[20] I Don't Need You

39.6K 1.2K 74
                                    

Ay unti unting rumarami ang readers ng THG! Naks, maraming salamat. :* 

~*~

Chapter 20 
I Don't Need You

~*~

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at tinagilid ang aking ulo. Hindi pa rin ako sanay na ganito ang itsura ko. Wala na akong ganoong tigyawat sa mukha at hindi na rin buhaghag o kulot ang buhok ko. Medyo nagiba na rin ang mga suot ko simula nung binilhan ako ng mga bagong damit ni Pierre.

Ngayon nga na naka uniform ako ay nagsuot rin ako ng black jacket na bumagay sa suot ko. Magsusuot rin ako ng aviators mamaya. Utos kasi ni master.

"Tama na nga yan sa kakatingin mo dyan sa salamin ate. Wag kang assuming na dyosa ka na ha." Biglang sabat ni Tres sa may pintuan ko.

Ngumiwi ako sa sinabi niya at nilapitan siya. Agad kong pinisil ang ilong ni Tres at tumawa.

"Asus, ang sabihin mo nagagandahan ka na sa ate mo!" Ani ko.

Binelatan na lang niya ako at nauna ng bumaba ng hagdan. Kinuha ko muna ang bag ko bago bumaba na rin ng hagdan.

"Good Morning!" Bati ko sabay beso sa mama at papa ko na nakaupo na sa hapag kainan.

"Good Morning, beautiful." Bati ni dad sa akin.

"Ay di na raw biro ang sinabi ni dad sa iyo ate." Ani ni Tres at humagalpak na sa kakatawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan. Walang kwentang kapatid! Nanlalait! Parang si Pierre! Bagay sila.

"Tres stop that." Saway ni mom. "Nine, alam mo bang ang saya saya namin ng papa mo nang napagdesisyunan mong uhmmm... medyong mag ayos." Ani ni mama at ngumiti sa akin.

Nagpasalamat ako at sabay na kaming nag breakfast lahat. Ang saya dahil ngayon araw ay kumpleto kami. Paminsan na lang kasi kami nagkakaroong ng ganito dahil palaging nasa business trip si dad. Mabuti na lang ngayon at hindi ganun tight ang schedule niya.

Pagkatapos kong magbreakfast ay naghanda na ako para sa pagpasok. Nagpapahatid pa rin ako sa driver namin dahil hindi na raw ako pwede magscooter ani ng magaling kong master. Kaya ayun, kahit ayos na ang scooter ko ay tambay pa rin ito sa garahe. Si Tres naman ay sumabay na kay dad papuntang school kaya solong solo ko ang sasakyan ngayon.

Nang makarating kami sa harap ng school ay huminga ako ng malalim. This is it, Nine. Kailangan mong ipakita sa demonyo mong master na kaya ka ng pansinin ni Ezekiel. Sayang naman yung effort ni master pag hindi ako napansin ni Ezekiel sa lagay na ito.

Sinuot ko na ang dala kong aviators at nagpasalamat na kay manong driver bago lumabas ng sasakyan. Kitang kita ko ang ibang mga estudyanteng napapalingon sa akin at mukhang nagtataka. Bumuga ako ng hangin at buong lakas na naglakad na nakataas ang noo. Confidence, Nine! Confidence!

"Who's that? Bago?"

"Damn it, ang hot niya!"

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon