[42] Doubts

67.1K 2.3K 3.1K
                                    


~*~

Doubts

~*~

Pabalik balik akong naglakad sa kwarto ko habang sinusubukang tawagan si Ezekiel. Ano ba yan! Kanina pang not attended ang lalakeng iyon! Tapos ako yung nagaalala ng sobra sobra dito. Ano ba naman kasi yun? Tinanong ko naman si Snow pero ayaw niya akong sagutin. Ano ba kasi talaga ang sikreto ng mga ito?

Bigla namang nagring ang cellphone ko at agad ko naman itong sinagot!

"Ezekiel ano ba! Kanina pa ako---"

"Sorry to f-cking disappoint you."

Bigla akong natahimik at tinignan ulit ang phone screen at nakitang si Pierre pala ito. Napanganga ako at hindi makapaniwalang tumatawag siya ngayon. Eh dalawang linggo na kaming hindi nagpapansinan ah!

"A-anong kailangan mo?"

Medyo kinabahan akong magsalita at baka bigla bigla niya na lang akong murahin ng sobra sobra o pagalitan.

"Meet me at the cafe near our school."

Tinaas ko naman ang kilay ko. Teka,diba sabi ni Ezekiel kasama niya ang Black List ngayon?

"Ahm, kasama mo ba si Ezekiel?" tanong ko.

"No."

"Ahhh... baka hindi natuloy." Bulong ko sa sarili pero parang narinig naman ni Pierre ito.

"Ano ang hindi natuloy?"

"Yung plano niyong night out. Baka kasi dahil sa nangyari kaninang hapon---"

"We didn't plan anything for tongiht."

Bigla akong natahimik at medyo nagtaka sa sinabi niya. Hindi nagplano? Pero yun yung sinabi niya sa akin. Na may plano silang Black List ngayon. Atyaka, hindi naman siguro magsisinungaling yung tao sa akin.

"Eyyy, may plano kayo! Yun sabi ni Ezekiel sa akin eh."

Natahimik naman ang kabilang linya at hindi na ako sumagot. Huminga ako ng malalim at tumango kahit hindi naman ako nakikita.

"Sige, papunta na ako dyan." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Habang sinsuot ko ang jacket ko ay hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ni Ezekiel at pati na rin ang sinabi ni Pierre. Bakit ganoon? Sigurado naman akong sinabi niyang may plano ang Black List. O baka sa ibang araw iyon? At mali lang yung narinig ko. O baka naman nagsinungaling si Pierre.

Napapikit ako ng mata. Tama, baka sinisiraan lang kami ni Pierre dahil walang lovelife ang isang iyon. Di pa kasi talaga nakakamove-on ang isang iyon dahil kay Aryesa. Ang galing ano? Yung kinakatakutan na gangster sa Skylight na playboy ay heartbroken.

Pumara na ako ng taxi sa tapat ng bahay para mas mapadali ang pagpunta ko ng cafe. Hindi nagtagal ay agad naman akong dumating kaya nagbayad na ako at bumaba para makipagkita kay Pierre.

Kinakabahan ako kung bakit tinawagan niya ako at niyayang mag kape. Atyaka hindi naman kami magkaibigan para yayain niya ako. Atyaka—

Bigla akong nagulat nang makita si Pierre na may dalang boquet. Teka, anong nangyayari dito? May plano ba siyang magt-tapat? Wait, medyo naguguluhan ako sa nangyayari ngayon.

Napatingin naman si Pierre sa direksyon ko at agad tinaas ang kilay niya. Nanginginig naman akong lumapit sa table niya. Teka lang, hindi ako handa sa nangyayari ngayon. Atyaka naka pambahay lang ako oh! Nagsuot lang ng jacket para hindi masyado obvious. Tapos heto si Pierre may handang bulaklak para sa akin---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon