[10] Below the Belt

37.3K 1.2K 38
                                    

Hello sa mga new readers! Comment kayo ha para mabigyan ko kayo ng dedications! Hihi, nakaktuwa at marami ng nagbabasa ng THG.

~*~

Chapter 10

Below the Belt

~*~

"Nine, hindi mo ba talaga ako papansinin?"

Patuloy lang ako sa subo ng pagkain habang nilalagpasan ng tingin si Snow. Kanina niya pa ako kinukulit at pati ngayon na lunch time na ay hindi niya ako tinatantanan.

"Nine! Ano ba!" sigaw niya.

Napailing na lang ako at tumungo. Hindi ko talaga kayang isugal ang meron kaming dalawa para maipahamak siya. Gusto ko man maging kaibigan siya ngunit kaming dalawa lang ang mahihirapan.

"Look, Alam ko namang iniiwasan mo ako dahil ayaw mo akong mapahamak. I get it, Nine. Iyon ang intensyon mo pero sana naman wag mo kong iwasan. I'm your friend. Malamang dadamayan kita. Wag kang OA dyan at magfeeling superhero at gusto akong ilayo sa kapahamakan. I can handle myself, Nine." sabi niya at biglang ngumuso.

Napangiti ako sa sinabi ni Snow at tumango. Ang kaibigan ay parating andyan para sa isa't isa. Hindi lang kasi ako sanay sa ganito. May naging kaibigan rin ako pero tinalikuran lang ako.

"Pasensya na." sabi ko.

"Great, friends ulit tayo! From now on you'll be my bestest friend. Kasi kahit marami akong tinuturing na kaibigan marami pa ring nagpaplastikan." Aniya at humalukipkip.

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kami ni Snow naglakad papuntang classroom. Titig na titig naman si Snow sa buhok ko na puno ng chalk dust.

"Wala kang balak magayos?"

Umiling naman akot ngumingiti.

"Para saan pa? Uulit ulitin lang naman ito sa akin."

Bago pa makapagsalita si Snow ay may biglang lumipad na hilaw na itlog sa uniporme ko dahilan para ma matsyahan ito.

"Oh my gosh, Nine!" sigaw ni Snow at napatakip ng bibig.

"Snow, okay lang ako. Wag kang magalala." sabi ko.

"Seryoso ka ba? May mantsa nang uniform---"

"Kaya ko to, Snow. Wag ka na ngang magalala kung hindi iiwasan ulit kita."

Napanguso na lang si Snow at pinandilatan ang nagtapon ng itlog sa akin. Agad naman umirap ang estudyante kay Snow at umalis na rin.

"Aish, kailan man ay hindi ako sumang ayon na batas ang Black List. Pero ano pa ba magagawa ko? They're too powerful."

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon