Chapter 16
~*~
Naging usap usapan nanaman ako nung Lunes dahil inalis ulit ni Pierre ang pangalan ko sa black list. Takang taka ang lahat dahil sa ginawa ni Pierre. Ang hindi alam ng lahat ay may kapalit pala ang lahat ng ito. Mabuti na lang at hindi pa ito sinasabi ni Pierre sa buong paaralan.
"Hindi namin alam what's with you na Pierre make tanggal ulit your name on the black list." Ani ni Eula, ang tinuturing kong #1 hater ko at #1 fan ni Pierre. Tsk.
Hindi ko sila inimikan at patuloy pa rin sa paglalakad. Wala na akong pake sa kanila dahil hindi na nila ako magagalaw pa. Titiisin ko na lang rin ang pagiging alalay ng demonyong iyon.
Excited rin akong pumasok ngayon dahil papasok na si Snow. Sabi niya na okay na raw siya kaya keri na niyang pumasok ngayon.
Ah, naikuwento niya na rin sa akin yung tungkol kay Aria. Nalaman kasi ni Snow na si Aria pala ang may dahilan sa mga nagkalalat na masasamang chismis sa kanya nung nasulat ang pangalan ni Aria sa black list ay nagkatyempo siyang paalisin ito ng SHS.
"Nung nakaalis na si Aria ay nagsisi talaga ako nun. Kasi tinuring ko pa rin siyang best friend. Nadala lang talaga ako sa galit noon."
Naiintindihan ko naman ang side ni Snow kaya wala na akong karapatang humusga ngayon.
Nakapagusap na rin kami ni Snow tungkol kay Ezekiel at masaya ako dahil sinabi niya ang gusto kong marinig.
"Family friends lang talaga kami, Nine. Hindi naman kasi kami ganun ka close sa isa't isa. Ni hi o hello hindi ko natatanggap sa school. Atyaka, nakakaloka ang iniisip mo ha! Wala kaming past. Iba kaya ang gusto ko."
Iyan ang sinabi niya sa akin. Kitams, sino ang hindi matutuwa niyan?
Masaya rin ako dahil makikita ko na ulit si Ezekiel ngayon. Alam ko namang walang mga meaning ang mga aksyong ginagawa niya para sa akin pero ito ay nagbibigay pa rin ng dahilan para kilalanin ko pa siya ng sobra sobra.
"Bumalik na raw galing Canada si Aryesa." Bulong ng isang babae.
"Omg, sila pa kaya ni Ezekiel? I heard that Pierre is pursuing her." Ani ng isa.
●︿●
Tama ba yung narinig ko? May girlfriend pala si Ezekiel? Pero bakit? Bakit?
Atyaka sino si Aryesa?!
"Nine!"
Napalingon ako sa tunatakbong si Snow papalapit sa akin. Nang makalapit na siya ay agad ko siyang kinaladkad sa garden kung saan walang tao dito. Kilala niya si Ezekiel kaya alam kong may alam siya tungkol dun kay Aryesa.
"Nine? Okay ka lang?"
"Snow, sino si Aryesa?"
BINABASA MO ANG
The Heartless Gangsters
Teen FictionOn-Going || Jadine "Nine" Sarmiento never cared about the so called gangster group "Black List". Pero paano kapag siya na mismo ang nakagawa ng paraan para pumasok ang apat na HOT, ASTIG, GWAPO, MAYAMAN na Gangsters sa buhay niya? Magiging komplikad...