[33] Boys over Flower

34.2K 1.2K 205
                                    

~*~

Chapter 33

Boys over Flower

~*~

"You really have to pass next time, Nine!" sigaw ni Snow sa harapan ko.

Tila ba parang hangin lang ang sinisigaw sa akin ni Snow at parang hindi ito nailalagay sa utak kong kinakalawang na. Paano ba naman, nawala na yung inspirasyon ko! Isang linggo ng absent si Ezekiel. Nakakaiyak naman.

"Hindi ko na kaya." Sabi ko sabay ub-ob ng ulo sa upuan ko.

Hindi ko akalaing maibabagsak ko lahat ng quizzes ko sa lahat kong subjects sa isang linggo! Iba na talaga ang epekto ni Ezekiel sa akin, bilang siya ang inispirasyon ko, para magpursigi sa pag-aaral. Tapos heto, nasa ibang bansa nagbabaksyon! Hindi man lang ako sinama!

"Anong hindi mo na kaya? Nine naman!" sabi ni Snow at tinapik ang likod ko. "Kaya mo yan."

Hays. Palibhasa matalino ka na. Paano naman ako?

"Si Ezekiel oh." Biglang sigaw ni Snow.

Kaya agad ko naman binangon ang ulo ko at nagpalinga linga sa paligid ko. Dun ko na realize na hindi iyon mangyayaring andito sa teritoryo ng section namin si Ezekiel. Siya pa eh star section yun.

"Snow naman eh! Paasa!" sigaw ko sabay sapak sa kaibigan ko.

Bigla naman siya humagalpak sa kakatawa. May pa pahid pahid pa ng luhang nalalaman tong isang to.

"I'm just kidding! Puro Ezekiel na lang kasi talaga ang nasa utak mo." Sabi niya sabay pitik ng noo ko.

Ngumuso naman ako. Masisi mo ba ako Snow? Eh gusto ko yung tao eh! Tss, palibhasa walang sinasabi sa akin kung sino ang gusto kaya hindi kita naasar eh.

"Miss ko na kasi!" sabi ko at humalukipkip.

"Relax, makikita mo din siya soon." Sabi ni Snow at kumindat sa akin.

Ngumiwi naman ako. Ah basta, pagnakita ko ulit si Ezekiel yayakapin ko talaga siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na konting push na lang ay malalaman na nyang may gusto ako sa kanya. Tss, at sana sa pagbalik niya move on na siya kay Aryesa! Eh inlababo yun kay Pierce eh, heto namang si Pierce inlababo din kay Aryesa edi bagay sila. Dapat kami rin ni Ezekiel ano? Bagay. Inlababo sa isa't isa.

"Mysterious Prince is back! Mysterious prince is back!"

Agad pumalakpak ang tainga ko nang marinig ko ang sigaw ng babae. Mysterious prince? Omo, si Ezekiel yun! Siya ang Mysterious Prince!

Agad akong tumayo sa upuan at kumaripas ng takbo papalabas. Bahala na si Snow sa loob basta kailangan kong makita si---

"Ay kabayo!" sigaw ko ng bigla akong nadapa dahil natapakan ko ang sarili kong paa.

Nakarinig naman ako ng mga tawanan sa paligid. Packing tape, nakakahiya naman! Ang gusto ko lang ang makita ang prince charming ko pero heto ako ngayon ginawang clown ng mga estudyante.

"Ayan kasi tatanga tanga." Rinig kong sigaw ng isang babae.

"Gumanda nga pero yung utak kinakalawang pa rin." Sabi naman ng isa.

To naman. Nadapa lang ako oh, pero sobrang lait na ang natanggap ko. Grabe talaga ang cctv camera nilang lahat, record na record na nadapa ako pati utak ko tinarget na nilang bantayan.

"Should I be your personal knight in shinning armor from now on?"

Bigla akong nanigas at unti unting tumingala sa lalakeng nagsalita sa harap ko. Sa harap ko, nakatayo si Ezekiel na nakangiting nakatingin sa akin. Seryoso? Ngumingiti si Ezekiel sa harap ko. And here's the catch! Grabe, yung oh so black hair niya ay bigla na lang napalitan ng red. De joke lang. Yung tainga niya pala may isang makintab na diamond na naka pierce dito. Tapos mas gumwapo pa dahil sa bagong hairstyle niya.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon