[34] Lost & Found

30.2K 1.1K 113
                                    

~*~

Alam niyo ba yung pakiramdam na sobrang sobrang inip ka na sa kahihintay sa taong ayaw mong makita? Teka, may ganon ba? Pero oo, yun ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko isa akng tangang babaeng naghihintay sa isang gwapong demonyo na ang hatid lang naman sa akin ay ang inisin ako at gawin akong alalay. Bwisit, remind me again why I become his slave? *naks english yun ha!*

"Feeling babae din ang demonyong yun eh." Bulong ko sa sarili

Grabe, hindi ba alam ng baklang yun na isang oras na akong naghihintay sa harap ng grocery? Ano siya siniswerte para gawing dalawang oras---

"Takte, ang gwapo oh."

"Huy beshie, sino yan?"

"Himala, may totoong gwapo na akong nakita sa mall."

"Kingina, sino yan?! Ba't ang gwapo?"

Bigla kong nilingon ang direksyon ng mga bulungan at tilian ng mga babae at medyo kinilabutan. Teka te, may ganun talaga? Tilian? Parang nakakita ng artista?

"Ano bang pinunta ng isang to? Groceries o meet and greet?" naka-meywang kong sabi habang nakatingin kay Pierre na naglalakad papunta sa akin.

Tinaas ko ang kilay ko, naka white polo shirt at black shorts pati tsinelas lang ang isang to pero pinagtitilian na ng babae? Hu my ghad, anong kababalaghan ang meron sa demonyong ito?

"Himala at naka-tsinelas ka lang."

Bored akng tinignan ni Pierre at tinaasan ng kilay.

"Anong gusto mo? Naka leather shoes ako habang bumibil ng groceries?"

Nagkibit balikat naman ako at tumango tango.

"Pwede pwede para magmukha kang tatay ko." Sabi ko

Bigla niya naman tinusok tusok ang noo ko kaya agad ko itong hinampas. Rinig na rinig ko naman ang ga bulungan ng babae sa paligid namin pero grabe ang isang ito parang wala lang sa kanya. Eh ako? Ayun feel na feel ko paglapit ni Pierre sa akin. Sige lang, mainggit kayo sa beauty ko dahil kasama ko gwapo!

"Hindi ako papasa bilang tatay mo, ang gwapo ko kaya."

Bigla akong lumayo at agad nagpaypay ng sarili.

"Ang hangin!" sigaw ko at agad tumawa.

Agad namang kumunot ang noo niya kaya mas tumawa pa ako. Alam niyo sanay na sanay na ako sa pag kunot ng noo niya, pero ang nakakatuwa lang duon sa pagkunot ng noo niya ay mas gumagwapo siya. Ah yes, may ganyan talagang mga tao.

"Tss." Sabi niya at agad pumasok ng grocery store.

Naku, itong demonyo talagang to! Ang init ng ulo at madaling mapikon, sarap tuloy niyang kurutin pero nah nakakatakot pa rin siya.

Sinundan ko naman ang aking demonyong master sa groceries at kumuha na ng cart. Hmmm, nung wala pa kaya ako siya lang kaya ang bumibili ng groceries? Hindi ba siya pinapadalhan ng pamilya niya? Kasi parang nakakaawa naman siya tignan, palaging mag-isa.

"Master, ikaw ba talaga ang bumibili ng groceries mo?" tanong ko habang sumusunod sa kanya sa likuran.

"Sometimes." Tipid niyang sabi at naglagay ng kung anu-anong nakikita niya sa daan.

Whoah, sometimes? Akala ko ba buhay prinsipe ang isang to? Bakit paminsan siya bumibili ng groceries? Ano kung trip niya lang? Wow ha.

"Wow naman, cinderella din pala paminsan ang peg---"

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon