[36] Turned Tables

29.7K 1.2K 292
                                    



~*~

Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng malalim habang pauwi ng bahay. Bakit ganun si Ezekiel kanina? Hindi ko maintindihan kung ano yung iniisip niya o di kaya nararamdaman. Wala ba siyang pake sa akin? Diba friends na kami? Eh diba, ngumingiti na siya sa akin? Tapos may pa knowing you more change everything about us? Ay ano ba yan, binobola ba ako ng lokong yun?

"What are you thinking?"

"Huh?"

Napalingon ako kay Ion na nagmamaneho papunta sa bahay para ihatid ako.

"Ang layo kasi ng tingin mo, parang ang lalim ng iniisip mo ngayon ha?" tanong niya.

Umiling naman ako. Malalim talaga, iniisip ko lang naman ang kaibigan mo pero syempre hindi ko masabi sa iyo ang tunay na nararamdaman ko para kay Ezekiel, ang weird kaya. Baka bigla na lang sabihin ni Ion kay Ezekiel.

"Ah, wala to." Sabi ko

Huminto naman sa pagmaneho si Ion nang makarating na kami sa tapat ng bahay.

"We're here."

Nagpasalamat naman ako sa kanya at baba na sana pero hinawakan ni Ion ang braso ko at nilingon ako s kanya.

"Sura ka bang hindi ka mapapagalitan ng magulang mo sa kalagayan mo ngayon?" pagaalala niya.

Binigyan ko naman siya ng isang matamis a ngiti at tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Kumalas naman siya at tumango.

"Hey, okay na talaga ako. Atyaka don't worry, wala sina mama at papa ngayon may business trip sa Iloilo kaya safe ako." Sabi ko "Sige una na ako, salamat ulit."

Bumaba naman ako ng sasakyan at hinatid ng sundo ang papalayong sasakyan ni Ion bago pumasok ng tuluyan ng bahay.

"Tres andito na ako!" sabi ko pero walang sumagot, ay baka hindi pa dumadating ang kapatid ko.

Umakyat naman ako papuntang kwarto at nagbihis na ng pambahay, wala nanaman kasi akong ganang kumain ngayong gabi eh paano ba naman si Ezekiel ginugulo ang isip ko.

"Ano bang problema ng isang iyon?" tanong ko at humiga na sa kama.

Kasi kung ako ang tatanungin sasabihin ko talaga sa sarili ko na nagseselos siya sa amin ni Pierre eh, baka nakita niya siguro kung gaano ako kasaya, obvious naman na hindi, pero dun sa pictures kasi masaya ako pag kasama si Pierre. Naku, see? Delusional at its finest talaga yung ginagawa ko eh, kaya hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip ng isang iyon.

"Pero paano kung totoo?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko mapigilang ngumiti mag-isa. Shet, bakit ang kapal ng mukha ko para isipin yun? Haha, nasobraan ata yung pagtama ng mga kaklase ko ng itlog sa ulo ko. Medyo naging mas baliw na ako kay Ezekiel ngayon.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko kaya agad ko naman itong dinungaw at tinignan kung sino ang nagtext. Hindi ko napigilang tumili nang makitang si Ezekiel ang nagtext. Ay packing tape, nagtext siya! Hala, teka bubuksan ko muna kung ano ang nakabasa.

From: Ezekiel Blaine Fuentabella

Still up?

Malamang still up! Eh ala-sais pa naman ng gabi, Ezekiel. Ano gusto niya? Tulog na ako pagkauwi ko? Di pwedeng magtoothbrush pati magbihis? Hay nako! Pero infairness, kinikilig ako. Gusto niya akong katext. Pero syempre, may inis ako ng konti dahil sa pagdedma niya sa akin kanina. Nu ba yan, akala ko ba friends na talaga kami? Paasa naman oh.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon