilig talaga ang isang itong mag topless. Oo nakakalaway pero naiinis ako kasi may sakit tapos topless ng topless.

Nilapag ko muna sa side table ang dala kong tray at lumapit sa kanyang closet at binuksan ito.

"Hoy anong ginagawa mo dyan? Diba sabi ko pakainin mo ko---"

"Pwede wait lang? Tss." Ani ko at kumuha ng isang plain gray shirt at agad itong tinapon sa harapan niya.

"Ano to?"

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"T-shirt hindi ba obvious? Suuotin mo yan bawal topless dito!" Sigaw ko at kinuha na ang sopas niya.

Umupo ako sa tabi niya at sinasamaan pa rin siya ng tingin. Aba't wala ba talaga tong planong magbihis?

"Tss, this is my house, my room, my rules---"

"Ang tigas ng ulo mo! Kaya hindi gumagaling kasi nakatopless ka tapos ang lamig lamig dito! Baliw lang ang peg? Dali na kasi, magbihis ka na para ipakain ko na sa iyo tong lason este sopas, master." Ani ko at ngumiti ng peke.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon